Chapter 6

306 15 0
                                    

1 week after namin magkita ni Calvin, ipinakilala sya samin ng adviser namin bilang bago naming kaklase.

"Class, this is Calvin Fileo, your new classmate.", sabi ni Ms. Athena Pascua. "Calvin, may tatlo tayong vacant seats, pili ka na lang kung saan mo gustong umupo.", dagdag pa nito.

Nilinga-linga ni Calvin ang mga upuan nang biglang magtama ang aming mga mata. Nakita ko muna syang ngumiti saka ulit bumaling ng tingin kay Ms. Pascua.

"Sa tabi na lang po ni Serenity.", excited nitong sabi na ikinagulat naman ni Ms. Pascua.

Narinig ko ding nagbulungan ang mga kaklase ko samantalang hindi naman maipinta ang mukha ni Karlos na tila ba napepreskuhan na agad kay Calvin sa unang pagkikita pa lang.

"Oh, so you know Serenity huh?", tanong ni Ms. Pascua.

He just smiled as an answer.

Kinalabit naman ako ni Gia saka bumulong.

"Bakit kayo magkakilala? Ikaw ha.", pang-aasar nito.

"Ahh... M-Magkakilala kasi ang parents namin.", nauutal kong sagot. "Kakakilala ko lang din sa kanya last week.", paliwanag ko kahit pa ang totoo'y matagal ko na syang kilala, sa ibang panahon nga lang.

"Ahh... Ganun ba?", sabi ni Gia.

I just nodded as a response. Natahimik na kami pareho nang lumapit at umupo si Calvin sa tabi ko.

"Hi Serenity!", masiglang bati nito.

I just smiled at him then focus at the board. Bigla namang sumilip sa kanya si Gia kaya napagitnaan ako ng dalawang nag-uusap.

"Hi Calvin. Ako nga pala si Gia De Leon, bestfriend ni Serenity.", sabi nito sabay abot ng kamay.

Tinanggap naman ito ni Calvin. "Hello.", sabi nito.

Matapos ang mahabang lecture ay nagkaroon din kami ng vacant nang may dumating na officer ng Student Council sa room namin at sabihing naka-emergency leave ang sunod naming teacher. Manganganak na daw kasi ang asawa nito.Iniwanan lang kami nito ng gawain at pwede na kami mag-recess pagkatapos.

Sa kadahilanang wala kaming klase at umalis na din ang nagbabantay sa amin ay kanya-kanyang lipat ang mga kaklase ko ng upuan para makipag-daldalan.

"Bro, palit tayong upuan.", narinig kong sabi ni Karlos sa kaklase kong nasa unahan ko.

Agad naman itong tumalima dahil kabarkada din nya ang katabi ni Karlos at gusto din nito makipag-daldalan doon.

"P're, Karlos nga pala.", cold na sabi nito kay Calvin at di man lang nakipag-shakehands.

"Calvin.", sagot naman ng isa.

Di ko maipaliwanag pero tila ba may tensyong namamagitan sa dalawa kahit ngayon pa lang sila nagkita.

"Serenity, may baon ka bang pagkain ngayon? Gusto mo sabay tayong pumunta ng canteen mamaya?", tanong ni Karlos.

"Ehem.", pag-kukunwaring ubo ni Gia.

"Sama ka?", tanong ni Karlos na para bang napilitan lang mag-invite.

Anong problema nito? Nagseselos ba sya kay Calvin? Kanina pa kasi masama ang mood nya since pinili nitong isa na umupo sa tabi ko.

Aware ako na may gusto sya sakin since umamin na sya dati nung bago pa man mangyari ang pagbalik ko sa past pero sa reaction nya ngayon, parang pati sya ay nagkaroon din ng konting pagbabago.

"Hindi na. Baka makaistorbo pa ko.", sagot ni Gia.

Medyo nahiya naman ako sa sinabi nitong kaibigan ko.

"Gia!", bulong ko.

Hindi ko alam kung pansin sa boses ko pero medyo kinikilig kasi ako sa reaction ni Karlos ngayon. Ewan ko ba. Ang cute nya kasing magselos. Haha. Bigla tuloy akong may naisip.

"Calvin, sama ka?", tanong ko kay Calvin na medyo nabigla din sa ginawa ko.

Hindi siguro nya inaasahan na yayayain ko sya dahil kanina ko pa sya hindi pinapansin.

"Okay lang?", tanong nya kay Karlos.

Tumango lang ang isa bilang tugon.

"Teka!", pag-singit ni Gia sa usapan. "Ang lagay ay ako lang ang maiiwan? Sasama na lang din ako.", sabi niya.

Napakamot naman ng ulo si Karlos pero ngumiti na lang ito nang mapansing nakatingin ako sa kanya.

Sa canteen ay magkatabi kami ni Gia samantalang nasa tapat naman namin ang dalawang lalaki.

"So, kwento ka naman Calvin. Bakit ka lumipat dito sa school namin?", tanong ni Gia.

Uminom muna si Calvin ng juice bago sumagot.

"Nagkasakit kasi yung Lola ko tapos may trabaho naman yung parents ko kaya di sila palaging nakakauwi. Ako lang at saka isang kasambahay namin yung pwede mag-alaga kay Lola.", sagot nito.

"Ahh... Ganun ba?", sabi ni Gia. "Ang bait mo naman palang apo.", dagdag pa nito.

"Hindi naman masyado.", humble na sabi ni Calvin. "Salamat."

Habang nag-uusap sila ay patuloy lang ako sa pagkain nang bigla akong may malasahang kakaiba.

"Ang anghang!", sabi ko at walang humpay sa pag-ubo.

Nakakain ata ako ng sili at dahil sa sobrang anghang ay inubo na ako at sobrang naluluha na din. Naubos ko na yung inumin ko kanina at bibili sana pagkatapos kumain pero di ko inaasahang mangyayari 'to sakin.

Hinagud-hagod ni Gia ang likod ko samantalang nagmamadali namang tumayo ang dalawang lalaki para bumili ng maiinom.

"Serenity!", sabay nilang sabi matapos bumalik at sabay na i-abot sakin ang dala nilang inumin.

Medyo nagtagal pa ako dahil hindi ko alam kung kanino ang kukunin ko sa dalawa.

"Ano ba yan?!", nag-papanic na sabi ni Gia. "Akin na nga yan.", sabi nito sabay kuha sa hawak na inumin ni Calvin na mas malapit ang posisyon sa kinauupuan nya.

Ipinainom nya ito sa akin at bagamat nag-aalala ay napansin kong medyo sumimangot si Karlos dahil sa ginawa ni Gia. Naubos ko ang inumin at nawala na ang anghang sa aking bibig pero medyo naguilty ako dahil sa reaction ni Karlos.

"Maanghang pa din Gia.", sabi ko sabay baling ng tingin kay Karlos. "Okay lang ba sakin na lang yang hawak mo?", sabi ko sabay turo sa juice na hawak nya.

"Ha?", medyo nabigla ata sya sa narinig. "O-Oo naman. Walang problema.", sagot nito sabay abot ng inumin sakin. Napansin kong medyo namula pa ang pisngi nya na sobra namang nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Thank you.", sabi ko sabay ngiti.

"W-Walang anuman.", nauutal nyang sabi. "Basta ikaw."

Haaay Karlos! Bakit ba kasi ang cute mo? Lagot ang pantog ko nito sa dami ng nainom ko ngayon. Tiyak pabalik-balik akong CR mamaya. Hay naku!

RevertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon