Chapter 11

61 3 1
                                    


Buong araw tulala lang ako, walang ganang kumain,wala pang tulog. Nandito ako sa kwarto ko habang inaalala ang mga panahon na ayos at masaya pa kami ni Richard.

Sabay kaming manonood ng spongebob, sabay naming kakainin ang paborito naming carbonara kasabay ng root beer, sabay kaming mamamasyal sa paborito naming lugar.

Gusto kong maulit yun pero pano na. Pano na kung nauna ka na? Pano na kung wala ka na?

"Alam mo ang daya mo, iniwan mo ako. Miss na agad kita." Sabi ko habang tinitignan ang picture naming dalawa sa phone ko habang yakap si spongebob na binigay niya saakin.

Hindi ko makalimutan yung mga salita niya,yung text niya bago siya umalis at maaksidente.

Lord naman eh bakit naman kinuha mo agad si Richard.

"Richard, miss na kita." Sabi ko at mahigpit na niyakap ang spongebob stuff toy bago kumilos para pumasok.

Eto na yung day na papasok ako. Papasok ako na walang Richard na maabutan ko doon, walang Richard na sasama saakin sa cafeteria para kumain ng favorite namin na food, walang Richard na mangaasar saakin at magtatanggol.

Pano na buhay ko neto? Ngayon ko lang naisip nakadepende pala ako kay Richard.

Ang hirap dahil wala ka na, sobrang hirap.

Mas masakit pa siguro na mamatayan ng kaibigan, kesa paasahin at iwan ng crush mo. Mas masakit yung mamatayan.

You know sa lahat ng bagay magkasama kayo, kalungkutan man or kasiyahan. Sa tana ng buhay ko si Richard ang nandyan para saakin. Nandyan siya kahit anong mangyari. All my life nandito siya.

Sinanay niya ako na palagi siyang nandito for me, then boom bigla na lang siyang mawawala. Siguro iisipin ko na lang na nagpapahinga na siya,matutulog siya nang pang-habang buhay.

Sobrang sakit lang talaga dahil sobrang malapit na siya sa puso ko. Mahal ko siya.. Mahal ko siya bilang kaibigan. Kung siya ay mahal niya ako more than friend, kaya ko din naman gawin yun eh.

Mamahalin ko din siya more than friend. Sa mga sweet sweet niya pa lang saakin ay pogi points na yun eh. Yung pagiging concern niya, dagdag points na din yun. Yung pinaparamdam niya saakin na importante ako, sobrang saya ko na.

"Sammy,ready ka na ba?" Nagulat ako ng may biglang kumatok at sumigaw mula sa labas ng kwarto ko.

Nagd-daydream na pala ako dito, di ko namalayan na naka-uniform na ako.

Pinunasan ko ang luha ko. Humarap ako sa salamin inayos ko ang buhok ko. Naglagay ng pulbo, naglagay ng lip balm at inayos ang buhok ko na nakalugay. Para naman magmukha akong tao kapag pumasok ako baka akalain nila zombie ako kung di ako magaayos.

'Tuloy ang buhay kahit wala ka na. Kakayanin ko to." Sabi ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin.

Bigla na lang akong nakaramdam ng malamig sa noo ko kaya napahawak ako dito.

"Richard naman eh,wag mo akong takutin. Alam mo namang takot ako sa multo." Pagkasabi ko nun nagmadali kong kunin ang bag ko sa ibabaw ng kama at lumabas.

Pagdating ko ng school agad akong sinalubong ni Mae at ni Angelika ng yakap. Namiss ko sila kahit two days lang ako wala.

"Ayos na ba ang paa mo?" Tanong naman ni Mae.

"Or baka ayos na ba ang puso mo?" Dugtong naman ni Angelika

"Ayos na ang paa ko kaso ang puso ko di parin." Nalungkot ako bigla.

"Condolence." Sabay na sabi nilang dalawa.

Arghhh di parin makapag-sink in sa utak ko na wala na talaga si Richard. Nakakainis.

"Sobrang bait kasi ni Richard eh kaya nauna na." Sabi ni Mae habang naglalakad kami papuntang auditorium.

"Tignan mo nga etong isang toh. Halatang di natulog, at walang kain dahil lang kay Richard." Sabi naman ni Angelika.

Sila lang yung naguusap at nanahimik lang ako. Mas lalo kong namimiss si Richard eh.

"Alam mo dong, kung nabubuhay si Richard malamang binatukan ka na nun at pinakain ng madami, babantayan ka nun para makatulog ka at kumain. Tignan mo itsura mo oh." Sermon naman ni Angelika saakin.

"Pwede ba tigilan niyo na kakaisip kay Richard,mas lalo ko siyang namimiss eh."

Naramdaman kong may tumulo na luha sa mga mata ko. Okay hindi nanaman toh titigil.

Tumakbo ako papuntang restroom habang patuloy pa din sa pagluha ang mga mata ko. Saktong pagpasok ko ng restroom napahawak ako sa gilid ng lababo at humarap sa salamin.

"Bakit kasi nawala ka pa eh?" Tanong ko kay Richard baka sakaling marinig niya ako. Napayuko ako at humagulgol na.

Sobrang sakit!

"Richard, bumalik ka na please. Please. Bumalik ka na." Pagkasabi ko nun humarap ako sa salamin at laking gulat ko nasa likod ko si Richard napatingin ako sa likod ko at nakita ko siya

Napa-upo ako sa sahig. Namamalikmata lang ako. Kinusot ko ang mata ko,baka nga namamalikmata ako.

Pero nung tinignan ko ulit siya nandun pa din siya. Nakaharap saakin at nakangiti.

"Richard." Sabi ko habang nakatitig pa din sakanya.

"Wag kang matakot okay. Nandito ako para bantayan ka.Wag kang matakot ah. Sammy, kahit san ka pumunta nandito lang ako sa tabi mo ha kaso hindi mo ako makikita." Sabi niya kaya napatayo ako.

Yayakapin ko sana siya kaso pagkayakap ko sakanya tumatagos lang ako.

"Hindi mo ako mayayakap. Pero sa panaginip baka mayakap mo ako."

"Richard miss na kita." Sabi ko at tumulo nanaman ang luha ko.

"Shhhh wag kang umiyak. Hindi ko mapupunasan ang luha mo."

"Pero miss na kita eh."

"Alam ko yun. Miss na din kita, Sammy. Kita na lang sa panaginip." Sabi nito at bigla na lang naglaho.

Palabas na sana ako ng restroom ng may marinig akong bulong

I love you Sammy.



Its only a DAREWhere stories live. Discover now