II : The Beginning

141 9 5
                                    

"Ma!... Pupunta lang ako'ng convenience store saglit! "

Walang sumagot, umalis siguro siya.

Alas kwatro na ng hapon. Naka higa lang ako sa kama, wala akong ginawa buong araw kundi mag basa ng mga manga at maglaro ng video games.

Panaykamot ko ng ulo habang tingin ng tingin sa cellphone. Hindi mapakali, napuno ako at itinapon ang hawak hawak na unan sa ding ding.

Ang tagal niya namang bumalik, nabobored na ako gusto ko nang lumabas ng bahay.

Biglang nag vibrate ang cellphone ko. Natuwa ako at agad itong kinuha. Pagbukas ko nito ay walang isang segundo't naitapon ko ito sa kama.

Walang hiyang mga network yan. Lagi nalang nag propromote ng mga promo nila nakaka inis na.

A quick realization struck me. Wala nga pala akong kaibigan.

I'm a loner.

Wait, oo nga pala. I'm not a loner, Im a self proclaimed loner.

Lumabas ako ng kuwarto at nagpunta sa kusina para magpakulo ng pancit kanton, pagkatapos ay naghanap ng komportableng puwesto sa mismong harapan ng T.V.

'Couple tayong dalawa, dapat equal ang binibigay natin sa relationship'.

'Alam mo naman na gagawin ko ang lahat para sayo... chanchai'.

Sus! Maghalikan nanga kayo...

Biglang nadulas ang babae sa hagdan, hinawakan ng lalaki ang kanyang kamay at sila'y nagtitigan.

Pft! Typical love story, wala nabang matinong palabas ngayon sa tv?

Habang naka dekwatro ako sa sahig, na busy ako sa pamimintas ng mga linyang binabato ng mga karakter sa pelikula. Yan kasi ang ginagawa ko pag nabobore. Naubos ko na ang canton at ilalagay na sana ang pingga sa lababo nang biglang kumalabog ang sahig sa itaas ng bahay.

Pinuntahan ko agad ito lalo na't nanggagaling ito sa kuwarto ko. Pagbukas ko ng pinto ay isang babae ang tumambad sakin. Naka suot siya ng puti at maikling dress, kitang kita ang legs niya. Balingkinitan ang kanyang katawan at buhok niya ay kasing kulay ng nyebe. Naka upo siya sa kama na parang bata, pa unday-unday ang kanyang mga paa.

Sinubukan kong tanungin ang misteryosong babae, subalit pagka bukas palang ng bibig ko ay bigla itong nagsalita.

"Is this perhaps... where you sleep, human of earth?" tanong niya sakin.

Foreigner? "Y-yes... How did you get in?"

Tumayo siya at naglakad papalapit sakin. "I tried to learn how to speak your language, do you understand me?" Huminto siya sa harapan ng picture frame na tila naaaliw sa nakikita.

"Yes."

Naglakad siya papunta sa harapan ko.

"I am here to fulfill my creed as the priestess of Theias. You are chosen to become 'one', as the prophecy foretold."

Become what? Ano daw?

Naguguluhan sa nangyayari, wala akong magawa kundi tumayo lang at natulala sa babaeng nasa harapan ko.

Tumitig siya sakin, mga mata niya'y tila umiilaw habang itinapat ang kanyang daliri sa aking dibdib.

"YOU have been chosen- "

Itinulak niya ng bahagya ang dibdib ko at dahan-dahang nag dilim ang paningin ko. Ako'y nahulog sa walang hanggang kadiliman.

Anong nangyayari?... Hindi ko maigalaw ang katawan ko...

Epic ConquestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon