Hindi pa rin ako makapaniwalang nasa labas ako ng school namin ngayon.
Walang ipinagbago ang itsura ayon sa naalala ko.
Mga ilang minutong nakatitig ako sa gate nang biglang may tumapik sa balikat ko.
"Gia?", sambit ko nang makita ko ang High School bestfriend ko, si Gia De Leon.
Matagal-tagal ko din syang di nakita matapos kaming gumraduate. Ang huli kong balita sa kanya'y nag-abroad sya nung 2016. Pero dahil 2008 pa lang ngayon, di pa nangyayari ang mga sinasabi ko.
"Ako nga.", sabi nya. "Bakit parang gulat na gulat ka? Saka anong ginagawa mo dito sa labas? Bakit di ka pa pumapasok?", sunud-sunod nyang tanong.
"H-ha? Wala. May iniisip lang ako.", pagdadahilan ko. "Sabay na tayo?", pagyayaya ko sa kanya.
Sa totoo lang, di ko alam kung anong i-eexpect ko sa loob ng room namin. Sa tagal ng panahon, nakalimutan ko na ang mga lessons namin. Sure akong lagot ako mamaya dahil wala man lang akong review bago ako sumabak sa klase.
"Hi Serenity!", bati sakin ni Karlos.
Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko nang sandaling marinig ko ang boses nya.
"H-Hi Karlos. K-Kumusta?", nauutal kong sabi.
"Okay lang naman. Ikaw? Kumusta'ng weekend mo?", nakangiti nyang tanong.
Grabe. Natutulala ako sa gwapo nya.
Matangkad sya, maputi, matangos ang ilong, mahaba ang eyelashes na waring ikinukubli ang mapupungay nyang mga mata at sobrang kissable ang lips.
Napalagok ako ng laway ko.
"Serenity?", natauhan ako nang tawagin nyang muli ang pangalan ko.
"Bestie, natutulala ka dyan.", bulong naman ni Gia.
"H-Ha?", sabi ko. "S-Sorry. May naisip lang ako.", napakamot ako ng pisngi ko. "Ano nga ulit yung tanong mo?", sabi ko sabay ngiti.
"Okay ka lang ba?", tanong ni Karlos. "Parang may nag-iba sayo.", sabi nya na tila hinuhuli ako.
Lagot.
Paano ba ako dati? Mahabang panahon na kasi ang nangyari. Di ko na maalala paano ako sampung taon na ang nakalilipas.
"Ha? A-Ano bang sinasabi mo dyan?", pag-iwas ko sa topic.
"Ewan. Haha. Di lang siguro ako sanay na di ka nagsusungit sakin. Medyo kakaiba. Kinumusta mo din ako ngayon. Saka nakangiti ka pa. Kadalasan kasi masungit ka agad pag nakikita ako.", sagot nya.
"Masungit? Ako? Di kaya.", pagtanggi ko.
"Oo kaya.", sabi nya sabay pisil sa pisngi ko.
"Aray!", sigaw ko sabay hampas sa braso nya. "Masakit yun ah."
"Yan!", sabi nya. "That's more like you."
"Ewan ko sayo.", sabi ko. "Tara na nga Gia. Punta na tayo sa seats natin."
"Sus! Nag-LQ na naman sila.", sabi nya.
Ganito ba kami dati?
Tama.
Lagi kaming brutal magkulitan. Sobrang komportable namin sa isa't isa kaya lagi kaming ipine-pair ng mga kaklase namin.
Dahil dun, nadevelop sya sa akin. Ganun din naman ako sa kanya. Ang kaibahan lang, umamin sya sa akin samantalang natakot naman ako dahil masyado pa kaming mga bata noon. Tinulak ko syang palayo hanggang sa magkahiwalay na nga kami at unti-unting naging awkward sa isa't isa. Pati tuloy pagkakaibigan namin hindi na naisalba.
"Uy Baby Girl, sorry na.", sabi nya. "Yieee! Ngingiti na yan.", wika nya habang sinusundot-sundot ang tagiliran ko.
"Baby Girl ka dyan.", sabi ko habang tinatabig ang kamay nya.
"Yieee...", patuloy sya sa pangungulit.
"Ano ba?!", pagbanggit ko nun, di ko na napigilan pang mapangiti. Lokong to. Kaya ako na-fall dito eh. Napakakulit.
"Yun. Ngumiti din.", sabi nya.
"Baliw.", sabi ko.
"Sayo.", sabi nya.
"Ha?", tanong ko.
"Baliw sayo.", sabi nya sabay ngiti.
"Ewan ko sayo."
Wala na kong maisagot sa sobrang kilig ko. Lokong 'to. Kung alam nya lang kung gaano ko kagustong makita sya ulit, marinig ang boses nya't makakulitan sya ulit.
"Na-miss kita.", bulong ko.
"Ha?", tanong nya sabay lapit ng mukha sa akin.
"Wala. Sabi ko bingi ka.", pabiro kong sabi. "Ilayo mo nga yang mukha mo sakin. Suntukin kita dyan eh."
"Sus! Nagagwapuhan ka lang sakin eh.", pagbawi naman nya.
"Nye-nye. Baka ikaw ang nagagandahan sakin.", bwisit na to. Oo na. Gwapo na nga sya. Pero dahil dalagang Pilipina ako, pakipot muna.
Hindi ko sya lalayuan pero hindi ko din naman mamadaliin ang sarili ko.
Hindi ko alam kung anong maaaring mangyari sa mga susunod na araw, linggo, buwan o taon pero sisiguraduhin kong magiging okay lahat para sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
Revert
Teen FictionPaano kung binigyan ka ng second chance ni tadhana para itama ang mga pagkakamali mo sa nakaraan?