COH☆Chapter 4

3.2K 44 0
                                        

Huli ka

Kringgggg....

Bumangon na ako at pinatay ang alarm clock.

Puyat ako dahil sa kakaisip kagabi kay Vin.

Hindi!

Hindi ko sya kayang layuan.

Hindi ako titigil.

Ilalaban ko to!

Dapat hindi ako mukhang haggard ngayon dahil ngayon na ang pagent para sa Valentines.Tinungo ko na agad ang Cr.
naligo,nag toothbrush at kung ano-ano pa.

Inayos ko ang sarili ko at nagmake up ng konti.

"Mam Chel kain na"

"No!yaya I'm on diet"

"Baka po---

"Hindi yaya kaya ko to!Baka kasi hindi magkasya ang fitted kong damit na isusuot mamaya"

I need to be perfect.

"Sige po"

Nilagay ko na sa kotse ang gamit ko.At nagsimulang mag drive.

-
16mins.....

Ang daming estudyante ang nagkalat sa labas ng school.

Ang gara ah ang dami na agad kahit maaga pa lang.Mamaya pa naman ang pageant.Tama ako may marriage booth,jail booth,Photo booth,may nagtitinda ng cupcakes,mga items na connected sa Love.Teddy bear...may mga palaro din.

Sosyal ha

Naglakad na ako papuntang room.May mga decorate ang mga room nila.Napadaan ako sa room nila Vin.Ano pa nga ba?pinalilibutan na naman sya ng mga lintang babaeng classmates nya.Ang saya mo pa talaga ha!
Napairap na lang ako at tinungo na ang room ko.

Wow ang ganda rin ah.Sinong nag design babayaran ko.Char.

Pumasok na ako sa loob.

"Hello Chel"

"Hi Chel"

"Chel ready ka na ba?"

"Yes, ako pa"sabi ko

"Yan! Laban lang.."sigaw nila

"That's the Power of  ABM and team Chel"sigaw ni Kian

"Go Wynchel Win Win Chel"sigaw nilang lahat

Hinanger nila ang susuotin ko.Inayos din nila ang dala nilang banner na gagamitin pang support sakin.May pompoms din silang ginawa.Wow classmates i love you all very supportive.Inferness ha!Ang ganda ko dun sa banners nila bet ko yun.

"We love you Chel"

"Go Wynchel"

"ABM all the way"

Ang ingay nila.Handang handa na talaga sila sa event.

Kamusta na kaya si Vin.Gusto ko sya puntahan.

Lumabas muna ako ng room namin.Diretso akong pumasok sa room nila.Buti na lang wala na masyadong classmates nya.Mga isa hanggang tatlo na lang na lalaki ang classmates nya na nandun.

"Hi Vin"bati ko.

"Bakit ka nandito?"seryoso nyang sabi

Pumasok na lang kasi ako ng walang pasabi.

"Wala lang..hmm..itatanong ko sana kung anong talent mo mamaya?"

"Pati ba naman yun pakikialaman mo pa?"

"Hindi nam---

"Kung wala kang importanteng sasabihin lumabas ka na"

Sungit nagtatanong lang naman tss.

Change of Hearts Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon