Kanina pa ako tawag ng tawag kay Richard pero hindi siya sumasagot. Pati si kuya James tumulong na kay Vladimir para hanapin si Richard."Please sagutin mo."
Pati si tita Cherry (mommy ni Richard) tinanong ko na kung nakauwi na si Richard pero hindi pa daw.
Nagaalala na ako sakanya!
Kasalanan ko kung bakit ganito nangyayare saamin ngayon ni Richard eh.
"Ang manhid mo Sammy." Sabi ko sa sarili ko at naguunahan nanaman tumulo ang mga luha ko.
Nagulat ako ng may nag-text saakin baka si Richard na to.
Hindi nga ako nagkamali siya nga.
From: Bestfriend Richard❤
'Wag ka ng tumawag. Baka hindi ako makatiis balikan kita jan sainyo at yakapin kita. Kailangan ko muna mapag-isa. Kung iniisip mo na galit ako sayo, hindi ako galit okay. Nasaktan lang talaga ako. Kay Vladimir lang naman ako galit. Pagaling ka i love you. Mahal na mahal kita.Naiiyak nanaman ako. Kahit ganun yung nangyari kanina ganito pa din siya ka-concern saakin.
To: Bestfriend Richard
Pwede ba puntahan mo ako dito ng umaga? Mag-usap tayo please. Kung nasan ka man ngayon mag-ingat ka, mas maganda umuwi ka na lang. Nagaalala na ako sayo. Umuwi ka na ah. Hinahanap ka nila kuya ite-text ko na lang sila na uuwi ka na sainyo. Magingat ka pauwi.Pagtapos kong magreply hindi na siya nagtext pa ulit.
Pinipilit kong maglakad nandito lang ako sa loob ng kwarto ko. Kaya ko naman na kaso paika-ika. Ayos na yun kesa naman di makapaglakad. Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba para kumuha ng tubig dahil kanina pa ako natutuyuan ng lalamunan. Tsaka kukuha na din ako ng pagkain. 10pm na pero di pa ako makatulog. Kasi naman di pa daw umuuwi si Richard.
Nakabalik na dito si kuya at ang himbing na ng tulog pati din si Vladimir nakauwi na.
Nagaalala parin ako nasan na ba kasi yun?
Pagtapos kong kumuha ng pagkain ko at tubig umakyat ulit ako sa kwarto ko at binuksan ko yung tv ko pag-open ko balita. May news pa pala sa ganitong oras. Nanood lang ako, ewan ko bat naging interesado ako ngayon sa balita kasi dati kapag balita yung palabas nililipat ko agad ng channel pero bakit ngayon parang may kakaiba.
"Sa kahabaan ng Commonwealth road ay may naaksidenteng sasakyan. Nabungo nito ang isang truck, dahil sa lakas ng impact ay halos mangalahati na ang sasakyan. Ayon sa mga pulis na nag-imbestiga ay lasing daw ang nagmamaneho. Isang menor de edad ang nagmamaneho nito at naidala na ito sa hospital."
Bigla akong kinabahan sa narinig mo sa news. Agad kong tinawagan si tita Cherry.
"Hello, tita. Nakauwi na ba si Richard?"
Naririnig ko na lang na umiiyak si tita.
"Tita, bakit? Bakit ka po umiiyak? Si Richard po nasaan?"
"Kasi.. Yung nasa news si Richard yun hija. Nandito ako sa hospital malapit sa school niyo."
"Tita, pupunta po ako jan."
Dali-dali akong nagbihis at agad na pinuntahan si kuya sa kwarto niya. Ewan ko ang bilis kong nakapunta sa kwarto niya kala mo wala akong sprain.
"Kuyaaaaa!!! Open the door please!"" Sabi ko habang katok ng katok.
"Kuyaaaaa!! Buksan mo yung pinto bilis."
Biglang nagbukas yung pintuan at yung mukha ni kuya ay sobrang lukot at halatang antok na antok.
YOU ARE READING
Its only a DARE
Teen FictionSi Sammy na agad nagkagusto sakanyang classmate na si Vladimir. Paano kung ang mga kaibigan nilang dalawa ay malakas ang tama at pinag-dare sila? Gagawin kaya nila? Ano din kaya ang dare?