III : Katrina

80 8 1
                                    

Dinilat ko ang mga mata ko na tila may kaunting bakas ng luha at nakita si Potchi na naka patong sa aking dibdib.

"Gising! nahanap nila tayo!" sigaw ni potchi na pa lundag lundag sa aking dibdib.

"Nanaman?" sigaw ko sabay lundag pababa na kama.

Suot ang itim na jacket at itim na bull cap, agad akong lumabas sa tinulugang apartment sa gitna ng siyudad ng Davao City. Tumalon ako galing sa ikatlong palapag at naglakad papunta sa mataong lugar ng Roxas night market.

Ala singko na ng hapon. Nakipag siksikan ako sa mga taong namimili sa night market upang mailigaw ang mga taong nag hahanap sa akin.

"Such a pain." bulong ko sa sarili. "Bakit ba kasi kelangan pang tipunin ang mga Gifted ? nakakainis na!"

"Wala tayong magagawa diyan Al, kung ayaw mo talagang tumuloy sa akademyang 'yon e di mag tiis ka." sabi ni potchi na nakatago sa bull cap.

Wala akong nagawa kundi manahimik. Pinag hahanap kasi kami ng Student council ng Delthora Academy kaya palipat lipat kami ng tinutulugan.

Delthora Academy school of swords and magic. Paaralang binuo sa layuning maturuan at mapalakas ang mga Gifted, mga taong biniyayaan ng magic na nagmula sa nag bukas na lagusan sa panahon ng malaking sakuna na tinawag na The Great Catastrophe noong 2018.

Isang taon na ang nakalipas mula noong bumalik ako galing sa Alfheim. Sinubukan kung mamuhay ng simple kasama ang pamilya ko, pero sa kasamaang palad, hindi ko magawa.

Pagkatapus ng sakuna sa Seoul South Korea, nagsipag-datingan ang mga professional na mandirigma galing sa Theias at inaral ang national language. Kanilang inanunsyo sa telebisyon na mag sisimula silang mag turo at husayin ang mga kabataang nabiyayaan ng talento sa mahika upang maghanda sakaling bumalik ang mga mananakop galing sa mundong tinatawag nilang Alloces: the Demon World. Ayon sa naka tatanda sa kanila, ang isinagawang panananakop ng mga demonyo ay isa lamang hudyat na paparating pa na malaking hukbo.

Makalipas ang isang linggo, biglang sumulpot ang malaking lupain na tila nakalutang sa himpapawid sa ibabaw ng karagatan ng pacific ocean malapit sa Japan. Sa ibabaw ng lupain ay ang paaralan ng Delthora.

Hindi lang isa, may roon din sa Antarctic ocean sa pagitan ng Norway at Greenland, at Atlantic ocean malapit sa United States

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi lang isa, may roon din sa Antarctic ocean sa pagitan ng Norway at Greenland, at Atlantic ocean malapit sa United States.

Ito ang naging simula nila ng pangangalap nila ng mga gifted galing sa ibat ibang bahagi ng mundo.

At kabilang na ako doon...

Epic ConquestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon