Chapter 6

50 3 0
                                    

Uwian na pero nasa room pa din ako with Chelsie, Vladimir, Mae at Richard.

Sila nagp-phone ako nagsusulat lang ng kahit ano sa notebook ko. Bigla na lang lumapit saakin si Chelsie at inabot ang phone niya.

"Sam, penge number mo."

"Sure."

Kinuha ko ang phone niya at ganun din ang ginawa niya kila Mae bago siya umalis. At gumaya si Vladimir.

"Oh penge number mo."

Kinuha ko lang iyon at nilagay na doon ang number ko. Pagtapos ay tumayo na ako bitbit ang bag ko.

"Guys, uwi na ako." Sabi ko sakanila.

"Wag muna. Tara hang-out. My treat." Sabi ni Richard.

"Tara." Sabay-sabay na sabi namin ni Mae at ni Vladimir.

Nasa hagdan pa lang kami ng tawagin ako ng teacher namin sa English.

"Perez, can i talk to you?" Tanong saakin ni Maam.

"About what po?"

"Basta sumunod ka sakin."

"Hintayin ka na lang namin sa lobby." Sabi ni Richard at tumango lang ako.

Sumunod ako kay Maam. Ano kaya paguusapan namin?

"Sit down."

"Maam, ano po paguusapan natin?"

"Ahm gusto ko sana ikaw ang mag-manage ng acquiantance party natin this monday. Meron ng team ang mga students natin, gusto ko meron silang suot manlang na bracelet that represented their group. Meron akong copy ng mga estudyante natin dito at nasa tabi ng mga pangalan nila ang kanilang group"— binigay saakin ni Maam ang copy at tinignan ito. "-— maglalagay na kami ng lamesa sa lobby at kada dadaan ang mga estudyante ay papapirmahin mo sa tapat ng name nila jaan at ibibigay ang kulay na bracelet na nakalagay jaan. Provide na ng school ang bracelet, ibibigay ko sayo yun tommorow. And then, ikaw ang magiisip ng mga laro isulat mo sa papel mga 5 games sa elementary at high school, then ibibigay mo saakin para makausap ko ang teacher na mage-emc. At ito pa pala, kapag nakapirma na ang mga estudayante ay dumiretso na sa auditorium at sasamahan mo sila doon, kailangan nila ng bantay. Siguro magsama ka ng tatlo mong kaibigan para matulungan ka. Dalawa dun sa lobby para sa pipirma at dalawa kayo sa auditorium. Im sorry Sam pero ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko eh. Sana magawa mo ng maayos. Paki-decorate na rin ang auditorium tutulungan ka ng ibang nga grade level sasabihin ko sakanila basta sabihin mo kung kelan ka magi-start na mag-decorate. Salamat talaga Sammy. Masyado kasing busy ang mga teachers and yung mga grade 11-12 sana kaso busy din sila."

Natulala lang ako ang dami kong gagawin.

"Ahh ganun po ba Maam. Sige po."

Monday ngayon! Meron pa akong ilang araw para sa event na to. Kaya ko yan!

Pagbaba ko sa lobby ay nakita ko sila. Biglang lumapit saakin si Mae at tinanong kung anong nangyari. Nakwento ko sakanila pag-dating namin sa isang fast food chain.

"Ah ganun pala yun. Kala ko kasi pinagalitan ka." Sabi ni Mae.

"At eto pa pala. Mae and Vladimir kayo yung magi-stay sa lobby. And then kami ni Richard sa auditorium."

"Sam, start na kaya natin mag-decorate ng auditorium bukas. Kasi malaki ang auditorium mahihirapan tayo. Oo may tutulong pero mahirap pa din. Tommorow morning, tapos recess, lunch and uwian. What do you think?" Suggest ni Richard.

"Ah sige. Icha-chat ko na lang si Maam para mainform siya. Pero kapag umaga tayo lang ang gagawa kasi wala pa masyadong tao para tumulong saatin."

"Okay lang yun." Sabi ni Mae.

"OMG!! Excited na ako sa acquaintance." Dagdag pa niya.

Habang kumakain kami napansin ko si Vladimir na tahimik kanina pa.

"Vladimir, ayos ka lang?" Mukhang nagulat siya sa pagtanong ko kasi medyo nasamid siya.

"Ah oo."

"Ang tahimik mo kasi eh nakakapanibago."

"Wala lang 'to. Don't mind me." Sabi niya at kumain ulit.

Nag-aalala ako sakanya! Huh? Ano ba yang sinasabi mo, Sam?

Ah basta ano kayang meron.

Its only a DAREWhere stories live. Discover now