Chapter 12

135 3 0
                                    


I love you Sammy.

I love you Sammy.

Paulit-ulit ko yang naririnig. Hindi mawala sa isip ko yung pagkikita namin ni Richard kanina.

"Sam, ayos ka lang?" Tanong ni Vladimir sakin.

Magkasama kami ngayon dito sa computer lab may kailangan kasi kaming gawin para sa acquiantance party.

Tumango lang ako at pinagpatuloy ang pag-print ng kailangan namin. Habang inaayos ko ang mga papel, bigla na lang may humawak sa pisngi ko.

"Manhid ka talaga. Umiiyak ka na di mo pa alam." Sabi ni Vladimir habang pinupunasan ang luha ko gamit ang kamay niya.

"Sorry." Lumayo ako sakanya at ako na ang nagpunas ng luha ko.

"Sorry Sam, kasalanan ko kung bakit nawala si Richard."

"No, hindi mo kasalanan. Walang may kasalanan."

"Wala na ang kaibigan ko." Sabi niya at bigla siyang napa-upo habang umiiyak.

"Parehas lang tayong nawalan." Tumabi ako sakanya at hinagod yung likod niya habang tumutulo parin yung luha ko.

"Galit siya sakin ng mawala siya." Sabi ni Vladimir.

Hindi ko siya sinagot at niyakap ko na lang siya. Ginantihan niya din naman ako ng yakap.

Natauhan ako ng tawagin ni Vladimir yung pangalan ko kaya napalayo ako sakanya.

"Sorry, di ko sinasadya." Sabi ko habang nakayuko.

"Sorry din." Sabi niya habang nagkakamot ng ulo.

"Ahm lets go? Baka hinihintay na tayo nila Mae sa auditorium." Sabi ko para mawala yung pagkailang namin.

"Sige tara na."

Habang naglalakad kami may nararamdaman akong nakasunod saamin, kaya napatingin ako sa likod namin kaso nga lang walang tao.

Tumaas yung balahibo ko ng may bumulong saakin.

"Wag masyadong mahuhulog kay Vladimir, Sam."

Boses ni Richard.

Napatigil tuloy ako sa paglalakad.

"Sam, ayos ka lang?" Tanong ni Vladimir na nauna na saakin.

"Ah oo ayos lang ako, tara na."

Tumango lang siya na parang nagtataka pero hindi ko na pinansin at nauna na ako maglakad sakanya.

Pero nasabayan niya parin akong maglakad.

"Siguradong kang ayos ka lang?" Tanong ulit Vladimir.

"Oo bilisan na nga natin kanina pa nila tayo hinihintay."

Pagkarating namin sa auditorium agad kaming sinalubong ni Mae.

"Tagal niyo." Reklamo ni Mae

"Sorry." Sabi ko at binigay na kay Mae yung mga papel.

"Umiyak ba kayo?" Sabi ni Angelika ng makarating kami sa pwesto niya.

Nagkatinginan kami ni Vladimir at tumingin ulit kay Angelika.

"Hindi a." Sabay na sabi namin ni Vladimir.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 30, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Its only a DAREWhere stories live. Discover now