Story Entry ni Author Terry of TreeIdyots
Unang araw ko ngayon sa WRITCHMOND UNIVERSITY. School of elites. Tanging MAGAGANDA, GWAPO, MAYAMAN, SIKAT AT MATATALINO lang ang nakakapasok sa university na yun. Buti nalang at pinagpala ako sa katalinuhan. Aba! Valedictorian ang ateng niyo kaso hindi ako ang nagbigay ng Valedictorian Address dahil nga daw kesyo ngongo ako, bingot ako at di ako kayang intindihin ng mga tao. Okay lang hakot award naman, AYABET! Unang araw ko to kaya AJAH!
Pagpasok na pagpasok ko tumambad sakin ang expensive at fined structure ng building ng school. Mala- hotel ang style dahil my lobby pa at nagkalat ang mga branded students yung mga anak ng mga politician,businessman at marami pang iba. Pumunta ako sa cafeteria, Aba my buffet at tanging masasarap,sosyal at nakakalokang pangalan ng mga pagkain. Pakiramdam ko babaliktad na yung dila ko sa kakabasa. Grabe solid na solid ang scholarship ko! FREE EDUCATION, FREE FOODS! Kumuha nako ng mga pagkain shimpri di ko to palalampasin dinamihan ko na. Lahat ata kinuha ko na mula sa first dish hanggang sa appetizer to desserts. Naupo na ako sa isang table. Nagtaka ako bakit tumatawa at pinag-uusapan ako nung mga tao sa Cafeteria. Nakalimutan ko, BINGOT pala ako, masyado akong na carried away, pero keri lang AYABET! I continued eating, hanggang sa may babaeng bumungad mula sa likod ko na akala kong mambubully. Yun pala naghahanap lang rin siya ng makakasama, umupo siya sa harap ko.
Ruby:
Hi! I’m Ruby Woodfire. Scholar ka din noh?!
Thalia:
Bakit sobrang obvious ba?
Ruby:
Haha Hindi naman. It’s just that I know a Scholar when I see one. Dahil isa rin akong scholar. Do you knew about the whereabouts of this University? Alam mo bang may alzhaimer disease ang may ari ng Writchmond University kaya tinern over niya ang pagpapalakad sa University na ito sa anak niyang babae.
(KRiing)
Simula na ng klase. Swerte ko parehas kami ni Ruby ng room atleast may kakilala nako, ang hirap kaya maging loner. Eto na naman first day of school. Te-trending na naman ang salitang I’m (insert name) at marami pang introduction. A few has already introduce themselves and it is now my time to shine. I proudly stood up and went infront. Nainis ako marami kasi ang nagtawanan pero GO! lang ako. Bago ako magsalita nag Chin Up muna ako then Chest Out and Stomach In with matching professional posture.
Thalia:
Mananimus dai toolofyu! I’m Halya Halhota Hendoza Himahiba (Magnanimous day to all of you! I’m Thalia Carlota Mendoza Dimagiba) habang nagsasalita ako gumagalaw ang balikat ko, to the left, to the right. Bawat syllables may katumbas na movement ng balikat. Tapos mala- Tiger look ang tingin ko sa lahat. Tinodo ko na ang pagpapakilala ko ilang buwan ko ring pinaghandaan ito .
Few hours had passed by, uwian na! Sabay kaming lumabas ni Ruby. Pumunta ako sa Parking Lot kasi sabi ni Daddy susunduin niya daw ako. Napalunok ako sa mga nakita ko parang mas bet ko na lang na mag commute. Walangya naman kasi ang mga sasakyan dito, mga BMW, FERRARI at napagkamalan ko pang may burol na nagaganap sa likod ko, Limousine lang pala.
Ruby:
Where’s your ride ? and What’s your car anyway?
Thalia:
Ah andyan lang sa tabi-tabi BMW. (sa isip isip ko BMW as in Bisikletang Manipis ang Wheels..Haha)
Ruby:
Well, mauna nako Thalia sa dorm, aayusin ko pa yung mga gamit ko. Kita kits na lang tomorrow.
Pinauna ko na muna siya na makalayo bago pumunta sa pedicab ni tatay.
Paalis na sana kami ni tatay ng biglang may bumungad na Alien Specie! It was a 2014 Lamborghini Aventador that is a 2-door, 2-seat Coupe, available in 4 trims, ranging from the LP700-4 Regular Cab to the LP720-4 50th Anniversario Roadster. The $548,800 LP720-4 50th Anniversario Roadster is equipped with a standard 6.5L, 12-cylinder, engine that achieves 11-mpg in the city and 17-mpg on the highway. an Automatic transmission is standard. Mukhang adik lang sa kotse ang tokwa. Nakakalaway. Nakakahiyang matabihan ng BMW namin. Maya-maya pinagmasdan ko kung sino ang nasa loob nito. NUKUNUNG!!!!!!! MY LOVE FROM THE STAR. SI MATEO DO BUMABA SA LUPA!!!!!! Side view niya palang ulam na.
Biglang nagsigawan at naghampasan ang mga laman ko sa tiyan. Nagwawala na ang puso ko sa lakas ng tibok na halos marinig ko ang TSUG TSUG nito. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko at halos manginig ang bingot ko. Gusto kong maglupasay. Biglang nanghina at nangatog ang mga paa ko. Bababa na sana ako ng Pedicab ng biglang sinumulan ni tatay pumadyak sa pedicab. ACABELEBET!!! tatay naman!!!!
BINABASA MO ANG
Rise Of The Bingot
Teen FictionLahat ng nilalang sa mundong aking kinagagalawan ay binigyan ng angking KAGANDAHAN, Sabi nila wala daw PANGET, kaya siguro naman kahit BINGOT may KARAPATANG MAGMAGANDA! HASHTAG NGONGO na BINGOT PA. San ka pa? Eepal pa ba? Kung sa Fairy Tale, THE B...