Chapter 4

58 4 0
                                    

Di na nga ako magpupuyat kasi si Richard eh parang tatay ko kung pano manermon. Yung pipigilan ka niya eh Wattpad is life,brad.

"Bakit naka-pout ka jan?" sabi sakin ni Richard.

"Kasi ikaw eh, pwede tapusin ko lang yung kwento sa wattpad matatapos ko naman na yun mamaya eh. Pleaseee." At nag-puppy eyes ako baka tumalab.

"Hindi. Gusto mo paguwi mo basahin mo na pero kakain ka ah tapos tigilan mo magbasa kapag 9 pm na."

"Eh ano ba yan. Sige na nga." Sabi ko na may panghihinayang

"Good girl. Bibili lang ako ng makakain mo tapos magpapaalam na din ako sa mga teachers natin na nandito ka sa clinic." Tapos ginulo nanaman yung buhok ko at umalis na siya.

Aso ba ako? Ang ganda ko namang aso.

Vladimir POV

Nakita naming lumabas si Richard sa clinic kaya tumayo na kami.

"Pwede na ba kaming pumasok?" Tanong ni Mae.

"Nandyan pala kayo? Sige."

Naunang pumasok si Mae, bago ako sumunod sakanya bumulong muna ako kay Richard.

"Nice bro."

"Huh?" Tanong niya.

"Wala sige na umalis ka na papasok na ako."

Pagpasok ko halatang nagulat si Sam. May binulong sakanya si Mae, medyo nag-blush si Sam. Anong pinaguusapan nila?

"Oyy ano ba yang pinaguusapan niyo?" Tanong ko sakanila, kasi parang ako yung pinaguusapan nila.

"Wala." Parehas nilang sabi.

"Vladimir, siya nga pala si Sam gusto ko maging magkaibigan kayo, katulad ng pagkakaibigan natin. Yung sobrang close, like us." Sabi ni Mae.

Sakit bro! "Katulad ng pagkakaibigan natin."

"Okay, i know her name naman. Pero sige. I'm Vladimir Sy." Inabot ko kay Sam yung kamay ko at siniko siya ni Mae kasi ayaw tanggapin yung kamay ko at nagblush ulit siya.

"S-sammy Perez." At dahan dahan niyang inabot ang kamay ko.

Dahil ba nilalagnat parin siya kaya namumula yung mukha niya.

"Masama pa ba pakiramdam mo?" Tanong ko kay Sam at umupo sa tabi ni Mae.

"Hindi na." Sabi niya pero di siya makatingin saakin.

"Eh bat namumula ka kanina pa?"

"Ahh.. Ewan." Sabi niya.

Biglang sumingit si Mae.

"Siguro naiinitan siya, mistiza kasi eh. Di mo ba nararamdaman na mainit." Sabi ni Mae habang nakaharap saakin.

"Syempre katabi mo ako kaya mainit." Pangaasar ko kay Mae.

"Ang kapal mo." Sabi niya at hinampas ako.

"Ehem im here oh, daming langgam ah." Sabi naman ni Sam na nakangiti.

Bakit ang ganda niya kapag nakangiti?

Ano ba yang sinasabi mo Vladimir, loyal ka kay Mae diba.

Pero maganda nga siya, lalo na kanina nung nag-blush siya.

Ano ba kasi tong sinasabi ko.

"Ahmm Vladimir, may dumi ba sa mukha ko?" Tanong ni Sam

"Wala naman bakit?"

"Kanina ka pa kasi nakatingin saakin."

"Ako? Di ah kay Mae kaya." Kasi tumabi na sakanya si Mae.

Sammy POV

Ouch ah oo na assuming ako. Kala ko kasi sakin siya nakatingin. Nakalimutan kong katabi ko na si Mae.

"Okay."

Pero kinilig din ako kanina nung inabot niya yung kamay niya sakin.

"Ang tagal naman ni Richard." Bulong ko sa sarili pero parang narinig nung dalawa.

"Miss mo agad yung boyfriend mo 'no." Sabi ni Vladimir.

"Di ko nga siya boyfriend. Kulit mo" Ikaw lang gusto kong maging boyfriend.

"Okay."


Tumagal ang ilang weeks at nagkasundo naman kami ni Vladimir. Oo nga tama nga si Richard baliw siya.

Kasi alam mo yun parang isip-bata bibili ng lollipop sa cafeteria tapos kapag may humingi parang bata na iiyak kunwari. Tapos yung kapatid ko inaagaw saakin, laging sila na yung magkasama echapwera na ako. Palagi silang magkalaro kapag pupunta kapatid ko sa room si Vladimir ang hinahanap at hindi ako. Tapos minsan kapag magkasama kami bigla bigla na lang tatawa at magsasalita mag-isa kaya minsan naiisip namin ni Mae na dalhin siya sa mental hospital.

Baliw nga siya, pero cute.

"Bakit parang ang lalim ng iniisip ng princess ko?" Tanong ni Kuya saakin. Nakapasok na pala siya sa kwarto ko.

"Wala lang po kuya."

"Sure?"

"Opo."

"Baka lalaki yan ah. Magsabi ka sakin kapag may nanliligaw sayo ah. Tara na kakain na tayo nagluto na ako ng favorite ulam mo."

Bumaba na kami ni Kuya at naabutan namin si Ella sa living room na nanonood ng spongebob.

"Little princess, kakain na tayo." Tawag sakanya ni kuya. At tumango lang si Ella bago patayin ang tv.

Habang kumakain kami ay may bigla na lang nag-doorbell.

"Ako na kuya."

Pag-bukas ko ng gate ay nagulat ako si Richard. Anong ginagawa niya dito gabi na ah?

"Oh Richard, anong ginagawa mo dito?"

"Nandyan ba si Kuya James mo?"

"Ahh oo tara pasok ka."

Pagpasok namin biglang nagsalita si Kuya.

"Princess, sino yan?" Sigaw niya mula sa  dining area.

Naglakad na lang kami sa dining area para makita ni Kuya si Richard.

"Richard, ikaw pala." Sabi ni kuya at tumayo palapit kay Richard.

Alam kong magkakilala sila ngayon lang sila naging close. Kasi dati palagi silang nagsusuntukan lalo na nung bata pa kami ni Richard mga grade 1 ata kasi lagi akong inaasar nitong mokong na ito tapos si kuya naman over protective. Himala ah close na sila.

Its only a DAREWhere stories live. Discover now