Chapter 5

58 3 0
                                    

Lumipas ang isang buwan at July na ngayon. Naging okay naman sa school medyo naging busy kasi kakatapos lang namin ng Monthly Exam, pero worth it naman.

Naging close ko na rin ang mga old students lalo na si Vladimir. Kami-kami na nila Richard, Mae at Vladimir ang makakasama.

"Lalim ng iniisip ah." Sabi ni Vladimir at naupo sa harap ko. Sa lapag.

"Hindi naman." Sabi ko.

Tapos dumating sila Mae at Richard, dumiretso sila sa pwesto namin dito sa likod.

"Ay may nagd-date." Pang-aasar ni Mae saamin.

"Magwawalis nga ako ang daming langgam na nakakalat eh." Sabi naman ni Richard. At nag-apir pa sila ni Mae.

"Uy, ano ba kayo? Naguusap lang eh masyado ah." Sabi ko sakanila sabay nag-pout.

Tumabi saakin si Richard at si Mae naman tumabi kay Vladimir.

"Aray ko!" Sabi ko dahil binatukan ako nitong katabi ko.

"Wag ka ngang mag-pout. Ang cute mo eh." Sabi niya pero yung dulo di ko narinig. Pero yung dalawa na nasa lapag narinig yata nila kasi nagtawanan sila.

"Hoy, ano yung huli mong sinabi? Di ko narinig eh."

"Ganda mo eh 'no, bingi lang." Sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.

"Hindi naman sa bingi, ang hina kasi ng boses mo."

"Ehem." Sabay na sabi nung dalawa.

"Were here oh. Gusto niyo bang umalis kami para makapag-solo kayo." May pagtatampo sa boses ni Mae kaya lumapit ako sakanya tapos niyakap ko siya.

"Eto naman nagtampo na. Labyu Mae." Sabi ko sakanya.

"Labyu too hahahaha."

"Bilib din ako sa batch ng transferee ngayon—" sabi ni Vladimir kaya napatingin kami lahat sakanya. "— kasi ang bilis niyo maging close kaming mga old students."

"Aba syempre friendly kami eh. Atsaka mababait naman kayo." Sabi ko.

"Guys, ang boring. Laro tayo. Truth or Dare." Sabi ni Mae.

"Palagi na lang truth or dare." Sabi ni Richard.

"Yaan mo na okay nga yun eh." Sabi ko naman.

"Ako na una, sunod si Vladimir, sunod si Richard at huli ka na Sammy." Sabi ni Mae kaya nag-thumbs up ako sakanya. 

"Truth or Dare?" Tanong namin sakanya.

"Dare."

Ako na ang nagutos sakanya at sunod sunod na silang nag-truth or dare. At turn ko na.

"Truth." Sabi ko at yumuko habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.

"Ako na magtatanong." Sabi ni Vladimir kaya napatingin ako sakanya.

"Gusto mo ba ako?" Sabi niya.

Nanigas ako sa tanong niya at feeling ko namumula na ang pisngi ko. Tumingin saakin sila Mae at Richard. Anong isasagot ko?

"Ahmmm... H-hindi. Ang kapal naman neto." Sabi ko na medyo nauutal.

Lumapit saakin si Mae at may binulong.

"Bat di mo sinabi yung totoo?" Bulong niya.

"Wag na muna." Sabi ko sakanya.

"Anong hindi? Halata kaya." Sabi ni Vladimir na naka-smirk.

"Hindi naman talaga. Assuming ka lang."

"Tss." Rinig ko kay Vladimir.

Naglaro ulit kami pero puro dare lang ang sinasabi ko hindi na ako magt-truth baka mapa-amin ako ng wala sa oras e.

Recess time na at humiwalay kami ni Mae kila Richard. Pumunta kami sa roof top ng building buti walang tao dun ngayon. Kasi every recess or lunch maraming tao sa roof top.

"Bat tayo humiwalay sakanila?"

"Umamin ka nga sakin. Gusto mo ba talaga yung mahangin na yun?"

"Di ba obvious Mae. Gusto ko siya. Gustong-gusto pero di ko alam kung pano aamin. Okay lang muna siguro na magkaibigan na lang muna kami. Ewan ko Mae pero unang kita ko pa lang sakanya gusto ko na siya, ang lakas ng tama ko sakanya. Gusto ko ng umamin pero ang hirap eh." Sabi ko at nagiinit na ang gilid ng mata ko.

"Tutulungan kita, Sam. Bigyan mo lang ako ng signal kapag ready ka na umamin. I will help you Sam. Wag ka ng umiyak." Niyakap niya ako at tuloy-tuloy na ang tulo ng luha ko.

"Wag ka ng umiyak nandyan na sila Richard." 

Lumayo ako kay Mae at pinunasan ang luha ko.

"Oh pagkain mo." Sabi ni Vladimir at binigay ang pagkain ko.

"Umiyak ka ba?" Tanong niya sakin.

Umiling lang ako at umupo na sa pwesto nila Richard sa gitna ng roof top.

Naka-ikot kami sa left side ko nakaupo si Mae at sa right naman si Richard. Inihiga ko ang ulo ko sa shoulder ni Richard, wala naman tong malisya kasi magkaibigan naman kami.

"Pre, umiyak yang girlfriend mo." Biglang sabi ni Vladimir kaya napatingin saakin si Richard.

"Umiyak ka?" Tanong niya.

"Hindi ah."

"Bat namumula ang mata mo?"

"Wala yan."

"Mae, bakit umiyak 'to?" Tanong niya kay Mae.

"Ah kasi naglaro kami. Eye to eye tapos walang pipikit hanggang sa magluha ang mata namin. Siya yung naunang umiyak eh." Natatawang sabi niya.

I love you talaga Mae.

"Ah kala ko kung ano ng nangyari eh."

Tumingin ako kay Mae na nakatingin din saakin.

"Thank you." I mouthed to her at nag-thumbs up lang siya.

Natapos ang ilang subjects and finally last subjects na. AP subject. Ngayon ko lang nakita ang teacher na ito. Kasi nung mga nakaraang AP namin ay ibang teacher pero nabanggit niya samin na sub-teacher lang siya.

So, ito na talaga yung bago naming teacher sa AP. Si Sir. Jun.

"Okay, class hindi muna tayo magle-lesson. Dahil may gagawin tayo. Introduce yourself with a twist. Sasabihin niyo ang name niyo then yung grade & section at kung may sasabihin ka sa isang tao dito ay pwede mong sabihin without mentioning his/her name. Is that okay? Lets start with you at sunod-sunod na ah" Sabay turo kay John na nasa unahan.

Good thing at nasa likod ang girls. Kaya medyo huli pa kami. Kinakabahan ako kasi di ko alam ang sasabihin ko.

Tumayo si Vladimir sa harap at naka-focus lang ako sakanya.

"I'm Vladimir Sy, 8 Corinthians. Gusto kong imention ang name mo pero wag na lang. Palagi na tayong magkasama, mas lalo akong nahuhulog sayo. Mahal na yata kita." Sabi nito at nakatingin kay Mae buti at hindi nakatingin si Mae.

Goshh! Ang sakit ah.

At eto na, ako na OMG!!!!.

Pumunta ako sa harap at inikot ko ang paningin ko sa klase at huminto ito sa isang lalaki na nagpatibok ng puso ko.

"I'm Sammy Perez, Grade 8 Corinthians. Kung may sasabihin man ako sakanya ay malapit na akong ma-fall sayo, sasaluhin mo ba ako? Natatakot akong umamin sayo eh." Sabi ko habang nakatingin sakanya na nakatingin din sakin at nagiwas na ako ng tingin.

Mga naririnig ko lang sa mga kaklase ko ay

Ohhh!

Sino kaya yun!

Napatingin ako kila Mae at Richard na naka-tingin din saakin na parang nagaalala. Tumango lang ako para malaman nila na okay lang ako at sabay upo.

"Sammy, i hope na masabi mo yan sakanya kung sino man yan." Sabi saakin ni Sir habang nakangiti saakin.

Its only a DAREWhere stories live. Discover now