Chapter 19

114 8 0
                                    

First day of December, 2008.

Ngayon na kami magbubunutan ng para sa Christmas party namin. Hindi ko na maalala kung sino ang nabunot ko dati o kung sino man ang nakabunot sakin. Basta ang alam ko, napakahalagang okasyon ng Christmas party namin para sa aming dalawa ni Karlos.

Naaalala ko pa ang mga sandaling iyon. Ang araw kung kelan tinanong nya ako kung pwede bang maging kami. Hindi ko sya sinagot noon dahil naunahan ako ng takot, isang bagay na lubos kong pinagsisihan sa paglipas ng panahon.

"Hindi na mangyayari yun.", bulong ko.

"Ang alin?", nagulat ako nang may biglang magsalita  sa likod ko.

"K-Karlos?", sambit ko habang nakatitig sa kanya.

"O, bakit parang nakakita ka ng gwapong multo?", tanong nya.

"Hala, gwapo daw.", sabi ko.

Tawang-tawa naman sya.

"So ano nga yung hindi mangyayari?", tanong nga ulit na ang tinutukoy ay yung narinig nya kanina.

"W-Wala.", nauutal kong sabi. "Ano palang ginagawa mo dito sa tabi ko? May sarili ka namang upuan ah. Palipat-lipat ka. Pag ikaw napagalitan, bahala ka.", pagsuway ko sa kanya na sa kasalukuyan ay nasa puwesto ni Gia.

"Okay lang yan. Wala pa namang masyadong tao saka hindi pa naman dumadating sina Ma'am at Gia. Dito muna ako.", ngiting-ngiti pa sya habang sinasabi yun.

Napailing na lang ako.

"Pasaway.", bulong ko.

Binuksan ko ang bag ko para kumuha ng libro at magbasa nang bigla nyang hawakan ang keychain nito.

"Ganda nito ah.", sabi nya. "Earphones splitter?", tanong nya.

I nodded.

"Bigay ni Faith.", sabi ko.

"Nice.", sabi nya. "Natry mo na?", tanong nya.

"Hindi pa. Hiniram ni Faith yung SD card ko eh. Gusto daw nya yung mga music ko so nakiki-copy sya. Walang kanta sa phone ko ngayon.", sabi ko.

"Talaga?", halatang nanghihinayang sya. "Gusto mo itry sa phone ko?", tanong nya. "May dala akong earphones. Ikaw ba?"

"Meron din.", sabi ko. "Okay lang ba?", tanong ko.

"Oo naman. Ikaw pa, malakas ka sakin.", sagot nya.

Napangiti naman ako habang tinatanggal sa zipper ng bag ko yung splitter.

Ikinabit namin ito sa phone nya at saka inilagay ang aming mga earphones.

"Baka hindi mo magustuhan yung music ko ah. Makalumang style hilig ko eh.", sabi nya.

Umiling naman ako.

"It's fine. Mahilig din ako sa mga ganung music.", sabi ko. "Okay lang bang ako yung pumili?", tanong ko.

Hindi sya sumagot at sa halip ay ibinigay sa akin ang phone nya.

Patuloy ako sa pag-scroll hanggang sa mapatigil ako sa isang pamilyar na kanta. Pinindot ko ito at saka nakinig. Paminsan-minsa'y nakikisabay ako sa lyrics nito hanggang sa makarating sa chorus.

"Now my life is blessed with the love of an angel, somebody to keep the dream alive. I always thought that love would be the strangest thing to me but when we touch, I realize...", sinasabayan ko ang chorus nito nang biglang kumanta rin si Karlos habang nakatingin sa akin.

"That I found my place in heaven by your side.", titig na titig sya sa mga mata ko habang binabanggit ang mga katagang iyon. "Paborito kong kanta yang pinili mo.", sabi nya sabay ngiti.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko nang mga sandaling iyon. Pakiramdam ko'y halos lumabas na ito sa dibdib ko habang nakatingin ako sa mga mata nya.

"T-Talaga?", yun na lang ang nasabi ko habang medyo nauutal pa.

He nodded then patted my head. Ginulo-gulo pa nya ng konti ang buhok ko nang biglang mapatingin sya sa bintana.

Lumingon ako para makita kung anong nakapukaw ng atensyon nya at saka ko napansin na sabay na pumasok sa pintuan namin sina Calvin at Gia.

"Ehem. Ano yan ha? Ang aga namang  manligaw ng Karlos namin.", biro ni Gia kay Karlos sabay kurot sa tagiliran nito. "Anong pinapakinggan nyo?", tanong nito sabay kuha ng isang earphone sa tenga ko. Bale share kami sa isa tapos solo naman ni Karlos yung kanya since naka-splitter kami.

"Heaven by your side.", sagot ko.

"Ah, yung sa A1?", tanong nya saka sumabay sa pagkanta.

Nang matapos ang kanta ay tila nangalay na sya sa posisyon namin since si Karlos ang nakaupo sa posisyon nya at nasa unahan ko naman sya habang nakayuko. Tiningnan nya si Karlos habang nangungusap ang mga mata.

"O bakit?", tanong ni Karlos.

"Layas.", sabi ni Gia. "Nangangalay na ko. Mamaya na ulit ang ligawan.", biro nito.

Napakamot naman ng ulo si Karlos bago tumayo at bumalik sa upuan nya.

Nang makaalis si Karlos ay biglang may isinilid na maliit na papel si Calvin sa ilalim ng notebook ko.

"Ako din.", bulong ko habang binabasa ang nakasulat sa papel. Napatingin ako kay Calvin na wari'y nagtatanong. Anong "Ako din."?

Saka nya iniabot sakin ang isa pang maliit na papel.

"I also found my place in heaven by your side Serenity."

RevertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon