Kinabukasan ay nag-ayos siya para pumasok. Kahit may galos ay hindi siya nagdalawang isip na pumasok. He has redish bumps on his right side of his eyes but he ignored it.
Dahan-dahan siyang lumabas sa kwarto hindi pa siya nakakain.
Nakakuha siya ng pagkakataon na maaga siyang nagising at nakapagayos upang hindi siya masundan ng kanyang kapatid.
Nang nasa garden na siya ay dahan-dahan din niyang binuksan yung gate.
Nagulat siya ng may aninong tumambad sa gate. Tumalikod siya at nakita yung kapatid niya na ngiting titig sa kanya.
"Kuya, sama ako" Nagbingi-bingian siya at imbes na kausapin ulit ay lumabas siya na hindi kinausap ang kapatid.
Nalungkot ang kanyang kapatid at napabuntong hininga na lang. Nagtataka siya kung bakit masama ang trato nang kanyang kuya sa kanya.
Ramdam ni Joaquin ang pagsunod ng kanyang kapatid sa likod.
Sa inis ni Joaquin ay napalingong galit siya "Bakit mo ba ako sinusundan ah?!" Galit na baling niya sa kanyang kapatid.
Tumingin-tingin sa kung saan-saan si Kendrix dahil nagulat siya sa pagkakasigaw ni Joaquin sa kanya.
"G-gusto ko lang naman s-sumama sa'yo, p-papunta school kuya" Putol-putol niyang saad.
Tinignan niya ng masama ang kapatid. Napa-ismid siya at bumalik sa paglalakad. Walang kibo ang nagaganap. Paulit-ulit na lang ito nagaganap sa kanya araw-araw.
Nang nasa paaralan na sila ay agad na naghiwalay ang kanilanig dako, si joaquin ay papuntang pakanan dahil doon yung room niya at si Kendrix naman ay pakaliwa.
Walang pakialam si Joaquin at malamig ang titig sa dinadaanan niya.
Nang malapit na sila maghiwalay ay. Napatigil si Ken, "Kuya ingat ka ah! M-mag-aral ka ng mabuti" Sigaw niya habang si Joaquin ay patuloy lang ang lakad pakanan.
Imbes na kasiyahan iyon ni Joaquin ay mas lalo lang siya nagalit. Napaismid siya ulit at hindi pinansin ang bunso.
Bigo si Kendrix na kausapin siya o pansinin man lang. Napalungo siya at agad na lumakad habang tinatanong sa sarili kung bakit o ano ang nagawa nyang kasalanan sa kuya niya na bakit ayaw siyang pansinin nito.
...
BINABASA MO ANG
In Vein
Short StoryIn Vein (Short Story) On going and weekly update! Isang pambihirang istorya tungkol sa magkapatid na sinubok ang pagmamahalan. Joaquin Jacento ay isang lider ng gangster sa isang underground battle na kung saan ay doon lamang siya sikat sa pagiging...