Kinakabahan ako dito sa plano ni Vladimir ah."Brad, ayos ka lang ba?" Tanong sakin ni Vladimir.
"Hindi, kinakabahan ako."
"Richard, naman para naman kay Sam 'to e."
"Oo nga pero kinakabahan ako wag na lang kaya natin ituloy."
"Magb-backout ka pa ba eh nandito na tayo. Kaya mo yan. Tara na."
Magsasalita pa sana ako ng nag-door bell na siya sa bahay nila Sam.
Biglang lumabas yung kuya niya.
Kinabahan ako!!
"Oh!? Richard,ikaw pala. Tsaka sino siya." Lumapit siya saakin sabay akbay tapos tinuro niya si Vladimir.
"Ah kaibigan po namin ni Sam. Si Vladimir po."
"Hello po." Sabi ni Vladimir at nakipag-kamay kay Kuya James.
"Ah ganun ba. Hello din. Tara pasok kayo."
Pagkapasok namin nakita ko Ella na nanonood kamukha niya talaga ate niya ang cute. Napatingin siya saakin at napangiti.
"Hi kuya Richard."
"Hello baby girl." Sabi ko at kinarga siya.
"Ano nga pala kailangan niyo?" Biglang tanong ni Kuya James.
"Nandyan po ba si Sam?" Tanong naman ni Vladimir.
"Oo bakit?"
Binaba ko si Ella at lumapit kay Kuya James tapos bumulong.
"Magco-confess na po kasi ako kay Sam. Ayos lang ba kuya?" Bulong ko.
"Aba ayos lang." Sabi niya saakin at narinig ni Vladimir.
Lumapit si Vladimir saakin at bumulong.
"Okay ka na pala sa kuya niya eh."
"Oo nga kaya hindi ako mahihirapan."
"Richard!!" Tawag sakin ni Kuya James kaya napunta sakanya atensyon ko.
"Bakit po?"
"Nakwento sakin ni Sam kanina dito ka daw natutulog?"
"Opo siya nagsabi eh. Di ko naman matanggihan."
"Hindi ba talaga matanggihan o gusto mo? Diba Vladimir?"
"Ah opo."
Itong dalawang 'to pinagtulungan pa ako.
"Saglit lang tignan ko kung gising na si Sam." Sabi ni kuya James kaya naupo muna kami sa sofa at nakipaglaro kay Ella.
Sammy POV
Narinig ko ang alarm ng phone ko kaya napaupo ako at pinatay ito. Gabi na pala 7pm na.
Uminom ako ng tubig sa tabi ko tapos biglang pumasok si kuya.
"Buti gising ka na. May bisita ka."
"Sino po?"
"Basta paakyatin ko na lang. Gutom ka na ba?"
"Sige po. Opo gutom na."
"Sige padadalhan kita ng pagkain."
"Okay po."
Sino kaya bisita ko? Gabi na ah. Teka baka si Richard.
Richard POV
"Gising na siya." Sabi ni kuya James pagkababa niya.
"Ano ready ka na?" Tanong ni Vladimir saakin.
YOU ARE READING
Its only a DARE
Teen FictionSi Sammy na agad nagkagusto sakanyang classmate na si Vladimir. Paano kung ang mga kaibigan nilang dalawa ay malakas ang tama at pinag-dare sila? Gagawin kaya nila? Ano din kaya ang dare?