Chapter 12

156 12 0
                                    

"Tingin mo okay lang si Calvin?", tanong ko kay Karlos.

Kami kasi ang magkapartner sa experiment kaya sya ang kinakausap ko about Calvin. Mukha kasing hindi pwede si Gia dahil pakiramdam ko'y may tinatago din sya samin.

"Ha? Bakit mo naman naitanong?", sabi ni Karlos.

"Kasi matamlay sya kahapon.", sagot ko. "Tapos parang ang tahimik nya bigla. Nag-aalala lang ako.", sabi ko.

Nag-pout naman si Karlos tapos ibinaling ang tingin sa ginagawa nya.

"Huy! Ano namang arte yan?", biro ko sabay sundot sa tagiliran nya.

"Wala.", sabi nito sa tonong nagtatampo.

"Wala tapos ganyan ka?", sabi ko.

Kiniliti-kiliti ko sya hanggang sa mapangiti na sya.

"Ano? Bakit ka nagtatampo bigla?", tanong ko.

Tiningnan nya ko ng mata sa mata tapos inilapit nya ang mukha nya sa akin kaya napaiwas na lang ako ng tingin.

"Tingnan mo 'to.", sabi nya. "Ako yung kaharap pero nasa malayo ang tingin. Ibang pangalan pa ang bukambibig."

Nagseselos ba sya?

Grabe.

Pakiramdam ko sobrang pula ko na naman ngayon dahil sa kanya. Takteng galing kasi nito magpakilig eh. Yung puso ko nagwawala na naman dito sa dibdib ko.

"Ang cute mo noh?", bulong ko.

"Talaga.", sabi nya. "Kaya dapat sakin ka lang nakatingin."

Napangiti na lang ako sa sinabi nya.

"Baliw.", sabi ko.

"Sayo.", sabi naman nya. "Kaya sagutin mo na 'ko.", hirit pa nya. "Mamaya sa sobrang ka-cute-an ko, maagaw pa 'ko ng iba. Bahala ka."

"Ewan ko sayo.", sabi ko na medyo natatawa pa. "Mag-focus ka na nga dyan."

Bumalik na kami sa ginagawa namin though hindi pa rin maalis sa isip ko ang nakita ko kahapon.

Umiyak si Calvin. Siguradong-sigurado ako sa nakita ko. Ano kayang pinag-usapan nila ni Gia kahapon? Bilang magkakaibigan naman kami, naniniwala akong hindi sya dapat nagsisikreto sa amin. Ano bang malay nya, baka makatulong kami sa kanya di ba?

Natapos ang experiment namin at sabay-sabay ulit kaming apat na pumunta ng canteen para maglunch. Ayoko sanang ako ang mag-umpisa ng usapan pero nag-aalala na talaga ako sa mga ikinikilos nya kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.

"C-Calvin.", sabi ko.

Tumingin naman sya sakin na para bang tinatanong ako kung bakit.

"O-Okay ka lang ba?", nauutal kong sabi. "Medyo matamlay ka kasi kahapon pa. Masama ba ang pakiramdam mo? May problema ka ba? Pwede kang magsabi samin.", wika ko.

Nginitian nya lang ako.

"I'm good. Thanks.", sabi nya.

Hindi ako naniniwalang okay lang sya.

"Ahm...", sumingit bigla si Gia sa usapan. "Nauuhaw ako.", sabi nya. "Tara Calvin, bili tayong inumin.", pagyayaya nya.

"Sige.", sagot ni Calvin. "Kayo Karlos, Serenity, may ipapabili ba kayo?", tanong nya.

Umiling ako kasi may inumin na akong binili kanina.

"Coke na lang p're. Salamat.", sagot ni Karlos sabay abot ng bayad.

"Sige.", sabi naman ni Calvin.

Nang makaalis ang dalawa ay bigla namang nagsalita si Karlos habang kumakain ako.

"Bagay yung dalawang yun.", komento nya. "Saka compatible yung ugali.", dagdag pa nya. "Parang tayo."

"Hay naku! Heto na naman po sya.", sabi ko.

"Bakit? Totoo naman ah.", sabi nya.

"Na bagay sila?", tanong ko.

"Na bagay tayo.", nakangiti nyang sagot.

Napayuko na lang ako sa sinabi nya. Baliw talaga 'to. Pinoproblema ko nga yung problema ng kaibigan namin tapos nakuha pang isingit yung mga linyahan nya.

Matapos bumili ng dalawa ay bumalik na sila sa table namin. Patuloy lang kami sa kwentuhan at kahit papaano'y nakikitawa na rin sa amin si Calvin.

Maya-maya pa'y biglang nag-ring ang phone nya at nagbago ang expression ng mukha nya pagtingin nya sa screen.

"Excuse me guys.", sabi nya saka tumayo palayo sa table namin.

Napansin ko din ang pagbabago ng expression ni Gia nang sandaling tanggapin ni Calvin ang tawag.

Nang bumalik si Calvin sa table namin ay pansin ko na naman ang pamumugto ng mga mata nya.

"Sorry guys.", sabi nya. "Emergency. Kelangan ko na umuwi.", pagpapaalam nya.

"Ha? Anong nangyari?", tanong ko.

"Saka ko na lang ipapaliwanag.", sagot nya. "Pwede bang pakisabi na lang sa next teacher natin na umuwi na ko? Emergency lang talaga.", sabi nya.

"Ako na'ng bahala magpaliwanag.", sagot naman ni Gia.

"Salamat Gia.", sabi ni Calvin. "Sige guys. Una na ko.", wika nya at tuluyan na syang umalis.

RevertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon