Some day, when I'm awfully low,
When the world is cold,
I will feel a glow just thinking of you
And the way you look tonight.Napakagwapo ni Karlos sa suot nyang tuxedo habang nakatayo sa harap ng altar. Hindi ko maiwasang mapangiti habang tinititigan sya.
You're lovely, with your smile so warm
And your cheeks so soft,
There is nothing for me but to love you,
And the way you look tonight.Naglalakad ako palapit sa kanya at ramdam ko ang sobrang lakas na pagtibok ng puso ko. Hawak ko ang isang boquet ng puting bulaklak at suot ang napakagandang puting gown at heels.
With each word your tenderness grows,
Tearing my fears apart
And that laugh that wrinkles your nose,
It touches my foolish heart.Nginitian nya ako at tumango naman ako sa kanya bago tuluyang nagtungo sa pwesto ko.
Yes you're lovely, never, ever change
Keep that breathless charm.
Won't you please arrange it?
'Cause I love you
Just the way you look tonight.Kasal nya ngayon... sa iba. Abay ako sa kasal ng lalaking minsan kong minahal.
With each word your tenderness grows,
Tearing my fears apart
And that laugh that wrinkles your nose,
It touches my foolish heart.Nakamove-on na ako sa nakaraan namin at masaya akong magkaibigan pa rin kami sa kabila ng lahat ng nangyari.
Oh, lovely, don't you ever change
Keep that breathless charm.
Won't you please arrange it?
'Cause I love you
Just the way you look tonight.
Tonight.Umupo na ako sa pwesto ko kung saan naman naghihintay ang lalaking parte ng kasalukuyan ko, si Calvin. Hinawakan nya ang kamay ko habang magkatabi kaming nakaupo at nakikinig sa seremonya.
"Hindi na 'ko makapaghintay na iharap ka sa altar.", bulong nya. "Mahal na mahal kita Serenity."
Matapos ang isang taong panliligaw ay sinagot ko na din si Calvin. Tatlong taon na kaming magkasintahan at nagpropose na din sya sa akin last month.
"Mahal na mahal din kita Calvin.", sambit ko at saka ngumiti sa kanya.
February next year namin binabalak magpakasal. Pinaplano pa namin ang lahat at hindi na talaga ako makapaghintay.
Mahigit isang oras din ang itinagal ng seremonya ng kasal nina Karlos. Matapos iyon ay nilapitan muna nya kami bago sila pumunta ng reception.
"Mabuti at nakarating kayo.", sabi nito. "Salamat Serenity."
Nginitian ko naman sya.
"Walang anuman. Salamat din sa pag-imbita Karlos.", sabi ko. "Si Calvin nga pala, fianćee ko.", pagpapakilala ko sa dalawa.
Matapos magkamayan ng dalawa ay lumabas na si Karlos ng simbahan kasama ang asawa nya.
Nakangiti lang akong nakatitig sa kanila hanggang sa makaalis na si Karlos. Lumingon ako sa altar at nagpasalamat sa Panginoon bago ko hinawakan ang kamay ni Calvin.
"Halika na?", sabi ko.
Tumango naman ito.
"Sige.", sagot nya.
— THE END —
BINABASA MO ANG
Revert
Teen FictionPaano kung binigyan ka ng second chance ni tadhana para itama ang mga pagkakamali mo sa nakaraan?