Third Person's Point Of View:
Hawak ni Joaquin ang litrato ng kanyang bunso. Naalala niya ang unang picture nila habang siya'y nakasimangot at si Kendrix naman ay nakaakbay sa kanya habang bakas sa mukha niya ang saya.
Nang biglang may bumusina mula sa labas hudyat na aalis na sila.
Ibinalik niya ang picture, lalabas na sana siya mula sa pintoan ng bigla siyang napatigil ulit at lumingon sa kwarto ng kapatid niya.
Nakadama siya ng lungkot at lumakad palabas.
Nadatnan niya ang kanyang mga magulang na nasa loob ng kotse hinihintay siya.
"Pasok na" Ani tatay niya habang nakadungaw sa bintana ng kotse.
Napabuntong hininga siya at pumasok. Tahimik siyang nakasulay sa bintana na parang walang sa wisyo niya.
Engine was about to move. When they leaving he saw their house standing with all memories possessed on it. He suddenly felt so alone.
"Anak" Panimula ng Mommy niya "A-are you okay?" Nakita niyang tumingin siya sa rear mirror. Napatango siya.
Pero alam ng magulang ni Joaquin ang dahilan kung bakit malungkot siya. Masakit din sa parte nila ang nangyari, kaya nasasaktan sila kapag nakikita nilang ganyan din yung kaisa-isa na lang nilang anak.
Masakit man dahil iiwan na nila yung bahay na siyang naging alaala sa bawat kabanata ng kanilang buhay, pero kailangan gawin ng mga magulang ni Joaquin iyon dahil alam nilang hindi na ligtas sa lugar na iyon.
Hinding hindi nila makakaya kapag mawala pa si Joaquin sa buhay nila. Kahit na masakit na lisanin ang bahay na iyon pero yan lang talaga ang tanging paraan.
"Mom? Naging masama ba akong kapatid?" Biglang tanong niya. Pero alam din niya yung sagot.
"Hindi ako makakasagot niyan anak. Kung ako yung tatanungin mo, siguro... ano... na---"
"Alam ko Mom" Bigla niyang putol kahit di niya man sabihin. Alam din naman ni Joaquin na ang selfish niya. Selfish dahil sarili niya lang ang palaging iniisip niya at hindi yung kapakanan ng kanyang kapatid. Yung mga payo ng kanyang kapatid. Yung trato sa kanya. Hindi niya palagi sinasabi yung mga puot na palagi niyang kinikimkim.
He does not open of how he felt when he was with him.
"Siguro mapapatawad ka niya anak, kung may sasabihin ka man sa kanya. Kung gusto mong humingi ng tawad. Huli na. Maari mo na lamang siyang kausapin ng harapan ngunit sa pagitan ng lupa at kabaong" Parang tinusok ng karayom ang puso niya sa narinig niya mula sa kanyang Dad.
"Alam kong napatawad ka na ni Ken anak" Kita kong pilit na ngiti ni Mom sa rear mirror.
Teary eyes formed when suddenly dark slowly ate the blue sky.
Biglang pumatak ang ulan sa window shield. Mula sa kaunting patak ay biglang dumami at bumuhos na.
Kasalukuyang binaybay nila ang malawak na taniman na siyang pumapalibot sa kanila habang binabaybay ang dalawang linyang kalsada.
Foggy 6pm and he thinks he was in the middle of nowhere.
Tahimik lang siyang nakikinig ng musika kasabay ng malamig na sensasyon ng atmospera.
Nakikita niyang parang nag-uusap ang kanilang magulang ngunit hindi niya mahagilap kahit kaiisang tinig mula sa kanila dahil sa buhos ng ulan at tunog ng musika.
Napapikit siya sa sobrang lamig.
...
BINABASA MO ANG
In Vein
Short StoryIn Vein (Short Story) On going and weekly update! Isang pambihirang istorya tungkol sa magkapatid na sinubok ang pagmamahalan. Joaquin Jacento ay isang lider ng gangster sa isang underground battle na kung saan ay doon lamang siya sikat sa pagiging...