COH☆Chapter 14

2.6K 34 1
                                    

Marry me?

Dahil sa boredom kinuha ki ang notes ko at nagbasa. Apat na araw ang lumipas ganoon pa rin ang nangyare. Umiiwas ako kay Vin. Ewan ko ba,masyado na kasi syang mapanakit. Baka masanay na rin ako na hindi sya pinapansin.

Baka kapag nasanay ako makalimutan ko na sya at mawala yung feelings ko para sa kanya.

Hindi ba mas maganda ang ganoon?.

Ilang minuto pa ay dumating na si Sir.

"Good Morning!"bati ni Sir

"Good Morning Sir"

"Kamusta naman ang paghahanda nyo para sa ball sa Friday night?"

"Okay lang po Sir"sabi ng lahat

"By the way class...Sino nga pala ang President ng Room na tin?"

Nagtinginan kami....Wait...wala pa namang nae-elect ah!

"Sir wala po"

"What?Mag tatapos na ang first semester na wala pa tayong Classroom Officers?"

Napakamot kami sa Ulo.
Well wala naman ho kasi kayong sinasabi na mag elect.

"Okay...dahil wala ngayon tayo mag e-election"

Napapalakpak kami sa tuwa.Syempre kasi wala na namang klase.

-

After ng election....Nabuo na ang Classroom Officers ng ABM.

President: Wynchel Ramirez
V-President:Kiandler Herroso
Secretary:Andrea Callen
Treasurer:Jasmine Hidalgo
Auditor:Patrick Oliveros
P.O:Catherine Masseya
P.I.O:Princess San Pedro
Representative:John Carlo Dela Cruz
Muse:Jessica Lerum
Consort:Jake Valdez

Hindi na bago...Ako na naman ang president. Gusto ko sana ako ang Secretary eh!Kaso hindi nga pala ako masipag magsulat. Well dahil ako ang Classroom president humanda kayo sakin.

Kasalukuyan silang nag de-decorate ng classroom namin.

"Kayo ayusin nyo ang design sa may pinto...yun ang mahalaga kasi yun ang unang makikita ng mga students dito"

Sinasabi ko sa inyo...wag nyo ako iboto...yan tuloy sunod kayo ng sunod sa utos ko. Hindi lang naman ito para sa akin para sa ikagaganda ng classroom namin to!

Lumabas muna ako ng classroom para magpahangin. Ang init sa loob...oyy pwede na ha Maganda ang design nila.

"Ang sipag nyo talaga guys"ngising aso ko sa kanila.

"Oh ikaw?Kumilos ka"napairap ako kay Kian na prenteng nakaupo habang nakatingin sakin.

"Hoy ano ka boss?VP ka lang dito.Sumunod ka rin sakin"sabi ko sa kanya.

"Eto na nga po Ms.Press nag papahinga lang"

"Tsk.Pahinga pahinga ka pang nalalaman.Kiandler kilos na"

"Oo na"tapos padabog syang tumayo.

"Galit ka?"

"Ako?Naku hindi. Kelan ba ako nagalit sa baby love ko"tapos kinindatan pa nya ako.

Eww ka talaga kian.
Napangiti na lang ako ng makitang nagsisipag silang lahat.

Ngunit.

Nawala ang ngiti ko ng makita ko si Vin.

Change of Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon