COH☆Chapter 16

2.5K 30 1
                                    

Ice cream

"Bukas na ang ball!"

"Yeah... I'm very excited"

"Tss..halata nga"

"Look guys nag shopping na ako ng isusuot ko sa ball"

"Wow ang ganda naman...well ako wala pa"

"Chel"

Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Dezz lang pala. Sila pinag-uusapan nila ang ball bukas. Ako naman eto at iniisip ang masasakit na sinabi sakin ni Vin. Pero hindi naman mababago ng pagtunganga ko dito ang nangyare. Pupunta pa kaya ako sa ball bukas. Parang tinatamad na ako....at isa pa wala rin akong partner. Wala pa naman si Karl.....umalis....hayy kainis...Ayoko namang partner si Kian. Kung si Vin naman sigurado akong ire-reject lang ako nun.

Bakit ko kaya naisip si Karl.
Kamusta na kaya ang mayabang na yun?
Wala man lang pasabi, bigla na lang umalis.

"Hmm?"

"Chel ikaw may isusuot ka na ba sa ball bukas?"tanong ni dezz.

"Hmm..wala"

"Really?tamang tama...sabay tayo mag shopping"

"Para ngang ayoko pumunta eh!"

Tinatamad kasi ako plus wala akong partner. Galit naman sakin si Vin.Baka kung ano na namang masasakit na salita ang sabihin nun sakin.

"Bakit naman...minsan lang mangyari yung ball sa loob ng isang taon....sayang naman"nalukot ang mukha ni dezz.

"Tss...Fine...Sige na....Pero sandali lang ako...mga 10 uuwi na rin ako sa bahay"

"Okay"she giggled.

-

Pagkatapos ng klase ay dumiretso kami ni Dezz sa Mall. Buong araw hindi ko nakita si Vin. Siguro ayaw nya rin akong makita..Pero it can't change the fact that we're going to get married.

-

"Look Chel...ang cute nitong purple gown.."dezz.

"Oo nga...ang ganda"rara.

Kasama namin si Rara at Lisa.

"I will buy this"sabi ni dezz.

"Okay...Help me rin pumili ng gown Dezz ha!"sabi ni Lisa.

"Sure"

Naglibot kami at pumili ng gown na isusuot ko sa ball. Naagaw ng pansin ko ang isang White Gown. Ang ganda....kahit na simple lang sya.Ang ganda din ng mga designs..talagang aagaw ng atensyon ng mga tao. Naisip ko tuloy na ito ang isuot ko sa kasal namin ni Vin. Siguro nasa akin ang full attention ng mga tao.

"Chel...don't tell me dito ka bibili ng gown eh wedding gowns tong pinuntahan mo eh!...Ikakasal ka ba?"napatingin ako kay Dezz.

Bigla akong kinabahan sa tanong nya.

"N-No..tumitingin lang...masama ba?"act normal. Hindi nya alam.Si Rara lang ang nakakaalam.Si Rara at mikka kasi ang pinagkakatiwalaan kong kabigan.

"Pshh...Halika na at dun tayo sa kabila maghanap"

Hinila na ako ni Dezz sa kabila.Babalikan kita gorgeus gown...Bibilhin kita.

"This!!...Do you like this one?"umiling ako sa kanya.

"Hmm..Nope....That...I like that"

Change of Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon