Chapter 9

209 12 0
                                    

Ilang araw nang matamlay si Gia matapos ang nangyari sa party nina Kuya Kristof. Si Karlos naman, hindi ako pinapansin matapos ko syang matakbuhan ng di sinasadya kasama si Calvin.

"Haaay...", napabuntung-hininga ako habang nakaupo dito sa secret tambayan ko sa rooftop.

"Ang lalim ata ng iniisip mo.", isang pamilyar na boses ang aking narinig.

Humarap ako kung saan nanggagaling ang boses at nakita kong nakatayo doon ang mahiwagang babae na nagdala sa akin sa panahong ito.

"Time keeper?", sabi ko.

Ngumiti lang sya. Time keeper na lang ang napili kong itawag sa kanya since hindi ko naman alam kung sino talaga sya.

"Kumusta Serenity?", tanong nya.

Lumapit sya sa akin at umupo sa bakanteng pwesto sa tabi ko.

"Ano po bang nangyayari?", tanong ko. "Ang daming mga sitwasyon at pangyayaring wala naman dati sa unang 2008 na buhay ko.", sabi ko.

"Bakit?", tanong nya. "Di ba't may mga binago ka na sa panahong ito?", sabi nya sabay ngiti na medyo may pagka-misteryoso.

Sa totoo lang ay unti-unti na talaga akong natatakot sa kanya pero di ko lang ipinapahalata.

"Kasi po si Calvin...", napahinto ako sa sasabihin ko.

"Si Calvin Fileo, tama ba?", tanong nya.

I nodded.

"Paano pong napasali sya sa panahong ito? Hindi pa naman kami magkakilala dati ah.", sabi ko. "Saka yung party, wala namang ganun dati."

She giggled then tapped my shoulder.

"Hindi nga.", panimula nya. "Pero bahagi sya ng hinaharap mo...", nag-pause muna sya saglit. "At dahil may binago ka sa nakaraan mo, naapektuhan nito ang hinaharap mo."

"Pero anong kinalaman ni Calvin dun?", tanong ko.

"Si Calvin ay may malaking bahagi sa hinaharap mo Serenity. Pero dahil sa mga pagbabagong ginawa mo, naapektuhan na din pati ang hinaharap nya.", sagot nya. "Hindi ba't sinabi ko sayo ito noon? Lahat ng gagawin mo sa panahong ito ay maaaring makaapekto sa future mo at ng mga taong malapit sayo. Isa na si Calvin doon.", paliwanag nya.

"Kung ganun nabago ko pati future ni Calvin?", napatakip ako ng kamay sa bibig.

"Repercussions Serenity.", sabi nya.

"Repercussions?", pag-uulit ko na medyo nagtatanong.

"Ang tadhana ng mga tao'y parang sinulid na buhul-buhol. Pag-ginalaw mo ang isa, maaaring may maapektuhang iba.", sabi nya. "Ito ang dahilan kaya sinabi ko sayong malaking responsibilidad ang kaakibat ng kapangyarihan ko."

Pagkasabi noon ay bigla na lang syang naglahong parang bula.

Saka ko narinig ang boses ni Karlos na kanina pa ata akong tinatawag.

"Serenity. Huy Serenity!", sabi nito. "Gising!"

Gising?

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata.

Anong nangyari? Bakit ako naririto?

"Karlos?", nanghihina kong sabi.

"Nahimatay ka kanina habang P.E. kaya dinala kita dito sa clinic. Mukhang nananaginip ka ata nung natutulog ka ah. Kumukunot ang noo mo at sobrang pinagpapawisan kaya ginising kita.", sabi nya.

Kung ganun, sa panaginip ko lang pala ulit nakita si Time Keeper.

"Salamat Karlos. Naistorbo pa tuloy kita.", sabi ko.

He patted my head. Ginulu-gulo pa nya ang buhok ko sabay ngiti. Nang magtama ang aming mga mata ay bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Time Keeper.

Repercussions.

Dahil binabago ko ang mga pangyayari sa pagitan naming dalawa ni Karlos, naapektuhan pati si Calvin. Ano bang meron sa amin ni Calvin sa hinaharap?

"Okay ka lang?", tanong ni Karlos.

Bigla tuloy akong natauhan sa pagde-day dreaming ko.

Si Gia... Oo nga pala. Binago ko din ang hinaharap nya.

"Kasalanan ko 'to.", bulong ko.

Kasalanan ko kaya pati hinaharap nina Gia, Kuya Kristof at Phoebe ay naapektuhan. Ang mga nangyari sa party ay hindi naman itinakda. Nagulo ang lahat ng dahil sa akin.

Napakagat tuloy ako ng labi sabay yuko.

"Anong kasalanan?", tanong ni Karlos na narinig pala ang ibinulong ko. "Masama pa ba ang pakiramdam mo? Alam mo magpahinga ka muna dito at ako na ang bahala magpaliwanag kay Ma'am na di ka muna makakaattend ng sunod nating klase.", wika nya.

"S-Sige.", sabi ko. "S-Sya nga pala...", nag-dadalawang isip ako kung sasabihin ko ba. "Sorry. Yung sa party... Sorry basta na lang kami umalis."

Umiling lang sya. "Wala na yun. Sinabi na sakin ni Calvin na sumama daw ang pakiramdam ni Gia kaya nyo sya sinundan."

Mukhang nag-usap na pala sila ni Calvin.

"Pano? Balik na ko sa klase?", pagpapaalam nya.

Tumayo na si Karlos para umalis pero tinawag ko syang muli bago pa man sya makalabas ng pintuan.

"Karlos!", sigaw ko.

Lumingon sya sakin at bakas sa mukha nya ang pagtataka kung bakit.

Umiling na lang ako saka ko sya nginitian.

"Wala naman.", sabi ko. "Gusto ko lang magpasalamat."

Nginitian nya naman ako bilang tugon.

"Basta ikaw.", sabi nya. "Malakas ka sakin eh."

Ramdam ko ang sobrang bilis na tibok ng puso ko at ang pag-iinit ng aking mukha dahil sa mga tinuran nyang salita. Siguro'y mukha na akong kamatis sa pula kaya tumalikod na ako sa kanya at humiga sa kama. Narinig ko ang pagsara ng pintuan kaya sinilip ko ulit ito habang nakahawak sa aking dibdib.

"Alam kong medyo selfish pero gagawin ko ang lahat para maging masaya tayo. Pangako ko yan sayo Karlos.", bulong ko.

RevertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon