COH☆Chapter 20

2.7K 33 0
                                        

Care
-


Nakaramdam ako sa balat ng ilang patak ng tubig.

Shit Uulan pa ata!Kainis....Madilim pa naman. Naiwan ko rin ang Cp ko. Plus hindi ko na alam ang daan palabas mula dito.
Kung bakit kasi iniwan na lang ako basta dito ni Vin.

Natigil ako sa pag-iyak ng ilang sandali.

Paano na?

Saan ako pupunta?Saan ako sisilong sakaling lumakas ang ulan. What the fudge...Umiiyak na nga ako sa nangyari tapos dadagdag pa itong ulan na ito.

Hanggang sa....Ayan na sya...Lumakas na ang ulan. 10pm na pero nandito pa rin ako. Buti na lang at walang pasok bukas dahil saturday.


Kasabay ng paglakas ng ulan ay ang paglakas din ng iyak ko. Lakas loob akong tumayo.
Para akong nasa isang drama. Hinawi ko ang buhok ko at huminga ng malalim.

Tonight ibubuhos ko lahat ng sakit kasabay ng malakas na ulan. Ngayon isisigaw ko lahat ng hinanakit ko. Lahat ng gusto ko sabihin. Lahat ng kinikimkim ko.

Humagulgol ako kasabay ng kulog.

"MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA VIN"alam ko naman na walang makakarinig sa akin.



Napaupo ulit ako. Pagod na ako sa pag-iyak."Mahal na M-Mahal kita"
Napayuko na lang ako habang hawak ang tuhod. Bahala na kung magkasakit man. Bahala na kung mabasa ng ulan...Bahala na kung mamatay man ako dito sa lamig. Buti na lang at nakagown ako dahil mahaba ito. Ginawa kung jacket dahil nilalamig na ako.

Ang lakas ng ulan.Wala akong makita dahil sa dilim ng paligid.

Nanginginig ang labi ko pero wala akong pakialam. Gusto mong sundan si Vin diba?Ayan ang napala mo. Bakit kasi hindi ka marunong mapagod Chel. Bakit ang bobo mo sa pag-ibig, matalino ka naman sa Acads diba bakit ang bobo mo sa pag-ibig. Ganito ba talaga kapag matalino sa Acads?...tanga sa pag-ibig?.

Tumigil ka na.

"CHEL!"

May narinig akong sumisigaw. Sumisigaw rin ako pero sa tingin ko hindi nya yun maririnig dahil ang lakas ng ulan. Lamigin pa naman ako. Madaling lagnatin......Naalala ko dati nung nagkasakit ako.Magkasama kaming naligo sa ulan ni Vin. Hindi nya alam na lamigin ako kaya nag tagal pa kami. Wala naman akong pakialam kung lamigin man ako...kasi masaya ako noon dahil magkasama kami at naghahabulan sa ulan.

Tapos kinabukasan nilagnat ako. Pinuntahan nya agad ako sa bahay. Ginalitan nya ako at sinabi na hindi na raw ulit kami maliligo sa ulan dahil lamigin pala ako.

Napatawa ako habang umiiyak.

Para syang si dad nung mga panahon na yun. Kung sermonan nya ako...Para akong tanga...Nilalamig na nga ako..nagtatawa pa ako dito.Tumawa ako ng parang baliw habang basang basa na ng ulan walang masisilungan walang malalapitan.

Nanlalabo na rin ang paningin ko dahil sa patak ng tubig.

Tangina ka Chel!
Gaga ka talaga. Nakukuha mo pang tumawa sa lagay mong yan.

"CHEL!"

Lumingon ako,malabo ang paningin ko dahil sa pinag-samang luha at ulan. Haggang sa papalapit na sya ay lumilinaw na.


Vin?

Anong ginagawa nya dito?

Nakatulala lang ako sa kanya. Bakit ka nandito?Diba galit ka? Diba iniwan mo 'ko? Bakit ka pa bumalik?Narinig mo ba ang sigaw ko?

Change of Hearts Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon