X : Delthora Academy

30 4 0
                                    

"Only the dead have seen the end of war."

Plato


CHAPTER X: Delthora Academy

"Isang malaking karangalan ang mamatay para sa ibang tao," sabi ni Delthoran. "Namatay siyang isang bayani."

Mali ka.

Dahil sakin kaya siya namatay. Dahil naging pabaya ako. Dahil mahina ako. Kaya hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Yomoko ako upang itago ang aking mukha. "Dapat ako nalang ang namatay."

"Ikinalulongkot ko ang nangyari," nagsindi siya ng sigarilyo. "Ngunit huwag mo munang pangunahan ang sarili mo. Nakalimutan mo ba na ginawa niya iyon para magkaroon ka ng pagkakataong mabuhay? Tapusin mo ang tungkulin mo, imbis na ibaon mo ang sarili mo sa pagsisisi."

Tama siya. Ginawa niya yun upang mabuhay ako, upang mabigyan ako ng isa pang pagkakataon para tapusin ang tungkulin namin, kaya sisiguraduhin kong hindi masasayang ang pagkamatay niya.

Patuloy parin ang pag kalat ng walang hiyang mga demonyo, at ngayon ay ang earth naman ang pinupuntirya nila. Mga kupal, isinusumpa ko sa puntod mo, Kyle, na uubusin ko ang lahi nila at ipapatikim ko sa kanila ang puot at galit ko.

Pagsisisihan nilang tumuntung pa sila sa lupang 'to.

Tumayo na ako, "pasensya na tatang pero naubusan ka na ng oras. Aalis na ako."

"Pwede mo bang pag-isipan muna ang alok ko bago ka umalis, dark swordsman?" Langya! Yan nanamang title na yan, san ba nila nakuha yan?

"Hindi na kailangan tanda," dahil babalik din ako dito. Tama, babalik ako upang mag enroll.

Gagawin ko ang lahat upang maprotektahan ang mundong 'to, kahit maging kapalit man nito ay ang buhay ko. Kayat sisikapin ko pang lumakas kahit ibig sabihin man nito ay magtiis sa akademyang 'to.

"Sabihin mo nga tanda, paano ko makikilala ang iba pang mga rank S na katulad mo dito sa earth?"

"Bakit mo naman naitatanong?"

"Basta, sagutin mo nalang ang tanong ko."

He rubbed his chin na tila nagiisip.
"Narito sa paaralan ko ang mga pinili, mga katulad mo, at sa pagkakaalam ko, sila ay nasa dulo na ng pagiging rank A nila. Nandito rin sa earth ang iba pang mga rank S mula sa syudad ng Theias, hindi ko lang matukoy kung saang parte sila ng mundo tumira ngunit nasisigurado kong karamihan sa kanila ay pumapasok sa mga paaralang kagaya nito."

Tsk, as I thought. Kakailanganin ng konsiderableng sukat ng mana kung idadaan ang isang lumulutang na lupain sa lagusan. Ibigsabihin lang nito ay nandito rin ang mga rank S na bihasa sa mahika.

Kailangan ko pang matuto ng ibang mga spell bukod sa ice spell. Alam ko namang imposibleng magkaroon ng ibat-ibang elemento sa mahika, lalo pa't swordsman lang ako. But, I need to take whatever chances I could get.

"Hangad mo ba ay lumakas, bata?" Biglaang tanong ng matanda. Tila binabasa ang nasa isip ko.

"Oo," deretsong sagot ko. Kung gusto ko pang lampasan ang lakas ko ngayon, kailangan ko atleast matalo ang isang rank S sa duwelo. Pero para magawa ko yan ay kailangan ko munang pumasok sa paaralang to.

May idinaraos kasi silang paligsahan sa pagitan ng tatlong paaralan kada taon. Sinasalang ng bawat paaralan ang mga malalakas na estudyante nila dito sa kompitisyon. Pwede kong subukan ang lakas ko sa paligsahan na yun.

"Kung yan ang nais mo ay matutulungan kita. Yun ay kung mag e-enroll ka dito sa paaralan ko."

Tusong matandang to. "Kagaya ng sinabi ko kanina, hindi mo na kailang pilitin ako, tanda. Babalik ako dito bukas, may tatapusin lang ako bago magpakulong sa akademya niyo. I need to get ready first, kaya bilisan mo at e-enroll mo na ako."

Epic ConquestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon