COH☆Chapter 17

2.6K 27 2
                                        

Building 2

-

Pumasok ako ng gate ng school. Ang ganda na ng school kung saan gaganapin ang ball. May mga nakakabit ng ilaw na makukulay. May mga flowers na sa bawat tabi ng place.Basta ang bongga.

Pumunta na ako sa room. Pagpasok ko ay nagandahan din ako. Ang cute ng classroom namin ang color theme nya ay Pink and Sky blue. Parang May party dito ah!

Walang klase ngayon. Maghahanda ang mga teachers. Kami naman ay maaga rin kaming uuwi para makapag ayos. Naiinip lang ako sa bahay kaya dito muna ako sa school. And also 8pm pa naman ang start ng ball. Pagkatapos kung tumulong paglilinis ng harap ng room namin ay napagdesisyunan kung maglibot muna sa campus. Titingnan ko rin ang ibang rooms.

Sipag-sipagan


Nandito ako sa tapat ng room ng STEM. Hindi ko magawang tumingin baka mahuli nya ako tapos magalit na naman. Pero dahil hindi ko matiis tiningnan ko na rin...na dapat hindi ko na lang talaga ginawa. Kitang kita ng mga magaganda kung mata si Vin kasayaw ang isang babae. Sa tingin ko ay partner nya at nagpapractice na sila ng sayaw nila para sa ball mamaya.


Sana ako na lang ang kasayaw nya. Ang lawak ng ngiti nya at makikita mo na ang saya nya talaga. Ganyan kaya kami kapag kinasal na kami?


Mangarap ka.

Sunod kung pinuntahan ang Building 2. 3rd floor ito at malayo layo ng konti sa G12 building. Ang Building 2 ay isa sa mga magaganda rin ang classroom at facillities. That G.B stands for Honestly Building. Good Students ang mga nandyan. May mga good manners...kaya yang building na yan ang favorite ng mga teachers.Masipag,maaasahan,Matulungin at higit sa lahat tapat. Mga high honor Students. Iba ang uniform nila sa uniform naming mga nasa Building 1. Higit na malalaki ang karangalan nila kesa samin. Nasa kanila rin kinukuha ang mga MadAH officers and Council students.


Hindi naman kami pinagbabawalan na pumunta sa ibang building. Umakyat ako doon at namangha sa linis at kaayusan ng Building na ito. Sana dito na lang ako....bukod sa mahangin ay ang ganda pa ng view dito.

Apat na section ang magkakahanay dito sa 3rd floor. Ang Submissive Section, Yielding Section, Solicitous Section, and lastly Ang Respective Section.Wow name pa lang ng Section ang babait na...pano pa kaya kapag nakausap mo na sila.


"Sky..umuwi ka na..kailangan mong magpagaling"

"Hindi po. Okay lang ako"


"Hindi ka okay...alam ko yun. Sige na ayaw kung lumala yang sakit mo. Wag kang mag-alala kami ng bahala dito sa classroom"

"Sige po.Salamat po"

Bait naman talaga...

Narinig ko ang paguusap ng dalawang students sa may Respective Section. Kasabay ang paglabas ng isang lalaki na nasa 17th years old na rin. Namumutla sya at mukhang may sakit nga.

Siguro pinauwi sya ng classmate nya o kaya naman ng Respective President dahil naaawa sa kanya.

Bumaba na lang rin ako sa Building. Babalik na ako sa room or di kaya ay uuwi na lang...ang boring talaga.


-

"CHEL!"

"Oh?"

May pagsigaw si Mikka.

"May naghahanap sayo"nakangiti nyang sabi.

"Sino naman?"

Mula sa likod nya ay lumabas ang isang lalaki na may dalang bulaklak.

Change of Hearts Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon