COH☆Chapter 13

2.6K 35 5
                                    

Sampal


Karl's POV

Kamusta na kaya si Chel? Miss ko na sya. Baka sinasaktan na naman sya ni Villaraza.

Nandito ako ngayon sa Singapore...kasama ko si mom at dad. May business sila...sinama nila ako dahil sa susunod daw ako na ang mag ha-handle ng company namin. Ang SZ companay. Tinuturuan na ako nila mom and dad...para pagka-graduate ko ako na ang ma-mamahala. At pag nangyari yun.
May maipagmamalaki na ako kay Chel.
Pwede ko na syang makuha mula kay Vin.

-

"Aray"daing ko ng padabog akong bitawan ng lalaking nanghigit sakin.

Tiningnan ko sya ng kunot noo...pero nawala yun ng makita ko kung sino ang kumaladkad sakin papunta dito sa Rooftop.

"V-Vin?"nauutal kong sabi

Ang dilim ng Awra nya.Nakakuyom din ang kamao nya.Galit sya alam kung galit sya.

Ano na namang ginawa ko?

"HANGGANG KAILAN KA BA GANITO CHEL?!"

Gusto ko ng tumakbo dahil natatakot ako sa kanya.Hindi ako makatingin sa kanya...nakakabingi rin ang boses nya.

"Wala ka talagang alam gawin kundi.....ang mangialam diba?Manira ng buhay"sabi nya

Tahimik lang ako habang nakayuko.
Gusto ko ng umiyak....pinipigil ko lang.

Ito ang pangalawang beses na makikita kong puno ng galit ang mga mata nya.

"Alam mo Chel....ikaw lang naman ang napaka desperadang babae na nakilala ko. Hindi ka talaga titigil hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo no? Kahit ilang beses kitang nireject, kahit ilang beses kong sinabi sayo na hindi kita gusto nagagawan mo pa rin ng paraan"

He tilted his head.

His eyes. Full of disappointment.

"You're like some desperate bitch"

Kumunot ang noo ko....pero nawala yun ng makita ko ang mga mata nyang puno ng galit. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng tubig sa mata ko.

"Hindi mo ako madadala sa mga paiyak mo Chel. Ikaw mismo ang gumagawa ng paraan para maging sayo ang isang lalaki. Siguro tama lang na dati pa nilayuan na kita. Kung yun ang inaasahan mo?Hindi na yun maibabalik pa...hindi na tayo magiging ganoon....because it's your fault...kasalanan mo....at nagsisisi ako na naging kaibigan kita dati—

"Vin"

Hindi ko mapigilang magsalita. Hindi ko na kaya ang mga salitang lumalabas sa bibig nya. Para akong tinutusok ng punyal sa dibdib.

Akala ko titigil na sya pero hindi pala.

"Kung nasasaktan ka sa mga sinasabi ko...well you deserve it. Wala akong pakialm sa nararamdaman mo, maybe this is better, baka sakaling matauhan ka sa kahibangan mo. You're just like a piece of trash, wala ka ng kaibahan sa mga babaeng bayar—

Sinapal ko sya ng hindi sinasadya.

Hindi ko na kinaya.

Nasasaktan na ako sa mga sinasabi nya.Wala naman akong ginawa kundi ang mahalin sya pero ito ang ginaganti nya sa akin.

Hindi ko naman kasalanan na may kasunduan sa pagitan ng pamilya namin.

Natigilan sya ng sampalin ko sya.

Pero muli nya akong tinapunan ng matalim na tingin.

"Hindi kita pakakasalan" sabi nya bago tuluyang umalis.

Change of Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon