COH☆Chapter 19

2.6K 36 0
                                        

Cry

-


OH MY GOSHHHHHH.....
My.....My.....My FIRST KISS...Wala na ang first kiss ko. Ire-reserve ko nga yun dahil ang first kiss ay para lang kay Vin. Sa kasal namin...Pero yung walang hiyang lalaking naka mask kinuha yun....kinuha sakin ng ganun-ganun na lang.

Ni hindi ko nga sya kilala....Hindi ko alam kung ano ang pangalan nya. Sumulpot na lang sya na parang kabute kung saan.

Nag aya makipag sayaw. Malay ko ba kung saan yun galing. Baka....Baka rapist yun. Manyakis.

NO!THIS CAN'T BE....kapag nakilala ko at nakita ko ang lalaking yun. Humanda sya sakin.


Kasabay ng pagpatay ng mga ilaw ay bumitaw sya ng halik sakin. Bakit hindi man lang ako umiwas ha!Nadala siguro ako ng pagkabigla. Hindi ako makagalaw nung hinigit na lang nya ako bigla para i-kiss.

Pagbukas ng mga ilaw ay naghiyawan ang mga tao.

Tapos yung walang hiyang lalaki ay hindi ko na nakita. Bigla na lang nawala.

"Pasensya na kayo...hindi sinasadyang nabunot ang saksakan ng lahat ng mga ilaw at mucics. Pero...TULOY ANG SAYAWAN"

Nabunot?Really?
Ang sabihin nyo ay baka sinadya nyo. Siguro inutos yun ng lalaking yun para mahalikan ako.

Para makuha ang first kiss ng napakagandang babae na tulad ko. At ako nabiktima ako ng ganun ganun lang.
Pinahid ko ang labi ko.

Umingay na ulit at nagsimula ulit sila magsayaw. Imposible naman...Halos lahat talaga ng ilaw namatay...NABUNOT....siguro may nagplano nun.

Luminga linga ako pero wala akong makita na naka gray na mask. Oo yung lalaking walang hiya na nagnakaw ng halik sakin.
Hinahanap ko sya....Gusto ko syang sapakin...suntukin...tadyakan at patayin,sipain. Bwesit syang ipis sya....ipis na rin sya. Bakit ba ang daming ipis na umaaligid sa'kin. Kainis....
PERO WALA...wala akong nakita.
Bumalik na lang ako sa upuan.

"Bess oh my gosh...I saw that"sabi ni mikka

"Nakita mo rin?Nasan na sya?"

"Hindi ko alam...pagkabuhay ng ilaw ay hindi ko na rin nakita yun"

"Tss..sino naman kaya yung lalaking yun?"

"Kiss steeler mo"humalakhak si mikka.

"Yung feeling na nanakawan ka ng halik na dapat ay sa taong gusto mo lang nakalaan"halos mangiyak ngiyak naman ako.

"So Sad"

Nakakawalang gana tuloy.Parang hindi na masaya.
Teka...nasan na nga ba si Vin. Agad ko naman syang makikilala dahil alam ko ang pabango nya...ang boses nya at mga mata nya.

Sana pala hindi ko na lang sya hinanap.
Mula sa kinauupuan ko ay tanaw ko sya na may kasamang iba. Nakikipag inuman sa mga classmates nyang lalaki tapos may nakakapit sa kanyang lintang babae. Halos idikit na sa kanya yung boobs, Ew.

Flat naman.

Nang mapagawi ang tingin na sakin ay inirapan nya ako. Yung irap na galit talaga at parang papatayin ka na. Ano na namang ginawa ko?.

Sana lang hindi nya nakita yun.


Hay nakakaboring talaga....Nakita ko na lumabas si Vin....kaya naman naisipan kung sundan sya.

"Psst."

Nagtago ako sa may likod ng mga halaman. Sinusundan ko lang sya....Lumingon sya pero agad din syang bumalik sa paglalakad.

Change of Hearts Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon