Chapter 8

57 3 0
                                    


Ang aga-aga gising na ako. Teka! Natulog ba ako? Feeling ko hindi. Hindi talaga ako maka-move on dun sa sinabi ni Vladimir kahapon.

"nandito naman ako lagi para sayo."

Wahhhhh!!! Nakakakilig.

Napaupo ako at isinandal ang likod ko sa headboard ng kama ko at ipinantakip ko ng mukha ko yung unan at sumigaw.

"Wahhhhh Vladimirrrrr!!!!" Sigaw ko sa unan at tinanggal agad.

Huminga akong malalim para pakalmahin yung sarili ko. Napangiti ako.

Ang tanga ko dahil lang dun sa mga words niya na yun nagiging ganito na ako.

Tatayo na sana ako para mag-ready ng maalala ko na hindi pala ako makakapasok sa school dahil sa paa ko. Kapag naka pasok na ulit ako ha-huntingin ko yung grade 7 na yun. Wala manlang galang grade 8 yung binubunggo niya, di hamak na mas matanda ako sakanya.

Kinuha ko na lang ang laptop ko sa night stand at pinatong sa hita ko. Ang aga palang nasanay na kasi akong maaga nagigising eh.

Habang busy ako sa pag-scroll up sa laptop ko ay narinig ko ang ringtone ng phone ko. Hinanap ko agad ito at tumatawag si Richard.

"Oh." Sabi ko pagka-sagot ko.

"Wala manlang good morning."

"Ay sorry na. Good morning too my ugly bestfriend pero mahal ko. Ano kailangan mo?"

"Good morning too my love pretty bestfriend. Tatanungin ko lang. Ayos ka na ba?"

"Yeah, hindi lang makalakad."

"Dalawin kita jan later bago ako pumasok."

"Sige lang go."

"Ano ba kasi nangyari sayo?"

"So yun nga kilala mo naman siguro yung nagkakagusto kay Vladimir sa grade 7 diba."

"Oo naman kilalang kilala ko. Ano naman kinalaman niya dito?"

"Siya ang may kasalanan kaya ganito ako ngayon. Tinulak niya ako sa hagdan kahapon tapos sabi pa niya clumsy girl tapos tatawa tawa pa. Ang bruhang yun sarap sabunutan eh pasalamat siya maliit ako kaya di ko abot yung hair niyang puro kuto naman."

"Oh chill lang masyadong high blood eh."

"Sinong hindi maha-high blood dun sa bruhang matangkad na puro kuto naman, ha?"

"Sabi ng easy lang eh, kalma. Dalhan kita food jan mamaya hintayin mo lang ako."

"Okay po kakalma na. Pero nakakainis talaga yung bruhang matangkad na puro kuto."

Napatawa na lang si Richard sa sinabi ko at nag-goodbye na siya.

Gusto kong bumaba para makita ko naman si Ella papasok sa school miss ko na agad little sis ko kahit magkasama kami sa bahay.

Naglaro na lang ako ng ML (mobile legends) sa phone ko ng may kumatok.

"Come in."

Pagpasok na pagpasok niya napangiti ako.

"Ate good morning." Sabi ni Ella at yumakap saakin. Naka-uniform na siya.

"Good morning baby."

"Ate papasok na po ako."

"Okay sige ingat ka ah. Wag aakyat sa hagdan baka matulad ka kay ate."

"Opo naman. Sige po ate magpapaalam lang po ako sayo nagmamadali na kasi si kuya eh."

"Hayaan mo na siya baby, basta ingat ah love ka ni ate. I love you."

"I love you too ate." Sabi niya at binigyan ako ng sobrang higpit na hug.

Its only a DAREWhere stories live. Discover now