Chapter 5

313 16 0
                                    

Sunday ngayon at naisipan namin mag-mall muna after namin sumimba. Imi-meet daw kasi namin yung kaibigan ni Mama na taga-Manila at ang anak nitong lalaki na magtatransfer sa school namin dito sa probinsya.

Sa pagkakaalam ko ay kaedad ko lang sya at may sakit daw ang Lola nya kaya dun muna sya titira para may kasama ang matanda. Matagal na daw kasing namayapa ang Lolo nya at nag-iisang anak ang Mama nya na may trabaho naman sa Manila kaya hindi madalas nakakauwi.

"Felicity!", narinig kong sigaw ng isang babae mula sa likuran.

Tumingin kami nina Mama kung sino ang tumawag sa kanya at isang middle aged na babae ang aming nakita. Kumakaway ito habang nakangiti sa mama ko. Siguro'y sya na nga ang hinihintay namin.

Lumapit kami sa kanya at nakipagbeso naman si Mama dito habang nakipagkamay naman si Papa.

"Ito na ba ang mga anak mo? Kay gagandang mga bata.", wika nito.

"Thank you Tita.", bibong sabi ni Faith.

Ngumiti lang ako sa kanya bilang tugon.

Napansin kong palinga-linga sya sa paligid na tila ba may hinahanap.

"It's been a while Clara. Kumusta? Akala ko kasama mo ang anak mo?", tanong ni Mama.

She nodded.

"Oo, kasama ko. Ewan ko ba sa batang yun. May bibilhin lang daw saglit tapos susunod daw agad. Hanggang ngayon wala pa din.", sagot nito sabay hawak sa phone. "Sandali nga lang at tatawagan ko.", sabi nito.

"Ate, feeling ko gwapo anak nyan. Gandang babae kahit may edad na eh.", bulong ni Faith sakin.

Sinamaan ko naman sya ng tingin dahil baka marinig nya kami.

"Sabi ni Mama, kaedad mo daw. Yieee!", pangungulit nito.

"Tumahimik ka nga dyan Faith.", bulong ko sa kapatid ko. "Baka marining ka nya, nakakahiya."

"Hay naku! Ang KJ talaga nito. Parang nag-jojoke lang eh.", sabi nito sabay simangot.

Maya-maya pa'y natapos na si Tita Clara sa pagtawag.

"Sorry, medyo mahaba daw kasi ang pila sa counter kaya matatagalan sya ng konti.", nahihiyang sabi nito. "Why don't we go inside and order something habang hinihintay pa natin sya? Baka nagugutom na din ang mga anak nyo Felicity, Edward.", pag-yayaya nito na sinang-ayunan naman nina Mama at Papa.

Nauna na kaming kumain since medyo gutom na din kami kanina pa. Habang kumakain ay biglang nag-ring ang phone ni Tita Clara kaya nag-excuse ulit ito sa amin para sagutin ang tawag.

"Hello Cal, where are you?", tanong nito sa kausap.

Cal pala ang pangalan ng anak nya.

"Ahh... Okay. Pakibilisan lang.", narinig kong sabi nya. "Okay... Ingat.", matapos iyon ay ibinaba na nya ang phone. "He's on his way.", sabi nya sabay ngiti.

Ilang saglit pa'y nakita kong tumingin sya sa likudan ko. Isang pamilyar na boses ang aking narinig.

"Hi Mom! Sorry, I'm late.", sabi nito sabay kiss sa nanay nya. "Hello po Tito, Tita!", bati naman nya sa parents ko.

Tinitigan ko syang mabuti at saka ko napagtanto kung sino ba ang anak na lalaki ni Tita Clara.

"Calvin?", bulong ko.

"Oh. You know me.", sabi nito sabay ngiti. Narinig nya siguro yung pagbanggit ko sa pangalan nya. "Kung anu-ano na sigurong ikinuwento ni Mommy tungkol sakin noh? I hope they're all good things though.", wika nya sabay tingin sa Mommy nya.

"Paano mo nalaman ang name nya Ate? Hindi pa naman sya naipapakilala ni Tita Clara ah.", biglang singit ni Faith sa usapan.

"H-Ha?", medyo nataranta ako sa tanong nya. "H-Hindi pa ba?", nauutal kong sabi. "Ano kasi... Ahm... Narinig ko yung name nya nung binanggit ni Tita Clara habang kausap sya sa phone.", pagdadahilan ko kahit alam kong Cal lang ang sinabi ni Tita Clara kanina. "Sorry po. Aksidente ko lang po narinig.", ibinaling ko ang tingin sa mom nya.

"No worries.", sagot naman nito. "I was supposed to introduce him to you anyway.", sabi nito sabay ngiti.

"So, mind if I join you?", tanong nito na nakatayo pa din habang nakatingin sakin.

"N-No.", sagot ko. "Have a seat."

Tita Clara clapped her hands to get our attention.

"Felicity, Edward, Faith and Serenity, please meet my son, Calvin Fileo. He's the same age as you Serenity so sooner or later, magiging classmates na din kayo since inaayos ko na ang papers ni Calvin for his transfer.", wika ni Tita Clara.

"Don't worry Clara.", sabi naman ni Mama. "I'm sure malaki ang maitutulong ni Serenity kay Calvin para maka-cope up agad sya sa bago nyang school."

"So, you're Serenity?", bulong nya sakin. "Nice name."

"Thanks.", sagot ko naman sabay usod ng upuan palayo sa kanya.

Pinagtabi kasi kami nina Tita Clara at Mama para daw maging close kaming dalawa.

Ano 'to? Si Calvin Fileo magtatransfer sa school namin? Si Calvin Fileo na katrabaho ko sa year 2018 at sinasabi ni Yesha na may gusto daw sakin? Hindi ko maintindihan at sobrang gulung-gulo ang isip ko ngayon. Hindi naman kami nagkakilala bago nag 2018 dati ah.

"Bakit biglang may ganito?", bulong ko.

Napansin nya ata ang pagbulong ko sa sarili ko.

"May sinasabi ka?", tanong nya sabay lapit ng tenga nya sa mukha ko.

"W-Wala.", yun na lang ang naisagot ko.

RevertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon