Since Sabado ngayon at wala naman kaming masyadong assignment, sinamahan ko na lang mag-mall si Faith. Bibili daw sya ng pang-regalo kasi start na ng weekly Kris Kringle nila sa Monday, December 1, 2008.
Kanina pa kami paikot-ikot pero wala pa din syang maisip na gift. Something related to music ang theme nila sa first week. Sabi ko nga headset na lang kasi may nabibili namang ganun na pasok sa budget ng estudyante.
Pumasok kami sa isang sikat na music store para maghanap ng gusto nyang item. Habang patuloy sya sa pagtingin ay naglibot-libot muna ako para magtingin din ng items at baka may magustuhan din ako para sa sarili ko.
Sa pag-iikot ko ay napunta ako sa isang sulok kung saan nakalagay ang mga lumang CD, vinyl records, casette player at kung anu-ano pang mga mukhang vintage na music items.
Sa di kalayuan sa pwesto ng mga vinyl records ay napansin ko ang isang maliit na kulay dilaw at itim na gadget. Halos kasing laki lang ito ng mga nauusong phone sa taong 2018. Kinuha ko ito at saka ko narealize kung ano ito. Napangiti ako.
"Gusto mo ba yan Miss?", tanong ng saleslady habang nakatingin sa akin. "900 na lang yan ngayon since naka-sale kami."
Gusto ko sanang bilhin kaso dahil estudyante pa lang ako sa panahong ito, napakalaking halaga na ng 900 pesos para sakin. Isa pa, hindi sasapat ang baon ko para mabili ito.
"Naku, gusto ko po sana kaso hindi po pasok sa budget eh.". honest kong sagot. "Sinasamahan ko lang po ang kapatid ko na bumili ng gift para sa classmate nya.", dagdag ko.
"Ganun ba? Sayang naman. Last na kasi yan.", sabi ng babae.
"Ate Serenity, okay na.", biglang dumating si Faith sa tabi ko hawak ang isang maliit na supot. "Ano yan?", tanong nya sakin nang mapansin ang hawak kong gadget.
"Ahh, portable cassette player.", sabi ko. "Ganda no? Kaso ang mahal.", nanghihinayang kong sabi.
Medyo mahirap na kasi makakita ng ganito sa 2018 since advanced na masyado ang technology at kung anu-anong gadgets na ang nauuso.
"Maganda.", sagot ni Faith. "Pero lumang style na. Bakit mo naman gusto yan? Uso na po ang CD ate, baka hindi mo lang alam. Saka mp3 players.", sabi nya.
"Alam ko.", sabi ko. "Ewan ko ba. Siguro kasi narealize ko lately na mas maaappreciate mo yung present saka yung future pag nag-look back ka sa past." , nakangiti kong sagot.
Nakita kong ngumiti rin ang saleslady sa sinabi ko.
"Ang lalim naman ng paliwanag mo.", komento ni Faith. "Itinanong ko lang naman kung bakit mo gusto yan.", sabi pa nito sabay kamot ng ulo.
BINABASA MO ANG
Revert
Teen FictionPaano kung binigyan ka ng second chance ni tadhana para itama ang mga pagkakamali mo sa nakaraan?