Chapter 2

74 4 0
                                    


Nandito ako sa kwarto ko at si Vladimir parin ang iniisip ko. Bakit ba ang pogi niya nakakainis.

Nakatulala lang ako sa kisame at iniisip ang itsura ni Vladimir. Its already 10 pm pero di pa ako inaantok. Kinuha ko ang phone ko at nag-facebook. Hinanap ko ang pangalang Vladimir Sy sa fb and then i found it.

Iniscan ko ang timeline niya at nag-friend request agad ako. Sana iaccept niya.

*Kinabukasan*

Maaga ako pumasok dahil sumabay na kami ni Ella kay Kuya James dahil papasok na si kuya sa work.

"Aga mo ah." Sabi ni Richard ng maabutan niya ako dito sa room. Sobrang aga ko talaga kasi ako ang nauna sa room.

"Syempre hinihintay ko si..." Napatigil ako baka kasi malaman ni Richard na gusto ko si Vladimir madaldal pa naman itong si Richard.

"Sino? Si Vladimir?" Sabi niya habang nakangiti at tumataas ang kilay yung tila nangaasar.

"Di ah." Sabi ko at yumuko naalala ko nanaman siya kaya namumula ang pisngi ko.

Inangat ni Richard yung ulo ko gamit yung daliri niya nilagay niya yun sa baba ko at inangat.

"'Bat namumula ka?"

"Ako? Hindi ah." Kinuha ko ang salamin ko sa bag at sobrang pula talaga ng pisngi ko.

Yung dalawang kamay ni Richard ay hinawakan ang dalawang pisngi ko parang iniipit.

"Magsabi ka ng totoo. Gusto mo siya 'no?"

"Hindi nga kulit mo."

Tinitigan niya yung mata ko tapos unti-unti niyang nilalapit sa mukha niya habang nakatitig sa mata ko.

"Hoy anong gagawin mo?"

Hininto niya ang paglapit ng mukha ko sa mukha niya mga ilang inches na lang magki-kiss na kami.

"Aga-aga ang lalandi." Malamig na boses ang narinig namin kaya nagkalayo kami ni Richard.

Napatingin kami sa nagsalita si Vladimir.

Umupo ako sa upuan ko, nakakahiya kay Vladimir. Tumabi saakin si Richard tapos may binulong.

"Sinungaling ka."

"Bakit?" Bulong ko pabalik sakanya.

"Gusto mo siya. Kasi nung tinitigan ko yung mata mo kasinungalingan ang nakita ko sa mata mo."

"Okay talo na ako. Gusto ko siya."

"Gusto mo sabihin ko sakanya?" Pangaasar ni Richard.

"Wag." Napatayo ako at parang napalakas yata yung boses ko kaya nakuha nun ang atensyon ni Vladimir na naka-focus sa phone niya at nakita ko doon ang picture ni Mae.

"Ang ingay naman oh. Makalabas nga." Parinig ni Vladimir.

Napaupo ako at nakita ko na lang na may panyo sa harapan ko. Napatingin ako kay Richard

"Punasan mo nga yang luha mo. Manhid ka ba? Di mo nararamdaman na umiiyak ka na?"

Kinuha ko ang panyo at pinunasan ang luha ko.

"Salamat ah."

"Pati yang sipon mo hahahaha." Sabi niya at parang aso ako na ginulo ang buhok ko bago siya lumabas.

Bakit ba ako umiiyak? Two days pa lang akong nandito bakit ganito na nararamdaman ko kay Vladimir?

Nanahimik lang ako sa upuan ko at dumating si Vladimir kaming dalawa lang dito sa room. San ba kasi nagpunta si Richard? Baka umiyak nanaman ako.

"Asan yung boyfriend mo?" Sabi ni Vladimir.

"Hindi ko siya boyfriend, mag-best friend kami." Sabi ko at yumuko na lang.

"Best friend huh tch." Sabi nito at alam kong umupo na siya sa upuan niya.

Nakayuko lang ako at naramdaman kong dumating na ang iba naming classmates. May tumabi saakin at may dumikit na malamig sa pisngi ko. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Richard na may dalang root beer favorite drink ko pampatanggal stress.

"Okay ka lang? " Tanong niya sakin at inabot saakin ang root beer.

"Yeah im fine thanks nga pala dito ah." Sabi ko.

Dumating si Mae at agad siyang pinuntahan ni Vladimir sa pinto pa lang para tulungan si Mae sa mga bitbit niyang books.

Napaka-swerte ni Mae.

"Wag mo na kasing tignan." Sabi ng katabi ko sino pa ba edi si Richard ayaw niyang umalis dun mabuti na lang at wala si Chelsie dahil may debut daw na pupuntahan.

"Oo na." Nagsulat na lang ako sa notebook ko para di ko sila pansinin at doon lang nagfocus.

Hanggang sa dumating si Sir. Castro iniisip ko pa din yung nagyare kanina na tinulungan ni Vladimir si Mae, sana ako na lang si Mae.

"Perez, are you with us?" Tawag saakin ni Sir. Castro kaya bumalik ako sa ulirat.

"Yes sir."

*----

Yes break time na gutom na ako eh.

"Sam, sabay tayo kumain." Sabi ni Mae.

Papayag na sana ako kaso biglang sumingit si Richard.

"Sorry Mae sakin kasi sasabay si Sam." Sabi nitong epal at inakbayan pa ako kapal.

"Sorry Mae ah next time na lang." Sabi ko at parang nadisappoint si Mae.

Naglakad kami ni Richard papuntang cafeteria at nakaakbay parin siya sakin.

"Hoy epal ka din eh 'no." Sabi ko kay Richard at agad kinurot ang tiyan niya.

"Ako epal? Bakit nanaman?"

"Dapat sabay kami ni Mae epal ka eh."

"Sorry na bawi ka na lang bukas. Tara na umupo ka na dito at bibili lang ako ng food mo ha."

At yun iniwan ako ni Mr. Epal pero bago siya umalis may pahabol ako.

"Carbonara, root beer." Sabi ko

"Alam ko na yan." Sabi niya.

Best friend ko talaga siya hehe.

Bumalik naman agad si Richard na may dalang tray.

"Gutom ka na ba?" Tanong niya sakin at nilapag ang tray.

"Di naman."

Kumain na kami habang siya ang daldal ako kumakain lang. Di ko nga alam kung bakla ba ito or straight guy.

Napatingin ako sakanya nang tumahimik siya.

"Bakit tumahimik ka?" Nakatingin siya banda sa likod ko kaya titingin na sana ako ng pigilan ako ni Richard.

"Kumain ka na wala lang yun. Wag mo ng tignan."

At makulit nga ako tumingin parin ako. Buti na lang sana sumunod na lang ako kay Richard sana di ganito nararamdaman ko.

"Sabi sayo eh wag ka ng tumingin eh. Ano alis na tayo?" Tanong niya ng may pagaalala.

"Sige nakakawalang gana eh. Pero sayang yung carbonara ubusin ko lang."

"Ay walang hiya." Sabi ni Richard kasi naglalakad na siya eh ayun bumalik ulit.

"Ayos ka lang?" Tanong niya.

"Yup." Sabi ko sabay subo ng carbonara.

"Liar."

"Okay." Ang sakit eh yung makikita mo yung taong gusto mo pero kasama niya yung gusto niya.

Kasi nakita ko silang dalawa ni Mae ang sweet nila. Sinusubuan ni Vladimir si Mae ng Lasagna at nagtatawanan pa sila. Bakit ang sakit? Super ouchy.







Its only a DAREWhere stories live. Discover now