COH☆Chapter 21

2.6K 35 1
                                        

Girl-Friend


"Salamat"

Nandito na kami sa tapat ng bahay ko. Nagpasalamat na ako kay Vin. Oo nga pala. Una ang bahay namin kesa sa bahay nila.

"Tsk.Hindi yan mangyayari kung hindi mo ako sinundan"

"Oo na nga...Sorry na"sabi ko tapos ngumiti.

"Sa susunod iiwanan na talaga kita doon kapag sinundan mo pa ulit ako"

Para namang matatakot ako sa banta mo. Susunod pa rin ako kasi ililigtas at ililigtas mo pa rin ako.

"Hindi na kita susundan....dahil aalamin ko na ang daan"kumindat ako sa kanya.

"Tss..pasaway. Aalis na ako"

"Okay..bye"nag flying kiss pa ako sa kanya.

Hindi na sya humarap kaya naman tiningnan ko na lang sya habang naglalakad paalis. Nang malayo na sya ang pumasok na ako sa bahay.

"Mam Chel"bungad sakin ni yaya

"Saan po ba kayo pumunta?Nag aalala na po kami sa inyo nila mam at sir.At bakit ho ganyan ang suot nyo?"



Imbes na sagutin si Yaya ay binigyan ko sya ng matamis na ngiti bago tumakbo sa kwarto ko.

Karl's POV

I can't imagine that night. Napaka ganda talaga ni Chel.

Kahit na naka mask sya alam kung sya yun at alam kong ang ganda ganda nya ng gabing yun. Kahit na madilim pinagmamasdan ko sya.

Gusto na nga siguro kita, Chel. Kahit na nagsusungit ka minsan...kahit na may kaartehan ka. Kahit na minsan maldita ka...Yun nga ang nagustuhan ko sayo eh!Maingay kang kasama....Ewan ko ba?Parang natitipuhan ko na ngayon ang mga babaeng madadaldal..maingay..at nakakainis kasama. Sila kasi yung hindi boring kasama.

Nalala ko pa noon nung unang pagkikita namin ni Chel. Kumakanta sya sa kotse nya...inis na inis talaga ako nun dahil ang haba haba na ng pila nakaharang pa rin yung kotse nya. Kaya nilapitan ko na sya at nang buksan nya yung bintana ng kotse nya....nakita ko ang maganda nyang mukha. Pinigilan kong matulala sa kanya sa halip ay sinungitan ko sya agad.Tapos nakita ko sya sa school....yun ang araw na nagkaroon ako ng pag-asang makilala pa sya ng tuluyan at mapalapit sa kanya.

Pero alam ko rin na masasaktan lang ako. Lalo na't gusto nya si Villaraza. Nalaman ko na isa sya sa mga patay na patay kay Villaraza.

"Baliw ka talaga Chel"pabulong kong sabi sa hangin.

Kahit na pinagtatabuyan ka na ni Villaraza. Sunod ng sunod ka pa rin.Gusto mo pa rin sya...Ano bang meron sya na wala ako. Ano bang nakita mo dun at kahit na binabalewala ka..patay na patay ka pa rin.
Nakaka bwesit ang isang yun.

"Sir ready na po"

"Susunod ako"sabi ko

Pupunta ako ngayon sa Singapore. I will start training. Pag-aaralan ko na ang pagpapatakbo ng kompanya namin. So mag ta-transfer ako sa Singapore..doon muna ako mag-aaral... It's sad to say na aalis ako....but I'll be back...Babalik ako...Babalikan ko si Chel..at pagbalik ko...handa na akong umamin sa kanya. Hindi na ako magpapaalam dahil babalik rin naman ako one year lang naman ako roon.At sa pagbalik ko handa na akong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.

Pumunta na ako sa Kotse.

Wait for me Chel.

Kukunin kita kay Vin.

_

Monday.

4 days na lang ikakasal na kami...Excited na kinakabahan ako.

Naglalakad ako ngayon papunta sa building namin.

"So sad naman..."

"Kaya nga...bakit ba kasi sya umalis"

"Wala na tuloy tayong Class President"

"True!Haysst...I miss my fafa Sanchez"

Ilan lang yan sa mga naririnig ko sa mga nakakasalubong ko dito.Sa pagkakaalam ko eh!Classmates ng mga to si Vin...at si Karl. Mag classmates sila.

Tumakbo ako papunta sa STEM. Hindi ako pwedeng magkamali...Sanchez ang apilyedo ni Karl...siguro kaya hindi ko na sya nakikita kasi umalis na sya.
Buti na lang at wala pa silang teacher.

Tinungo ko ang pinto ng classroom nila at agad na nilibot ng mata ko ang Classroom nila...Nakita ko si Vin napatingin sya sa akin pero hindi ko muna sya pinansin dahil hinahanap ko si Karl.

"Excuse me...bakit yun?"tanong ng isang babae.

"Uhmmm—

"Oh Wait!!!OMG..."sabi nung babae

Para syang gulat na ewan. Problema nito sakin.

"Wait..Ikaw ba yung sinasabing Girlfriend ni Karl?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. A-Ano GIRLFRIEND?AKO?...No!

Anong sinasabi nito?

"H-Huh ahh...H-Hin---
Iling ako ng iling sa kanya.

"Sorry miss...pero naka alis na ang Boyfriend mo. Nung Sunday pa. Nag transfer na sya."

WHAT?
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng babae.
Loko yun ah Wala man lang paalam ang ipis na yun...kainis...hindi ko tuloy nasabi na pasalubong ko pag uwi nya.

"TRANSFER"di maka paniwalang tanong ko. Naagaw ko ang atensyon ng iba.Pati si Vinay nakita kong nakatingin sakin ng may madilim na mga mata.

"Oo"sabat naman ng isang lalaki.

"Ano ba naman yan si Karl..hindi marunong magpaalam sa Gf nya."

Hindi nga nya sabi ako GF. Napakamot nalang ako sa buhok ko.

"Pero wag ka mag-alala pinababantayan ka nya samin...tsaka one year lang naman daw sya dun...wag ka daw mag alala at wag mo sya masayado ma mimiss.."kumindat sakin itong lalaking feeling close.

"Ayieeeee"narinig ko mula sa mga classmate nya.

Napatingin naman ako kay Vin. Hindi sya naka ngiti...sa halip ay inirapan nya lang ako.

Inis na naman sya.


"Ikaw pala yun...Ngayon alam na namin..Hindi nya kasi sinasabi ang pangalan..Basta sinasabi lang nya..may Girlfriend sya sa ABM"sabi nung babae.

Hindi nya nga ako girlfriend. Okay sana kong si Vin yung tinutukoy nya.
Baka kung ano na naman ang isipin ni Vin.

"Sorry pero hind—

"Ms.Ramirez can you go back to your own classroom..your disturbing us."sabi ni...sino pa ba?eh di si Mr.Sungit.

Nakatayo sya sa upuan nya at nakatingin sakin ng masama.

"Sige na umalis ka na..at nagsusungit na naman sya"pabulong na sabi nung babae.

Thank you naman dahil hindi lang pala ako ang sinusungitan ng lalaking to.

"Ms.Mendoza may sinasabi ka?"sabi ni Vin.

"Wala po Mr.Vp"sabi ni ate girl sabay ngiti.

So'sya pala si Ms.Mendoza..At si Vin pala ang Vice President ng Room,si Karl ang President.

"Ano pang ginagawa mo dito?Alis na"masungit na sabi nya.

Umalis ako.Grabe talaga magpahiya yung lalaking yun.Yabang talaga...at over sa kasungitan.Ano nalang kaya ang magiging future ko kapag naging asawa ko na sya.Siguro buhay na puno ng hirap...kalbaryo at puro sakit lang.

Siguro kapag nagka anak kami.Puro kasungitan lang ang makukuha sa kanya.



Kamalasan..

Change of Hearts Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon