VI : Shirley

74 5 0
                                    

Mga tunog ng espada ang maririnig sa gitna ng kagubatan sa demon contenent. Pumagaspas ang mga ibon papalayo sa nangyayaring labanan, kasabay ng pag-alingawngaw ng isang sigaw 'switch'.


[ Fist Person POV ]

Sa bawat hampas ko ng espada sa kalaban ay sabay namang nabubura ang mga bato at buhangin sa kinatatayuan ko.

Agad akong nagpunas ng pawis pagka-tumba ng orc sa harapan ko.

"Done here!" Kumperma ko sa kanila. "Ano ba yan, why so slow?"

Sa bandang likuran ko naman ay panay bato ng bolang apoy sa kalaban ang kaibigan kong si Shirley kasama si Kyle na nagbabantay sa likuran niya.

Tumawa si Kyle habang naka fighting stance pa. "Hindi to pabilisan Al, paramihan tayo ngayon!"

"Ah ganon pala ha!" Paghahamon ko sa kanya.

Tumakbo ako pasulong sa natitirang mga orc malapit sa kanila at nanakawin sa kanila ang pagpatay, ks na kung ks tutal marami pa namang natitira. (Ks = kill steal)

Pero malayo palang ako ay may lumabas na malaking magic circle sa paanan namin, malapad ito sakop pati ang mga natitira pang apat na orc, at saka isa-isa silang tumirik at namatay dahil sa koryenteng inilabas ng spell.

"I win." Ani ni Shirley na nakangiting nag-pepeace sign sa amin.

Napa-buntong hininga ako "Well, this time kay Shirley ang panalo."

Kyle just shrugged his shoulders, pareho kami ng iniisip which is there's no complaints when it comes to her.

Napapanganga nalang talaga ako minsan pag ginagamit ni Shirley ang mga wide spells na tinuro ni master sa kanya. Well, sino ba naman ang hindi hahanga sa kanya e maka ilang beses ko na pinraktis ang spell na yan hindi ko parin makuhang gawin.

"So, san tayo ngayon." Tanong ni Kyle na nag-pupunas ng dugo mula sa kanyang espada. Tumingin naman sakin si Shirley.

Hay nako, ako nalang palagi nag dedesisyon. "Mag-didilim na maya maya guys lets just call it a day." Suhestyon ko sa kanila at saka kami umalis dala dala ang isang sako ng pangil, sungay at balat ng mga halimaw na napatay namin para ibenta sa guild house.

Habang nag lalakad, na pansin ko na panay ang buntong hininga si Shirley. Naguguluhan pa siguro siya kung itutuloy ba niya ang pag sali sa subjugation force.

Napag desisyonan kasi namin na tumuloy sa gagawing recruitment operation bukas sa port Santiago. Pero nilinaw ko naman sa kanilang dalawa na pwede silang mag-backout kung sakaling ayaw nila, batid ko kasi na nagdadalawang-isip pa sila. Basta ako, tatapusin ko na talaga ang misyon na inako ko matagal na para makauwi na sa earth.

Dumating kami sa bahay ni master malayo-layo sa Shire village. Dumeretso si Shirley sa kusina para maghanda ng hapunan, sa kwarto naman ang punta ni Kyle na parang nag-dadabog sa ingay ng yabag ng paa niya sa kahoy na hagdan pataas ng bahay.

Wala akong magawa sa katahimikan ng dalawa. Dumeretso nalang ako sa kuwarto ko katabi ng kuwarto ni Kyle at kumuha ng bihisan upang mag-relax hot spring sa likod ng bahay. Naka pwesto ang tirahan ni master malapit sa gitna ng demon continent na isang lugar sa Alfheim kung saan matatagpuan ang ilang mga buhay na bulkan, kung kayat' walang naninirahan dito at malayo sa sibilisasyon. Maliban nalang sa itinayong guild house malapit lang sa port santiago na dagsaan ng mga mersenaryo at adventurer na kalaunay' tinawag na Shire Village mula sa pangalan ng top adventurer na Shire ang pangalan.

Come to think of it siguro chick yun? Mailap kasing tao itong top adventurer nila kaya walang nakakaalam sa mukha at hitsura niya.

Habang nagiisip, hindi ko namalayan na nasa harapan na pala ako ng hot spring. Binuksan ko ang sliding door at lumabas mula dito. Open air ang desenyo ng spring kaya kitang-kita ang dalawang buwan sa itaas. With just wooden fence na 7 feet tall sa paligid nito napaisip tuloy ako kung safe ba talaga itong kinalalagyan ko ngayon.

Well, time to relax!

Medyo mahamog ang spring at saka dalawang lampara lang ang nag-iilaw dito kaya hindi ma klaro ang paligid. Pumunta ako sa gitna at sumanday sa malaking bato sa gitna.

Pipikit na sana ako nang biglang may umakbay sa balikat ko. Nabigla ako at kalaunay napa buntong hininga nalang nang nalaman ko kung sino ang umakbay sakin.

"Umiinom ka na naman?" tanong ko sa babaeng nakaakbay da balikat ko na panay hikbi hawak ang isang bote ng alak.

Inilapit niya ang bote sa mukha ko at idinidikit sa pisnge ko na tila nanunukso sa aking uminom kasama niya.

"Samahan mo 'ko, Alfi, isang lunok lang tiyak na gaganahan ka nang uminom." Pag-pipilit sakin ni master Kiran.

Sa pag dampi ng balat niya sa balikat ko ay may kasabay itong malambot na sensasyon na nag uudyok saking tingnan kung ano man ito. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko para iwasang mapatingin sa mga siopao ng di oras.

"Sigeh na, Alfi." Nangaakit na boses niya.

Nararamdaman ko nang umiinit na ang katawan ko kaya kinailangan ko nang patigilin siya bago pa mahuli ang lahat.

"Tumigil ka nga master!" Tinulak ko siya ng bahagya papalayo sakin, nilimitahan ko lang ang lakas ng pagtulak ko sa kanya ngunit natumba parin siya, dumaplis ang dulo ng paa niya sa lower part ko na dahilan upang mapasigaw ako.

Biglang bumukas ang pintuan ng hot spring at mula dito ay tumambad ang naka simangot na si Shirley.

"Master Kiran!" Sigaw nito sa kanya.

Napalunok ako, lumitaw ang ulo ni master sa pagkaka tumba niya sa tubig na tila walang malay.

Tinutukan ako ni Shirley at tila inuubos nito ang kaluluwa ko. Lumulong siya sa spring para kunin si master. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko.

Habang hinahatak niya ang master papasok ng bahay nakabaon naman sakin ang mga mata niya na para bang nangangain.

The door shut loudly, rinig ko pa ang mga sermon niya kay master sa loob ng bahay.

Napatawa na lamang ako. Ilang beses naba nangyari ito? Di ko na matandaan.

Bumitaw ako ng malalim na hinga at tumingala sa langit, kitang kita dito ang dalawang buwan. Napaisip ako.

Why two moons? And why is it red? Siguro diyan nanggaling yung meteor? Dami ko pa talagang hindi nalalaman, this world is just too mysterious. I swear if I meet that priestess bobombardahan ko talaga siya ng mga tanong. Come to think of it, if I remember correctly, mala-abo ang kulay ng buhok niya, and she has small lips and long eyelashes, and she's small.

She's cute...










This is awkward...

"Si master Kiran?" Tanong ko sa dalawa.

Inisnaban lang ako ni Shirley, si Kyle naman he just shrugged his shoulders.

Nakakabinge ang katahimikan sa hapagkainan, kaluskos lamang ng mga kutsara sa plato ang maririnig.

Tense na tense ang mga mukha ng dalawa na para bang nag hihintay ng result sa exams, yung tipong feeling mo babagsak ka.

Well, I'll just let them be for now. E-enjoyin ko nalang itong adobong baboy-ramo na hinunting namin kanina. I swear ang sarap talagang magluto ni Shirley.

After that we got on our own beds swiftly. Maaga kaming natulog kasi may importanteng lakad pa bukas, I just hope na everything will be fine.

Hindi pa pala kami nag-paalam kay master Kiran, yung lasinggerang yun talaga.

Ipinikit ko na mga mata ko nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto.

Si Shirley na may hawak na espada ang pumasok at umupo sa kama ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa ulo niya, gabi na eh dapat tulog na siya ngayon lalo pa't maaga pa ang gising namin bukas.

"Di ka makatulog?" Tanong niya sakin.

"Ikaw pa talaga ang nagtanong niyan?" Napansin ko na seryoso ang mukha niya, "may problema ba?"

Napansin niya na nakatingin ako sa espada, hinigpitan niya ang pagkahawak dito at huminga ng malalim. "Turuan mo 'kong gumamit ng espada."

Epic ConquestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon