In Vein (02)

8 1 0
                                    

Third Person's Point Of View...

Dinala niya ang tropa sa kanilang hideout. Hindi makapag-drive si Joaquin sa natamo niyang mga galos at pasa. Hindi makakilos ang mga tropa niya sa likod. Yung kambal may black eye at nabali yung kanilang kamay napatulog sila sa hapdi at kirot.  Si Zendar, May dugo sa pisngi  at nakakadilat pa habang may ginagawa sa cp. Si Quephyr may mahabang sugat bahid ng matalim na patalim, kasalukuyan niya itong ginagamot. Si Erwin tinawag niya yung private nurse habang may benda yung siko nito.

Naawa si Joaquin habang nakatingin sa rear mirror. Pabalik balik ang tingin niya dun. Hindi nila akalain na malala yung napala nila dahil kampante sila na mananalo sila na walang galos sa labanan.

Pero sa kabutihang palad nanalo sila ngunit yun nga lang, naging madugo ang laban. May nag 50/50 pero wala namang namatay.

Yung mga nabangga nilang DAG o sa kilalang Dark Assault Gang ay kilala yung leader nilang anak ng isang killer sa 5th block street medyo malayo sa kanila. Nasa labing pinto silang myembro, hindi akalain ng Physix, grupo nina Joaquin, na magiging madugo yung laban.

Iniwan niya na ang mga tropa nya don, binilin niya ang nurse na gamutin at alagaan sila. Tiningnan niya ang relo.

"Wtf!" Singhal niya

Ika-isa na ng umaga, Naghihigpit ang kaniyang magulang kaya wala siyang magawa kundi sundin sila. 

Dahan-dahan siyang umakyat sa bakod nila. Sarado na ang gate kaya umakyat siya.

Bumilog ang mata niya nang may tumutok sa kanya ng flash light.

"K-kuya Why are you come up late?" Nag-aalala na saad ni Kendrix habang tinututok ang flash light.

Napansin niya na bakit ala-una na ng umaga pero bakit gising pa siya.

Napakunot nuo siya sa ilaw na nakakasilaw, imbes na pansinin ang kapatid ay lumakad siya, nilagpasan siya, binangga yung balikat at umalis na.

Pumunta siya sa loob ng bahay, madilim, napahinga siya ng maluwag dahil wala yung Daddy niya at Mommy niya. Na kapag nakita at nalaman nila na umalis pa  siya sa ganitong oras ay libo-libong sermon ang matatanggap niya.

Nang pumunta siya sa kusina upang kumuha ng iinomin ay biglang may nag bukas ng ilaw.

Lumingon siya sa gawing switch at nagulat nang makita yung Daddy niya na nakakunot ang nuo at inayos yung salamin.

"Bakit ngayon ka lang?" Saad ng kanyang Daddy na bakas sa kanyang tono ng pananalita ang galit.

"I said, bakit ngayon ka lang?!"

Nilagpasan niya lang ang Daddy niya at binaba yung inumin. Hindi niya siya pinansin at umakyat sa taas. Nagkulong at hindi na lumabas.

Napaisip siya kung bakit ang higpit nila lalo na't hindi na siya bata pa. Bakit wala siyang kalayaan sa bahay na 'to na hindi niya magawa ang gusto niyang gawin dahil sa pagkukumpara ng kanilang magulang sa kanya at sa kanyang kapatid.

Lalo siyang nainis. Natulog na may kimkim na puot at galit.

In VeinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon