COH☆Chapter 9

2.8K 38 1
                                        

Kasunduan

"Chel"mom's calling me.

"Yes mom?"

"Mauna na kami ng daddy mo, manang take care of my baby"

"Opo mam"

"Bye mom ingat love you"

"I love you too"

Sumakay na sila sa kotse.Dalawang araw na sila dito mula ng dumating sila.Puro business naman...tuwing gabi lang kami nagkakausap..minsan hindi na nga dahil pagod sila.Minamasahe ko na lang sila mom and dad.Para naman mabawasan yung stress nila sa work.

"Yaya can i go out?"

"Saan po mam diba sabi po ng mommy nyo dito lang daw po kayo"

"Hindi naman nya malalaman kung hindi mo sasabihin eh!At isa pa...busy sila...ano namang gagawin ko dito..tutunganga lang...yaya nakakainip kaya"

"Eh saan naman po kayo pupunta?"

Saturday ngayon....hmmmm...I know.

"Kila Tita Unice"

"Sige na nga po...wag nyo na lang po masyado tagalan ha"

"Yes yaya..Thank you"

Umakyat na ako sa kwarto at Nagbihis.Sinama ko na rin si Vinch hindi ako inis sa kanya dahil masaya ang araw ko ngayon.Hindi ko nga alam kung bakit..Basta masaya ako period.

Sumakay na ako sa kotse at nagmaneho.

Nakarating na ako sa bahay nila Vin.
Nag doorbell ako at pinagbuksan ulit ako ng yaya nila.

Pinatuloy nya ako at pero nakita ko.....si......

"Mom?"

Anong ginagawa nila dito.Kaya pala may parehong pareho ang kotse nila yung nasa labas.

"Manang pwede wag nyo po muna sabihin na nandito ako"

"Bakit po mam Chel?"

"Basta po."

"Sige po"

Dahan dahan akong lumapit sa kanila ng hindi nila ako napapansin.Tumago ako at nakinig sa usapan nila.

Bakit nandito sila. I thought they're going out of town for business.
Oo mag kumare at kumpare sila but sabi ni mom, business daw.

Ito ba ang business na sinasabi nila?

"Pwede pa namin kayong matulungan"mom said

"Sa paanong paraan naman mare?"tanong ni tita unice

"Hindi ko pa alam eh pero mag-iisip kami ng kasunduan para sa atin"mom said

"Ilang taon na ba si Vin?"tanong naman ni dad

"19 years old pa lang, 21 pa sya makakapag manage ng company ng pamilya namin"tito edward said.

"Eh pano kung ipagkasundo na lang natin sila Vin at Chel"sabi ni tita Unice.

Ipagkasundo?

"Unice ang babata pa nila"sabi ni mommy.

"18 na si Chel, she's not minor anymore"

"Pero kailangan pa rin natin ang desisyon nila...kung agree ba sila o hindi,ayoko namang ipagkasundo sila kung may iba silang gusto"sabi ni mom

"Tama ka mare, mahirap matali sa isang relasyon na hindi parehas sang ayon"

Relasyon?

Matali?

Change of Hearts Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon