Home
—
Alam nyo ba yung feeling na ang ganda ganda mo.Ang taas ng tingin mo sa sarili mo at lahat ng gusto nakukuha mo.
But,hindi ko kailangan ng iba. Kasi nag-iisa lang ang kailangan ko para maging masaya.And thats him...Si Vin.Sya lang,pero bakit ang hirap hirap nyang abutin. Bakit ang hirap hirap nyang kunin.
Kapag lumalapit ako lumalayo sya,kapag gusto ko sya kausapin, umiiwas sya.
Sinusungitan nya ako palagi at ini-snobb.Naiinis na ako pero hindi ko magawang magreklamo sa kanya. Ano bang karapatan ko? I'm just his ultimate lover, patay na patay sa kanya.Kahit hindi nya magawang ibalik sakin ang pagmamahal na binibigay ko sa kanya.Mahal ko parin sya.
Naniniwala akong kapag mahal mo ang isang tao kahit gaano ka pa nagmumukhang tanga hindi ka mapapagod dahil ang tunay na nagmamahal hindi napapagod at sumusuko ng ganun ganun na lang.
Dakila ka talagang martir Chel.
Hindi ako papasok ngayon.Maghahanda ako ng talent ko para bukas.
I'm sure na ako na naman ang mananalo.Wala akong pake sa premyo dahil ang gusto ko lang naman ay makasama si Vin. At kilalanin kaming dalawa bilang Mr.and Ms.Campus Valentine.
Ano bang dress ang isusuot ko.At ano rin bang talent ang ihahanda ko.
Hmm.sa dress muna.
Ito na lang Red na dress tutal Valentine naman.Tsaka ang ganda naman nito hindi kaiksian tama lang.Cute may mga design and fitted sa may bewang.Makikita ang shape ng katawan ko.
OutFit<✔
Talent<
Okay sa Talent naman.
Kanta or Sayaw? alin naman sa dalawa ang pipiliin ko.
Kung kanta nakaupo lang ako habang nag guguitar tapos kailangan kong i vocal ang voice ko.
And memorize ko rin dapat ang lyrics ng song.
Kapag Sayaw naman kailangan alam ko ang steps and sunod rin sa Outfit ko.Sa huli mapapagod lang ako.
Okay nakapili na ako and I choose to Sing..
OutFit<✔
Talent<✔
Okay ready na ako para bukas.Ipapractice ko nalang ang kanta na napili ko.
"Yaya"tawag ko kay yaya
"Po?mam?"
"Where's Vinch?"
"I dont kn--este Ewan ko po mam baka nasa pool po"
"Okay, pakainin mo si Vinch tapos bihisan mo. May pupuntahan kami"
"Yes mam"
Umakyat na ulit ako sa kwarto at nagbihis.Naka black short na above the knee ako at Tshirt na white.
"Ahhhh"
What the..
Agad akong bumaba para tingnan kung anong nangyayari kay yaya.Bigla na lang sumisigaw.
"Hey what happened?"
"Eh kasi po mam..Si Vinch po"
"Ano si Vinch?"
"Ehh--
"Come on yaya say it"
"Nag p-po-po po sya sa may sala"
"WHAT?!Linisin mo na lang,tapos pabanguhan mo si Vinch bago mo dalhin sakin.Faster dahil ayaw ko ng pinaghihintay"
"O-Opo M-Mam"
Bwesit talagang aso yan.Pagkauwi talaga ni Tita Celine at nakita na nya ang asong yan.Ipapamigay ko na yan, perwisyo sa buhay ko nagkakalat lang dito sa bahay.
BINABASA MO ANG
Change of Hearts
RomanceShe fell first but He fell harder. Read the story of Wynchel Ramirez and Archin Vinxios Villaraza.
