XI : Fresh Start

19 4 1
                                    

Naging blanko ang isipan ko nang nakita ko ang mga mata niya na tila hinihigop ako patungo sa isang malawak at asul na karagatan.

Pinilit kong labanan ito ngunit naiwan lang akong tulala sa kanyang mga labi na para bang kumikintab. Biglang lumalim ang pag hinga ko at hindi ko na alam ang nangyayari.

-.

Sa isang kisap lang ay hindi ko na nailagan ang ulo niya nang bigla siyang tumayo at tumama ito sa aking noo.

"Ouch!" Sabay na iyak namin dahil sa sakit ng pagkaka untog.

Hindi malinaw ang paningin ko matapos ang nangyari ngunit ramdam ko ang mga mata ng mga estudyanteng nakatitig sakin.

"Anong nangyayari diyan sa itaas?" Tawag ni Miss Serena. No choice, agad akong napa upo sa isinumpang upuan.

Bakit siya ang katabi ko? Grabe napaka malas ko naman, wala nabang ibang upuan dito? Haay, nakakapikon!

Sumulyap ako ng tingin sa kanya. Nanlilisik ang mga mata niya at konti nalang ay nagbanggaan na ang kanyang mga kilay. Sa tingin niya palang ay parang nginangatngat niya na ang kabuuan ko hanggang sa maubos ito, parang wafers.

Ano ba kasing problema nitong babaeng 'to sakin? Why can't she just leave me be! May mali ba akong nagawa sa kanya? Nauntog ko rin ba ang ulo ko sa kanya dati— wait— natigilan ako. Oo nga pala, yung nagyari kahapon.

Napa face palm ako. Sumulyap uli ako ng tingin sa kanya. Mai ghad yung babae sa balon! Si the grudge! Annabelle!

Itinuon ko nalang nang pansin sa harapan at nakinig sa guro. Ilang minuto rin ang lumipas at natapos na ang diskusyon. Buong oras nanigas lang ako na nakaupo habang iniiwasang tumingin sa katabi. Damang dama ko pa ang aura niya na tila tinutusok ako ng kutsilyo.

Naglabasan na ang mga estudyante. Tatayo na sana ako nang bigla niyang hinatak ang likurang bahagi ng kuwelyo ng uniform ko.

Hindi ko na natiis at hinawi ko ang kanyang kamay. "Pwede ba, Miss?" Bilin ko bago pumuslit palabas ng silid. Kung magtatagal pa ako dito tiyak magsisimula siyang gumawa ng eksena. Hindi ko na pinansin ang titig ng mga estudyante at mabilis akong umiskapo patungo sa koridor.

Hindi ko alam kung saan at ano ang pupuntahan kaya sumabay nalang ako sa mga estudyante na naglalakad. Panay tingin sakin ng iilan sa kanila, samantalang dedma naman ang iba.

Habang naglalakad, may napansin ako sa mga uniporme nila na wala sa suot kong uniporme. Isang tsapa ang nakadikit sa manggas ng mga uniporme nila. Ngunit imbis na military ranks ay iba't-ibang letra ang nakaburda dito. Karamihan sa kanila ay nasa letrang D at C ang nakaburda at iilan lamang ang may letrang B. Ito na siguro ang sistema ng ranking nila dito. Kaya siguro pinag titinginan nila ako kanina pa dahil blanko ang tsapa ko.

Muntik ko nang mabangga ang estudyante sa aking harapan nang huminto siya. Ano na naman ba ang nangyayari at bakit sila huminto? Ngayun ay nagsisiksikan naman sila sa gilid ng daan, ang laki pa ng space sa gitna a?

Biglang nagtilian ang mga babae. Tumatagning ang tenga ko sa mga boses nila.

"Wahh ang g-gwapo nila!"

"Papicture naman!"

"Baby ko!"

Yung mga nasa unahan ko naman ay nagbulungan, hindi ko masyadong marinig ang pinag uusapan nila dahil sa ingay maliban sa klarong-klaro na bukambibig nilang mga salita na top class.

Sinilip ko ito at nagulat sa nakita. Hindi ko inaasahang makikita ko sila agad sa unang araw ko palang dito. Yung mga pinili na kagaya ko, sila pala yung tinutukoy nila na top class? Wait lang, bakit pito lang sila ngayon? Nasaan na yung babaeng nambugbug sakin dati?

Epic ConquestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon