Chapter 24

196 8 1
                                    

"Karlos!", lumuluha akong nagising sa isang puting kwarto na madaming aparato.

"Serenity, mabuti naman at gising ka na.", narinig kong sabi ng isang babae bago nya hinawakan ang kamay ko.

Tiningnan ko syang maigi at saka ko napagtanto kung sino sya.

"Yesha?", nanghihina kong sabi. "A-Anong nangyari?", naguguluhan kong tanong.

"Naguguluhan ka pa siguro. Ang mabuti pa'y tawagin ko muna ang doktor.", sagot nito.

Naguguluhan talaga ako. Ang huling naaalala ko'y hinahabol ko si Karlos dahil nagkaroon kami ng pagtatalo.

Nasaan si Karlos? Nasaan ako? At bakit ako nandito?

Dumating si Yesha kasama ang doktor at chineck nya ang kalagayan ko. Tinanong ako ng kung anu-ano at matapos ang pagsusuri ay iniwan na nya ulit kaming dalawa.

"A-Anong nangyari sakin?", tanong ko. "Bakit ako nandito?"

Hinawakan nya ang kamay ko at saka sumagot.

"Naaalala mo yung Lola na tatawid sa daan?", tanong nya.

Pagkasabi nya noon ay unti-unting naging malinaw ang lahat.

Tumango ako.

"Oo.", sagot ko.

"Iniligtas mo sya kaya ka nabangga ng sasakyan.", paliwanag nya. "Okay na yung Lola kaya wag ka na mag-alala. Tinawagan ko na din ang family mo at parating na din sila any minute now.", dagdag nya.

Gulung-gulo ako sa mga pangyayari. Ibig sabihin ba nito'y bumalik na ako sa 2018?

"Gaano na ako katagal dito sa ospital?", tanong ko.

"3 days ka na natutulog.", sagot nito.

Napasinghap ako.

"3 days?", pag-uulit ko.

Sobrang tagal ko sa taong 2008. Ano yun? Panaginip lang ba ang lahat?

Napahawak ako sa ulo ko.

"Okay ka lang ba?", tanong ni Yesha. "Gusto mo tawagin ko ulit ang doktor?"

Umiling ako.

"Hindi na. Pasensya na, sumakit lang ang ulo ko.", sagot ko.

"Nagugutom ka na din siguro. Itatanong ko muna sa doktor kung pwede ka na kumain.", sabi nito.

"Sige Yesha. Salamat.", sabi ko.

Lumabas sya ng kwarto at naiwan na naman akong mag-isa.

Panaginip... Hindi ako naniniwalang panaginip lang ang lahat ng nangyari sa akin. Gusto kong makausap si Time Keeper pero hindi ko alam kung paano.

Napapitlag ako nang biglang may kumatok sa pintuan.

"Sino yan?", tanong ko.

"Serenity, ako 'to, si Calvin.", sagot nya.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko ng sandaling marinig ko ang boses nya.

"Pasok.", sabi ko.

Binuksan nya ang pintuan at nakita ko syang nakangiti habang hawak ang isang boquet ng rosas at isang basket ng mga prutas.

Nang akmang hahakbang sya papalapit sa akin ay may kakaibang kuryente akong naramdaman bago lumitaw ang isang nakasisilaw na liwanag sa aking tabihan.

Tumigil ang lahat sa pag-galaw at tanging ako lang ang nakakakita sa mga pangyayari.

"T-Time Keeper?", bulong ko nang magpakita sa akin ang isang pamilyar na babae.

"Kumusta Serenity?", tanong nya.

"Anong nangyari sakin Time Keeper? Bakit ako bumalik dito? Panaginip lang ba ang lahat ng nangyari sakin?", sunud-sunod kong tanong.

Ngumiti muna sya at naupo sa tabi ko.

"Hindi ka ba masaya na andito ka na ulit?", tanong naman nya pabalik sa akin.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Gulung-gulo ako sa lahat ng nangyari sa akin. Masaya naman ako na nakabalik ako dito pero may isang bagay lang akong gustong malaman.

"Si Karlos...", sambit ko at napatingin sa pwesto ni Calvin na kasalukuyang naka-time freeze. "Kumusta sya?", tanong ko.

Tumayo si Time Keeper mula sa pagkakaupo sa tabi ko at lumapit sa kinatatayuan ni Calvin bago hinawakan ang talulot ng mga bulaklak na dala nito.

"Ayos lang sya.", sagot nito. "Ligtas sya kung yun ang inaalala mo.", sabi nito.

Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko iyon.

"Ibig sabihin, walang nabago sa nakaraan ko?", paglilinaw ko.

Tumango sya.

"Sinabi ko na sayo noon pa man Serenity...", huminto muna sya at tumingin sa akin. "Hindi mo na maaaring baguhin pa ang nakalipas. Anumang baguhin mo ay makakaapekto sayo at sa mga taong nakapaligid sayo.", paliwanag nya.

"Naiintindihan ko na. Ang mahalaga sa akin ay ligtas sya.", sagot ko. "Salamat Time Keeper.", sambit ko.

"Sana'y natutunan mo na ang leksyong gusto kong iparating sayo Serenity.", malumanay nyang sabi. "Gusto kong maging masaya ka sa kasalukuyan at sa hinaharap mo. Ang mga bagay na pinagsisisihan mo sa nakaraan ay nangyari na at hindi na mababalikan pa. Pero ang mga karanasang ito ang nagdala sayo sa kung saan ka man naroon ngayon. Nawa'y gamitin mo ang mga karanasang ito upang maging inspirasyon para sa ikabubuti ng kasalukuyan at hinaharap mo.", lumapit sya sakin at niyakap ako.

"Salamat Time Keeper.", sabi kong muli at sinuklian sya ng yakap.

Matapos nyang bumitaw sa akin ay tinitigan nya ako sa mata.

"Ito na ang huli nating pagkikita.", bulong nya. "Wag mo sanang kalilimutan ang mga aral na iniwan ko sayo.", matapos nyang sabihin iyon ay unti-unti na syang naglahong parang bula.

Bumalik sa dati ang daloy ng oras at muling nakagalaw si Calvin.

"Para sayo.", sabi nya sabay abot sa akin ng mga bulaklak at prutas na bitbit nya.

"Salamat Calvin.", sagot ko sabay ngiti. "Natutuwa akong makita ka."

RevertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon