XIV : Norths

18 1 1
                                    


Katrina's POV

Nakakuyum pa ang mga kamao ko. Nanggigigil na talaga ako, mukhang hindi ko na mapipigilang ang sarili kong gulpihin ang lalaking yun! Bakit ba kasi nandito siya sa academy? Sino ba siya sa akala niya? Dalawang taon na mula noong simula ng klase at ngayon pa siya lilitaw? Ilang beses na namin siya kinumbinsing pumasok pero matigas talaga ang ulo niya! At ngayon, kusa naman siyang papasok, ano to para sa kanya, laro-laro lang?

Lumingon ako kay Sachi, deretso lang ang tingin niya na parang walang pakialam sa nangyari.

"Sachi, wala ka ba talagang alam kung sino ang nagpapasok sa lalaking 'yon?"

Narinig kong bumuntong-hininga siya. "Hindi ko alam, Kat. Bakit ba kasi ang init ng ulo mo sa kanya? Buti nalang talaga pinuntahan kita, kung hindi, ewan ko nalang kung gaano ka laking problema ang gagawin mo."

"Ewan ko kung mabubuhay pa siya sa gagawin ko..." Sabat ko. Sisiguraduhin kong hindi niya maiilagan ang kamao ko.

"Kat, nasa vicinity tayo ng academy. Ano nalang ang iisipin ng mga estudyante kung makikita ka nilang nakikipag-away sa kaklase mo? Gusto mo bang maging masamang ehemplo sa kanila?"

Hindi ako nakasagot. Maypunto siya sa sinabi niya, masyadong importante ang image ng student council. I can't afford to sully it just because I hate that guy.

"Teka nga muna, Sachi, napansin ko lang, bakit parang mas kinakampihan mo pa ang lalaking 'yon kaysa sakin? Don't tell me you have a crush on him?"

Hindi siya kaagad sumagot kaya natigilan ako. I looked at her, emotionless ang mukha niya na nakatingin sakin.

"What if I do?" Sabi niya.

Napatawa ako sa ideyang 'yon. "Stop it, Sachi. You don't get to joke around like that! Really, I didn't see that coming!" Napauklo ako at tinapik-tapik ang aking tuhod. "Imposible... Tinanong ko pa kasi!" Patawa kong sabi.

A smug smile bloomed on her face. "Mukhang mas kilala mo pa ako kaysa sa sarili mo, ah? Miss Mainitin ang ulo."

Umiling-iling ako. "No, I'm not short tempered. I already told you about what happened yesterday, didn't I? Masama siyang tao, kaya umiinit ang ulo ko sa kanya." Katwiran ko at nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Alam kong gusto niyang mag sorry sa 'yo. Hindi mo man lang ba siya pinakinggan, kahit isang beses lang?"

"Pano mo naman nasabi 'yan, Sachi? You don't know that guy, sigurado ako na puro kabastusan lang ang nasa isip n'ong taong 'yon."

Narinig ko uli na bumuntong hininga siya. How can she be so sure about that? Hindi ko naman nakitang naguusap sila, ah? Hays Sachi... You're too soft hearted. Hindi lang makikita sa mukha niya pero she's too kind, too kind to the point na kahit masama ang isang tao pagkakamalhan parin niyang mabuti ito.

Just like what she said, I know her more than I know my self. Eh, kasi, She's been with me from the very start, itinuring niya akong matalik na kaibigan kahit na ang sama pa nang pakikitungo ko sa kanya dati.

I used to be a loner, and I blamed everyone because of it. That's why I secluded my self from them. And I gradually changed because of her.

That guy, though. I already hated him even the first time that I saw him. At masasabi ko na kahit na anong mangyari, I will still hate his gutts.

Huminto kami sa harapan ng pinto ng student council. Binuksan ko ito at pumasok. Nakita ko na nakaupo na ang lahat ng meyembro kaya binilisan ko na ang pag upo.

"Nandito na ang lahat, pwede ka nang mag umpisa, Principal Delthoran." Sabi ng nakatatanda kong kapatid.

Iginala ko ang tingin sa mga estudyanteng nakaupo. As usual, bakante parin ang upuan ni Roy. Hindi pa niya natatapos ang misyon niya sa North. Sana talaga sumama nalang ako, alam ko naman na kayang-kaya niya iyon magisa, ngunit, mas madali parin kung isang party ang nagsagawa ninyon. Ilang beses ko iyong inapila sa council pero hindi ako pinayagan ng kapatid ko. Ewan ko lang kung over protective lang ba siya o nagpapasikat lang ng kanyang autoridad. Nakakainis talaga. Kung sumama ako hindi ko sana nakita ang lalaking iyon.

Epic ConquestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon