Chapter 8

221 13 0
                                    

"Thank you sa pagpunta guys!", sabi ni Kuya Kristof sabay taas ng baso nya. "Cheers to our victory!"

"Cheers!", sabi ng lahat.

Itinaas ko din ang hawak kong baso though orange juice lang naman ang laman.

Nagsimula ang kasiyahan at kapansin-pansin ang masyadong pagdikit ni Phoebe kay Kuya Karlos na ikinaba-badtrip naman nitong si Gia.

"Huy! Maawa ka sa chicken.", biro ko sa kanya.

"Bakit ba ang init ng ulo mo?", tanong ni Calvin. "Sayang make-up mo kung nakabusangot ka naman dyan.", biro din nito. "Saka ikaw may gustong pumunta dito, nadamay pa ko.", nagwink naman ito sakin pagkasabi noon.

Napangiti na lang ako sa kanya. Maya-maya pa'y lumapit sa table namin si Karlos na kanina pa din nag-aasikaso ng mga bisita ng kapatid nya.

"Kumusta kayo dyan?", bati nya. "Sorry, medyo busy."

"Okay naman kami p're. Salamat.", sagot ni Calvin.

Nag-nod lang sa kanya si Karlos bilang tugon saka bumaling ng tingin sa akin.

"Ganda mo ngayon Baby Girl.", hirit nya.

"Baby Girl ka dyan.", pagsusungit ko.

Kitang-kita naman ang pag-ngisi nya dahil doon. Gustung-gusto nya talagang inaasar ako eh.

"Bakit parang na-murder yung manok sa plato mo Gia?", pagsita nito sa pagkain ni Gia.

Inirapan lang sya nito.

"Tanong mo sa Kuya mo.", pagsusungit nito.

"Ha?", nagtatakang tanong naman ni Karlos.

"Wala.", cold na sagot nito.

Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa usapan nilang dalawa. Hindi kasi alam ni Karlos na may gusto si Gia sa kapatid nya.

"Sungit naman nito. Kasasama mo kay Serenity yan eh.", sabi nito sabay tingin sakin. "Nahawa ka na sa pagiging masungit."

Napatawa naman si Calvin sa isang sulok.

"Sya nga pala, mamaya may sayawan na magaganap pagkatapos may i-aannounce si Kuya.", sabi nito.

"Ha? Ano daw?", tanong ko.

He just shrugged his shoulders.

"Baka yung papalit na Captain sa kanya. Hula ko lang naman since graduating na sya.", paliwanag nito.

I nodded. "Ahh... Okay.", sabi ko.

Matapos naming kumain ay nagsimula na ding magpatugtog ng music kaya isa-isa ng tumayo ang mga bisita para makisayaw.

Kaliwa't kanan ang sayawan at kantahan habang ang iba nama'y nakikipagkilala sa mga cheerleaders na bisita din ni Kuya Kristof.

"Hi.", bati ni Phoebe na lumapit sa pwesto namin. "Kayo yung friends ni Karlos?", tanong nya.

"Ahh... Oo, kami nga.", sagot ko.

"I'm Phoebe Real, by the way.", sabi nya sabay abot ng kamay para makipag-handshake. "Nagkita na tayo sa canteen dati, remember?"

I nodded.

"Hello Phoebe. Ako si Serenity Cortez at ito naman ang mga kaibigan ko, sina Gia De Leon at Calvin Fileo.", wika ko.

"Hi Gia. Hi Calvin.", bati nya sa mga ito.

Tinanguan lang sya ni Gia at nag-hello naman sa kanya si Calvin.

Hindi ko na ipinakilala si Karlos since magkakilala na naman sila.

Nang magbago ang music ay biglang nagbago ang expression sa mukha ni Phoebe. Parang may kung anong spark sa mga mata nito at saka nagpaalam sa grupo namin.

"Oh. Ito na yung hudyat. I need to go guys. Nice meeting you all.", sabi pa nito.

Hudyat? Para saan naman?

Nakita kong lumapit sya sa harap ng mini-stage kung saan umakyat si Kuya Kristof at kumuha ng microphone. Noon ko naintindihan na baka i-aannounce na ni Kuya Kristof ang papalit sa kanya bilang captain tulad ng sinabi ni Karlos kanina.

"Good evening ladies and gentlemen.", panimula nito. "Tonight is a very special night. Siguro'y alam na ng iba sa inyo lalo na ng mga teammates ko...", pinutol nya ang pagsasalita dahil nagsigawan ang mga tao. "Malapit na kaming gumraduate at napag-usapan na namin ni Coach kung sino ang papalit sa akin.", sabi nito. "To my teammate and one of our school's best basketball player, Tristan Roman, congratulations!", excited na sabi nito.

"Woooooaaaaahhhh!!!", sigawan ng mga teammates nya at ilang mga bisita.

Palakpakan naman kaming lahat para sa bagong team captain nila.

"Isang bagay pa.", nag-pause sya saglit bago magsalita. "May isang bagay pa akong gustong i-announce.", dagdag ni Kuya Kristof.

"Ano kaya yun?", bulong ni Gia sa akin.

"Ewan. Makinig na lang tayo.", bulong ko din sa kanya.

Nakita kong sinenyasan nya si Phoebe at umakyat naman ng mini-stage ang dalaga. Inabot ni Kuya Kristof ang kamay nito at saka hinawakan sya sa bewang.

Ano 'to? Anong nangyayari?

"Ladies and gentlemen, meet my girlfriend, Phoebe Real.", nakangiting sabi nito. "Sinagot na rin nya ako sa wakas.", bulalas nito.

Napasinghap si Gia sa narinig na kita kong nagtakip pa ng kamay sa bibig.

"What?", narinig kong bulong nya.

Patakbong lumabas ng venue si Gia matapos marinig ang announcement ni Kuya Kristof. Sinundan ko sya kasama si Karlos na basta ko na lang hinila sa kamay.

"Ano bang nangyayari? Bakit umalis si Gia? Saka bakit mo 'ko hinihila palabas?", sunud-sunod na tanong ng kasama kong lalaki.

Teka? Karlos? Bakit parang nag-iba ang boses nya? Bumitaw ako sa kamay nya at saka ko sya nilingon.

"C-Calvin?!", gulat na gulat kong sabi.

Shit. Mali yung kamay na nahila ko. Kung ganun, naiwan si Karlos sa loob? At ang malala, nakita nya rin kung paanong hinawakan ko ang kamay ni Calvin patakbong palayo sa kanya.

"Shit.", bulong ko.

RevertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon