Entry of author Witty from treeIdyots ^_^
Record:
June 4, Still Hinhing of Eyen Speshi(Still thinking of Alien Specie)
All day search kay ALIEN SPECIE made my body collapse. Hoo! kamuntik nakok kanina sa C.R. ng boys PWEW!
Grabe ang daming lahi ng mga pogi sa W.U. Mga pugad naman ata ng kagwapuhan ang napasukan kong paaralan nanliit tuloy ako sa sarili ko. Parang di ako bagay sa lugar na yun. Ako lang ang natatangi at nag-iisang may kakulangan. (Retarded Lang! (O.o))
Natatawa parin ako sa dalawang nabiktima ko kanina. Lalo na yung dumungaw paibaba, may marka ng sapatos ko ang mukha. Naku patay yan pag mag-krus ang landas namin bukas. Laughtrip din yung halos mahambalos sa pader sa gulat. Ganun nalang ba talaga ang mukha ko? Sobrang nakakatakot nalang ba talaga at kailangang mahambalos sa gulat?
Umupo ako sa kama at humiga. I stared at the ceiling of my room thinking of how mess I did the whole day. Ngayon lang ako naging ganito, grabe ang lakas ng hatak sakin ng Alien Specie na yun. Side view lang ang naaalala ko sa kanya. The more I think of him makes me want him more. Sana makita ko siya. Sana kahit hanggang makita ko lang okay nako. Alam ko namang hindi niya mapapansin ang isang katulad ko maliban lang kung magtaka bat nakapasok ang isang bingot sa Writchmond University.
Biglang sumakit ang dibdib ko, OUCH, mahirap talagang maging katulad ko. Parang imposibleng may magkagusto at ibigin ako. Yung titignan at kikilalanin ako hindi sa itsura kundi sa ugali. Nakakainggit yung mga taong walang kulang. Swerte na nga ang mga panget kasi walang kukutsyain sa kanila kundi itsura lang. Kung kaya nabuhay akong normal na tao katulad nila, may magmamahal din kaya sakin? Mapapansin kaya nila ang tunay na ako at hindi lang ang bingot na nakikita nila sa bibig ko? Hay, bumababa na naman ang self esteem ko, kailangan maging strong ako. I have to look forward with hope and not backwards with regret. What do you think should I do? I have to expect the worst but hope for the best. That's life. Hindi ako mabubuhay at magiging masaya sa mundong ibabaw kung ibababa ko lang ang sarili ko. I know that God has given me this trials not to drag me downb because I know that Hardships often prepare ordinary people fo an extraordinary destiny. Ajah Otay! Aja! Imba extraordinary? Alien lang ang hunghang? Alien? Si Alien Specie? Extraordinary destiny? Booom! keri boom boom paw na ituuuu! Libre lang mangarap kaya isasagad ko na!!!!
Tumayo ako at pumwesto sa may bintana. Tumigin ako sa langit at pinagmasdan ang mga butuin. Ang sarap humiling, maya-maya ay napatitig ako sa liwanag ng buwan. I just realize that stars are like of things that you want to get and the moon exemplates what you deserve, you should not focus for things that you just wanted to get because one day you might loose the moon while counting the stars. Chaka wala naman akong pinagdadaanan, kung makahugot wagas.
Bumalik nalang ako sa pagkakahiga at sinubukang matulog pero takte lang. Anak ng TOKWA! naalala ko na naman si Alien Specie. I just can hardly forget his features. Napakatangos ng ilong niya and I can see his lips are thin and rosy glowing. Napakaganda ng pagkapungay ng mga mata niya. Golden brown ang kulay, kala mo kung naka contact lens. His cheeks are like of girls. Napakinis and his jaw line are firmly molded. Buti nalang at binaba niya ang bintana ng kotse na, kung hindi, wala kong pagpapantasyahan ngayon. I can see his biceps dahil nakahawak siya sa manubela ng kotse niya. Grabe nakaka....nakaka-nganga. Para siyang anghel na bumaba galing sa langit. Sana makita ko ulit siya at kahit di niya ko mapansin okay lang dahil alam ko namang kahit sa bangungot hindi mangyayari yun. Sana, sana makita ko ulit si ALIEN SPECIE.
end of record....
BINABASA MO ANG
Rise Of The Bingot
Teen FictionLahat ng nilalang sa mundong aking kinagagalawan ay binigyan ng angking KAGANDAHAN, Sabi nila wala daw PANGET, kaya siguro naman kahit BINGOT may KARAPATANG MAGMAGANDA! HASHTAG NGONGO na BINGOT PA. San ka pa? Eepal pa ba? Kung sa Fairy Tale, THE B...