In Vein (05)

11 2 0
                                    

In Vein 05

Third Person's Point Of View

Kay bilis lang ng pangyayari para sa kanya. Limang araw simula ng mawala sa buhay nila si Kendrix.

Nasa sementeryo sila habang yakap ang litrato ng kanyang kaisa-isang bunso. Hindi magkandaumayaw ang hikbi niya at nararamdamang kirot sa kanyang puso.

Tulala niyang tiningnan ang kabaong ng kanyang bunso na unti-unting kinakain ng lupa. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Ang tanging alam niya ay hindi niya na kayang maibabalik pa ang buhay ng kanyang bunso.

He remain standing, makulimlim na ang langit na parang kinakain na ng maitim na ulap ang bughaw na kalangitan.

Nagsisiuwian na ang mga tao. Ama at Ina na lamang niya ang natitira kasama niya.

Lumapit ang Ama at inakbayan siya, "Anak, tara na, may dahilan siya kung bakit niya ginawa yun" Pumatak ulit ang luha niya. 'Nang dahil sakin namatay siya. Na dapat sa akin lang dapat yung bala na yun. Pero bakit sinalo niya? Tangina naman eh! Bakit kasi ang bait mo!' Saad niya sa kanyang isip.

Sumama siya habang hinahagod ng Ama ang kanyang likod.

Nang nasa bahay na siya ay bigla siya nakadama ng lungkot. Pumunta siya sa kwarto ng kanyang bunso. Tinakpan na ito ng mga tela at ang mga ibang gamit sa baba. Ibebenta nila ang kanilang bahay, upang magsimula ng bagong buhay. Ang mga ala-ala ay kasing sakit ng karayom sa tuwing saan siya pumunta sa bawat sulok ng bahay. Naaalala niya lahat. Mga pangungulit sa kanya, mga ngiti niya, at mga tawa niya na kinakagalit niya palagi. "Bakit ba  kasi ang bait mo" Kinuha niya yung litratong naiwan sa itaas ng maliit na kabinet. "Iyan ang ayaw ko sa iyo eh,*sniff* palagi mo kong iniisip kahit na wala akong pake sayo. Ang bait mo masyado! *sniff*"

Nahiga siya sa kama. Tulala sa kisame. Pumikit siya at Biglang nag-flashback ang lahat, ang dati.

In VeinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon