I : Dark Swordsman

236 10 1
                                    


Year 2018.

Sa isang lugar sa Asia, nagbukas ang isang mala-kristal na kawalan na kasing laki ng isang karaniwang bahay. Akala ng mga tao ito ay isang klase ng pagtatanghal lamang para sa isang pelikula, pero maya't mayay isang hukbo ng mga kakaibang mandirigma and lumabas mula dito.

Mga nakayapak na hukbo kargado ng mga espada, pana at kalasag ang bumulat sa kanila, sinundan ng mga mistulang dragon ang nagliparan, paikot-ikot na tilay binabantayan ang lagusan. Ang mga taong nanunuod ay naparalisa sa nakita at mayat-mayay nagsitakbuhan.

Gamit ang matatalim na armas, ang mga dayuhan ay nag simulang manakot, pumatay ,at manggahasa ng mga babaeng kanilang nadadakip.

Sila ay may lakas na hindi ordinaryo. Sila ay nababalutan ng madilim na aura, kitang kita itonsa mata ng isang ordinaryong tao, at ang kanilang balat ay kasing putla ng balat ng bampira.

Ang lugar na sa una'y malinis at mapayapa, ngayon ay puno ng bahid ng dugo. Walang humpay na iyak at hagulgol lamang ang maririnig sa mga eskinita.

Nagtataka ang mga tao kung bakit hindi sila nagagapi ng militar sapagkat hindi lang baril ang ginamit kundi pati na rin ang mga malalaking sandata na nabuo ng sensya. Ngunit wala manlang kahit isa ang naitumba. Tila may isang enerhiya ang naghihiwalay sa kanila mula sa mga pagsabog.

Ito na ba ang katapusan ng mundo? And paulit-ulit na tanong ng mga mamamayan.



CHAPTER I:

Sa helepad ng building malapit sa pangyayari, isang misteryosong lalaki ang nakaupo sa dulo ng roof top. Nakatakip ang mukha ng itim na balabal at nakasuot ng hooded jacket, tila pinagmamasdan niya ang nagyayari.

"Potchi, ilan ba ang nakikita mo?" Sambit nito sa maliit at mabalahibong puting lobo sa taas ng kanyang ulo, tila umiidlip.

"...natutulog pa ako." Iritang sagot nito sa kanya.

Nairita ang lalaki at itinapat ang kanyang kamay sa nuo ng lobo at saka pinitik ang hintuturo. Two minds as one. Para sa kanya, isa lang itong karaniwang boses na maririnig mula sa isang tao. Ngunit, siya lang ang nakakarinig nito. Isang kontratang mahiko ang nagkokonekta ng isipan nila sa isat isa kung kaya't naririnig niya ang ibig sabihin ng lobo.

Aray! Oo na. Reklamo ng lobo sabay talon sa balikat nya at tumingin sa ibaba. Di bababa sa singkwenta. Mulhang may ka kompitensya pala tayo dito, may nakikita akong isang grupo na patungo sa kalaban. Akala ko ba ang master lang ang nakaka alam ng pag-bubukas ng portal pabalik dito?

"Wag kang maniwala sa kanya, Potchi, sa dami pa namang malalakas na sorcerer sa city ng Theias, sa tingin mo siya lang ang nakaka alam nun?"

***

Mana, ito ang enerhiyang ginagamit, o nagagamit?— ng mga sorcerer upang magtawag ng mga spells. Hindi siya isang sorcerer kung kaya't taliwas ito sa kanyang kaalaman. Ayon sa mga libro ng mahika, kinakailangan ng malakas na inerhiya upang maisagawa ang pagtatawag ng portal, mga taong tinatawag na sage lang ang nakakagamit nito kung kayat ito ay bihira.

***

Alfi's POV:

Bababa paba tayo? Ani ng lobo.

"Oo, sayang eh..." sagot ni Alfi.

Anong sayang?

"Exposure, Pochi, exposure." Sabi no Alfi habang naka ngiti. "Ngayon lang 'to nangyari sa Earth potchi, akala mo ba uso ang magic dito? Dito sa earth sa mga laro lang nakikita yan, fiction lang kung baga. Eto, imaginin mo nga isang cute na babae tumitili pinapanuod tayo sa TV. tapos ang nakalagay sa headline 'Ang misteryosong vigilante at ang kanyang pet matagumpay -"

Epic ConquestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon