Maaga akong pumasok ngayon kaya naman naisipan ko munang tumambay sa rooftop. Dito ko huling nakita at nakausap si Time Keeper sa panaginip ko. Nagbabakasakali akong makita sya ngayon pero mukhang hindi nya ako pagbibigyan sa hiling ko.
"Haaay.", napabuntong hininga ako.
Naupo muna ako sa isang sulok habang hinihintay ang oras ng first class ko.
"After all these years
I still feel everything when you are near
And it was just a quick hello
And you had to go
And you probably will never know
You're still the one I'm after all these years.", kinakanta ko ngayon ang chorus ng All These Years ni Camila Cabello na hindi pa nare-release sa taong ito.2018 pa kasi sya irerelease at isa talaga sya sa mga naging paborito ko dahil na rin sa personal experiences ko about Karlos.
"Ganda talaga ng boses nya oh.", may bigla na lang nagsalita mula sa likuran.
Nagulat ako nang pagharap ko ay nakita ko si Karlos na nakatayo malapit sa may pintuan ng rooftop at papalapit sa akin.
"A-Anong ginagawa mo dito?", tanong ko.
"Wala naman. Naisip ko lang tumambay since maaga pa naman.", sagot nya sabay ngiti. "Ano yung kinakanta mo? Ganda ah. Composition mo?", tanong nya.
Paano ko sya sasagutin sa tanong nya? Hindi ko naman kanta yun saka 2018 pa irerelease ni Camila Cabello yun. Alangan naman agawin ko pa yung kanta ng may kanta. Baka pati future ni Camila Cabello na super idol ko ay magbago dahil sakin. Haaay!
"Ha? Hindi. Narinig ko lang sa radyo kanina.", pagdadahilan ko.
"Ganun? Anong title?", tanong ulit nya.
Medyo makulit sya kaya naman naisipan ko na lang na baguhin ang usapan.
"Ha? Ewan.", sabi ko. "Teka, bakit naman dito mo naisipang tumambay? Ang dami-daming pwede tambayan, dito ka pa pumunta.", wika ko.
Nag-shrug lang sya ng balikat nya.
"Secret.", sabi nya na may nakakalokong ngiti. "Sya nga pala, may bibigay ako sayo.", sabi nya.
"Ano naman?", tanong ko.
Binuksan nya ang bag nya at kinuha mula doon ang isang maliit na rectangular box. Kulay red ito at may cute gold ribbon sa ibabaw na may nakasabit na note.
"Ito.", sabi nya sabay kuha ng kamay ko.
Medyo napapitlag pa ako nang hawakan nya ang kamay ko. Tila ba may kung anong kuryente akong naramdaman kaya naman napangiti sya.
"May spark.", komento nya.
Hindi ko pinansin ang sinabi nya at sa halip ay nagfocus sa bagay na hawak ko.
"Ano to?", tanong ko.
"Regalo ko sayo.", sabi nya. "Pero mamaya mo na buksan. Nahihiya ako eh."
"Para saan?", tanong ko. "I mean, hindi ko naman birthday.", sabi ko habang nakatingin pa rin sa box na hawak ko.
"Kelangan ba may okasyon para magbigay ng regalo?", tanong nya.
Umiling ako.
"Hindi naman.", sabi ko. "Nagtataka lang ako."
Yumuko sya ng konti para ilapit ang mukha nya sa mukha ko. Halos 3-4 inches lang ata ang pagitan naming dalawa ngayon kaya naman nanlaki ang mga mata ko at ramdam ko ang sobrang bilis na pagtibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Revert
Teen FictionPaano kung binigyan ka ng second chance ni tadhana para itama ang mga pagkakamali mo sa nakaraan?