Ready
—
Naligo ako. Nagbihis ng dress at nag-ayos ng sarili.
Darating kasi sila Vin kasama ang pamilya nya. Pag-uusapan daw ang tungkol sa kasal namin ni Vin.
"Mom,Dad ayan na sila Vin"sigaw ko habang nagmamadaling bumaba, natanaw ko ang sasakyan nila.
Inayos ko ang sarili ko bago umupo ng maayos at hinintay na pumasok sila sa bahay.
Pagkakita ko kay tita Unice at Tito Edward ay nag bless muna ako. Syempre para mabait na mabait ang dating ko.
Umupo na kami sa bangko. Hinanda ni manang ang mga pagkain. Ang pamilya ko at ang pamilya ni Vin ay magkakaharap ngayon, ganun din kaming dalawa ni Vin na nasa magkatapatang bangko. Nginingitian ko sya...pero matalim na tingin nya sa akin.
Habang nakatitig ako sa kanya sya ay seryuso ang mukha at kung iimikan ko baka bugahan ako ng apoy.
Parang may regla pa naman ito palagi.
"So pag-usapan na natin ang kasal nila Chel"sabi ni tita Unice.
Hindi ko mapigilang ngumiti dahil masyadong direkta si tita unice. Nang sulyapan ko si Vin ay masama ang tingin nya sa'kin.
Anong sinasama sama ng tingin mo dyan eh ikaw ang biglang gustong pakasalan ako.
"Nakausap na namin si Vin...at... payag na sya na pakasalan si Chel"sabi ni tita ng nakangiti.
Muli akong napatingin kay Vin na nakatingin sa kawalan.
Nakausap na nila? Kaya ba bigla syang pumayag?...na curious tuloy ako kung anong pag-uusap ang nangyare.
"Ganun din si Chel...handa na syang magpakasal"sabi naman ni mom na nakangiti din.
"So Chel, Vin kailan nyo plano magpakasal?"tanong ni tito.
Lahat sila ay nakatingin kay Vin at minsan sa akin.
"After Graduatio—
"Next week"walang atubiling sabi ni Vin.
Agad akong napatingin sa kanya. Next week agad? Mariin din ang titig nya sakin.
"Parang ang bilis naman ata nun Vin"sabi ni tito.
"Dad..dun din naman ang punta nun....patatagalin pa"sabi nya sa seryosong tono habang nakatingin sakin.
"Sa bagay tama ka"sabi naman ni dad. Nag kibit balikat lamang sila mom and dad.
"P-Pero"lahat sila ay napatingin sa'kin.
"Baka lang naman po ma-apektohan ang pag-aaral namin kung sa...isang...linggo agad"pahina ng pahina ang pagsasalita ko.
"May punta ka rin Chel"sang ayon sakin ni tita unice kaya napangiti ako sa kanya.
"Bakit kailangan pa patagalin?Ayos lang yun. Isang araw lang naman ang Kasal hindi ba?"nakatingin sakin si Vin.
Nakangiti sya pero alam ko na inis na sya dahil tumutol pa ako sa desisyon nya. Parang may kung ano ang ibig nyang sabihin.
"Oo nga naman anak. Si Vin naman ang bahala sayo"sabi ni mom.
Si mom tiwalang tiwala talaga sya kay Vin pero ako parang.....bakit parang nabibilisan ako sa lahat.
Gaga ka diba ito naman ang gusto mo.Oh ayan na!
"Hindi ka naman pababayaan ng anak ko"nakangiting sabi ni tita.
Napangisi na lang si Vin, yung ngising alam mo na iba ang kalalagyan ko sa kanya. Tinapik tapik ni tito ang balikat nya.
BINABASA MO ANG
Change of Hearts
RomanceShe fell first but He fell harder. Read the story of Wynchel Ramirez and Archin Vinxios Villaraza.
