Shirley

27 4 0
                                    


Mahina ang pangangatawan ni Shirley. Mula pa noon ay pang support lang talaga ang ginagampanan niya sa aming grupo. Healing at protection spells, dalawa lang ang kaya niyang gawin. Pero mula noong tinuturuan na kami ni master natuto na siyang gumamit ng elemental spells.

"Ano ba Al seryosohin mo naman!"

Nagpakawala siya ng sunod-sunod na unday ng espada sa ere na agad ko namang naiilagan.

"Hindi mo naman kailangang gawin 'to Shirley, mag focus ka nalang sa—"

Natigilan ako nang bigla siyang huminto sa pag atake.

"Hindi mo naiintindihan, Al! Sawa na ako! Palagi niyo nalang akong pinoprotektahan, sawa na akong laging pinoprotektahan!"

Hinigpitan niya ang pagkahawak sa espada at umatake, "hindi mo maiintidihan kasi malakas ka!"

May kasamang panggigigil ang bawat atake niya at mga mata niyay maluha luha.

Sa sandaling iyon naalala ko na ilang beses ko na pala siyang na protektahan, ilang beses na rin siyang muntikang mamatay. Naiintidihan ko na kung bakit niya gustong matutong gumamit ng espada.

Ayaw niyang maging pabigat.

Hinihingal na siya sa kaka hampas ng kanyang espada ng walang control. Sa huling bwelta niya ay kinontrahan ko ito ng malakas na counter, tumilapon ang kanyang espada.

Kahit na pagod na pagod na siya, pilit parin siyang nag lakad at dinamput ang kanyang espada mula sa pagkaka-tirik nito sa lupa at muli siyang umatake. Muli ko naman itong kinontrahan at tumilapon ulit ang kanyang espada.

Nagpa balik-balik ito ng ilang beses at hindi nag tagal nawalan na ng lakas ang katawan niya at siya ay napa luhod.

"Shirley..."

Tumingala siya at tumingin sa langit, bakas ang luha niya sa kanyang pisngi at kitang kita ang hininga niya sa lamig ng gabi. Itinago ko ang sandata ko at umupo sa tabi niya.

Wala akong nagawa kung hindi pagmasdan na lamang siyang umiyak. Si Kyle naman ay nakadungaw sa bintana niya na nanunood.

Sinenyasan ko si Kyle kung anong gagawin pero he just shrugged.

I sighed. Tumingala ako, kitang kita ang hangin sa tuwing hihinga ako. "Lumalamig na pala."

Her cry echoed over the dead of the night. Kalaunay mga puting niyebe ang dumampi sa mukha ni Shirley, tila nakisabay ang langit sa iyak niya dahil nagsimulang umulan ng niyebe.

First time na nangyari ito, hindi ko naman alam kung anong gagawin kasi mahina ako sa mga bagay na 'to. In short I don't know how to comfort a broken heart.

"Al" she wiped her tears. "Miss ko na ang pamilya ko. Miss ko na si mama at papa." Her voice shrunk, pinilit niyang magsalita kahit pa hikbi-hikbi. " Naaalala ko pa noong bata pa ako, katulad ngayon malamig din noong gabing yun, nasa bus stop kami nagaantay ng masasakyan. I was sick that time, every minute I would tell Mom I wanna go home, that I would cry every seconds na wala pang dumadaan na sasayan. She would comfort me everytime saying 'andito lang ako anak'. Those words... it was short, but warm. It makes me feel a little bit better everytime."
...
"Gusto ko nang umuwi. I miss her so much."

Tumango na lamang ako sa kanya.

Natahimik siya, she collected her self. "Aalis ako bukas at sasali sa subjugation team. Tama na ang pahinga, oras na para tapusin 'to."

Tumango ako sa kanya.

Tumayo si Shirley at nag-pagpag ng kanyang damit. "Kaya turuan mo ako Al, kailangan kong matutong protektahan ang sarili ko."

Napa-buntong hininga na lamang ako at napa sang-ayon dahil sa dedikasyon niya.

Wala rin naman akong magagawa.

Bubunutin ko na sana ang espada mula sa likod ko nang biglang may pumigil sa kamay ko.

"May ibang paraan... Shirley, sinasayang mo lang ang lakas mo."

Biglang lumitaw sa likuran ko ang kaninang lasing na lasing na si master Kiran. Suot ang overly sized na jacket paired with loose pajamas, I could see her panties slipping out. Despite wearing such outfit hindi parin maalis sa isip ko how she looks like without clothes.

She's one of those sages na hindi mo malaman kung ano ang eksaktong edad nila...

"Kung gusto mong lumakas at maprotektahan ang sarili baket mo pa kailangang matutong mag espada kung pwede ka namang gumamit ng mahika?"

"Hindi pwede master, masyadong matagal ang casting time, by the time na ma cacast ko na ang spell nasa harapan ko na ang kalaban, sa huli sasagipin na naman nila ako." Paliwanag ni Shirley.

"May paraan tayong mga caster, Shirley." Nag buntong-hininga si master. "Marami pa talaga kayong dapat matutunan. Marami pa sana akong matuturo sa inyo pero nakakalungkot na sabihin, aalis na kayo bukas."

Nag tinginan kaming dalawa, tumingin ako kay Kyle sa bintana na as usual tinataas na naman ang kanyang mga balikat.

Umiling-iling si mater Kiran, tila natatawa sa aming reaksyon.

"Makinig ka Shirley, libro ng mahika pahina pitumpot anim."

Kumunot ang kilay ni Shirley na tila naguguluhan. "Teleportation magic?"

"Tama." Biglang kinampay ni master ang kanyang kanang kamay sa ere at lumutang ang isang malaking libro. Kunot-kunot na ang mga pahina nito na tila napaglipasan na ng panahon. Binalasa niya ang mga pahina at kalaunay huminto at binigkas ang nakasulat dito. Agad siyang binalutan ng maitim na usok at biglang nawala.

Silence echoed around us for a second, namangha kami sa aming nasaksihan.

"Master Kiran?" Pag-tatawag namin sa kanya.

"Ang casting time ng teleportation spell ay mas maikli kumpara sa protection spell, mas mabilis itong gawin kumpara sa pagpapalabas ng barier, ngunit mahirap itong kontrolin kaya bihira lamang ang gumagamit nito." Pagpapaliwanag ni master na ngayoy' nakadungaw na sa bintana katabi ni Kyle.

Nagulat si Kyle at natumba kasabay ang malakas na kalabog sa itaas ng bahay.

"Pwede kitang turuan nito." Sabi ni master.

Bakas ang tuwa sa mukha ni Shirley at tatanggapin na sana niya ng alok ngunit bigla itong sinambatan ni master. "Ngunit sa isang kondisyon."

"Ano po ito?" seryosong tanong ni Shirley.

"Kailangan mong manatili dito sabahay ko."

Nanlaki ang mga mata ni Shirley, mangiya-iyak niyang tinanong si master Kiran kung ilang araw siya kailangang manatili sa bahay.

Nag babakasakali na maikli lamang ito, nilakasan niya ang kanyang loob habang naghihintay ng sagot mula kay master.

Tumalikod si master Kiran at sumanday sa bintana. "Alam ko na magiging mahirap ito para sa iyo Shirley, pero wala akong maisip na ibang paraan upang maturuan ka. Alam ko rin na may importante kayong gagawin bukas, hindi niyo man ito pinaliwanag sa akin pero alam ko na, na hindi kayo taga rito sa mundong ito."

Nag sindi siya ng sigarilyo sabay dampi ng kamay niya sa buhok ni Kyle na nasa tabi niya. May bahid ng lungkot ang kanyang mukha . "Kagaya ng sinabi ko kanina, hindi ito madaling kontrolin. Kailangan mong seryosohin ang pag iinsayo at pag-aralang mabuti kung paano kontrolin ang iyong mana... kung kayat kakailangan mo ng isang taon bago ito ma master."

Napaluhod si Shirley nang marinig niya ito. Mangisay-ngisay na tinakpan ng kamay ang kanyang mukha. Ang iyak niya ay bahagyang maririnig kasabay ng huni ng hangin.

Sinubukan kong abutin ang kamay niya at ipaalam sa kanya na kung ano man ang magiging disesyon niya, mananatili ako sa tabi niya.

Ngunit hindi ko ito magawa.

Tumingin ako kay Kyle na hindi makatingin sa akin, pareho kami ng nararamdaman. Kahit anong pilit ko sa sarili ko pero hindi ko talaga maisip na lumagi pa ng isang taon sa mundong ito. Labag man sa kalooban ko, pero kailangan ko nang umalis bukas para pumunta sa Port Santiago.

Epic ConquestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon