Chapter 5 - First Meet Up Ni Bingot With The Alien Specie

85 2 0
                                    

Entry of author Witty from treeIdyots ^_^

Ayabet!!!! Nakaimpake na lahat ng gamit ko papuntang Writchmond University. Sa wakas makakatungtong narin ang mga paa ko sa palapag ng Writchmond Univesity. Humarap ako sa may salamin at pinagmasdan ang aking nakabibighaning kagandahan. Tinakpan ko ang bingot sa bibig ko at pinagmasdan ang mukha ko, Sayang, maganda nga talaga ako, bingot lang. Kesa ubusin ang oras ko sa panghihinayang ay binuhat ko nalang ang mga gamit ko at lumabas ng kwarto. 

Huminga ako ng malalim at muling pinagmasdan ang kwarto ko. Matagal-tagal din bago ako makakabalik ng bahay. Nagmuni-muni ako at pagkatapos ay sinarado ko. Bumaba ako ng bahay at dumeretsyo sa hapagkainan. Uupo na sana ako ng mapansin ko si mama na tumutulo ang laway.....este luha. Lumapit ako sa kanya at kinausap siya.

Thalia/Otay: mama! ano na naman bang ka-artehan yan? Bagsak na naman ba si bunso kaya mo iniiyakan?

(pabirong sambit ko kay mama pero mukhang di umepekto kaya naupo nalang ako. Maya-maya ay nagsalita siya.)

Mama:

Pano naman kasi, aalis na ang Otay namin sa bahay. Wala ng manglalambing samin lalo na't ang hirap kausapin si bunso. Otay anak, nag-aalala lang ako sayo dahil malalayo ka samin. Walang kang malalapitan agad agad pag may nanakit sayo. Ganunpaman, alam kong hindi kita mapipigilan dahil kailangan mong mag-aral. Magpakatatag ka sa bawat araw. Madaming pagsubok ang mag-aabang sayo at madaming tao ang huhusga sa pagkatao mo. (naiiyak na sabi ni mama)

Di ko namalayang nangilid na pala ang mga luha ko sa mata. Alam kong pinapaalalahanan lang ako ni mama dahil alam niya kung anong hirap ang mapunta sa sitwasyon ko. Lumapit ako sa kanya at hinalikan sa noo.

Mama, yakang-yaka ko yan. Sa tinagal-tagal kong nabuhay sa mundo; sa tingin mo ba di pa ko imune sa panghuhusga ng mga tao? Kaya ko po ito.

Niyakap ko si mama para di niya makita ang pagtulo ng luha ko. Mahirap maging ako, mahirap ang maging tulad ko pero wala akong choice. Kailangan kong harapin ang mga bagay na gustong magpatumba sakin. Malakas ang loob ko at hindi ako papatinag kahit na anong mangyari. Proud bingot here! Aja!

Pagkatapos ng drama at almusal ay sumakay nako sa pedicab ni tatay. Nilingon ko ang bahay habang papalayo ako ng papalayo sa pagpadyak ni tatay. I just realize that now is the time for me to be independent.

Sa wakas! Writchmond University na. Ipapasok pa sana ni tatay ang pedicab kaso ayaw ni manong guard kaya napilitan akong bumaba at hinatak lahat ng gamit. Nagsimula nakong magbuhat papasok sa gate ng biglang niyakap ako ni tatay.

Tatay

Anak, mag-iingat ka.

Ngumiti ako kay tatay. Alam kong konti lang kung magsalita siya but he always mean what he wants to say. Tatay then kissed me in the forehead and bid goodbye.

Eto na to, eto na to....

Dala-dala ko ang isang malaking maleta na regalo ng  kapitan namin nung Graduation ko. Hay, naalala ko tuloy si Kapt. kung bakit ba naman kasi nadisgrasya. Eh di sana may dagdag pa maleta ko. Imba!

Nakaback-pack ako at hila-hila ko ngayon ang malaking maleta. Ang init naman!!! Uso kasi magtanim ng puno Paking Teyp na buhay oh!!!

After 987654321234567890987654321 seconds nakarating narin ako sa tapat ng dorm.

Napanganga ako sa laki. Dalawang Building na magkasingtulad at magkahiwalay. Writchmond Dormitory -Ladies' Camp at Writchmond Dormitory-Men's Camp naman sa kaliwa. Pinagmasdan ko muna ang itsura ng labas. Napatunganga ako kahit na malakas ang sinag ng araw.

Nahimasmasan nalang ako sa pagkabighani at pagkagulat ng mapansin ko ang stair way to heaven!!! PAKING TEYP!!! ang haba ng hagdan?!! Kinapa ko ang holder ng maleta ko at hinila. Pakness!!! ACABELEBET!!! HANG BIGAAAAT!!!!

Hinila ko pataas ang maleta ko at dahil sa sobrang bigat nakaisip ako ng SMART BOOMBASTIK IDEA! binuksan ko ang maleta at nagbawas ng kaunting gamit. Nilapag ko sa baba at bumalik ulit sa paghila. Hindi ko napansin na hindi ko pala ito naisara. At dahil nakatalikod ako sa maleta ay di ko na napansin pa na sa bawat hakbang ko sa hagdan ay pagaan ng pagaan ang binubuhat kong maleta. Natuwa naman ako dahil akala ko gumaan dahil lumakas ako. Tuloy-tuloy parin ako sa pag-akyat. Tatlong hakbang nalang at hayahay na ang buhay. Pagkaakyat ko, nilingon ko ang maleta. Tumambad sakin ang mga nagkalat na damit, short, palda, napkin, panty at bra na nakakalat sa bawat baitang ng hagdan. PAKING TEYP!!!

Nataranta ako at bababa na sana ng may kumalabit sa likod ko napaharap ako. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa sikat ng araw kaya humakbang ako palikod para makita ang mukha niya. Isang hakbang pa...at isa pa... hanggang sa ...... WaaaaAaAAaaaaaaaaaaa! na -out of balance ako at napaupo sa maleta. Tatayo na sana ako ng biglang nag-slide ang maleta pababa ng hagdan. WaaaAaaaaAaAaaaaa! Boooogsh!!!

napahiga ako sa semento at dali-daling bumangon dahil naalala kong may tao sa taas ng hagdan. Unti-unti kong nilingon ang nasa taas ng hagdan. Sh*t lalaki...... Tinitigan ko siya ng konti. Malakas parin ang sinag ng araw. Tinitigan ko pa siya at napansin kong nakatingin siya sakin. Di ako makaimik. Takte ang POGIiii!!! Maya-maya ay gumilid siya at nagsimula ng maglakad papalayo. Side view....yung side view niya parang kilala ko....namumukaan ko.... yung side view na yun. Napaisip ako.... PAKING LAYF!!!!!!! si ALIEN SPECIE!!!!!!!!!!! nilingon ko ulit siya pero wala na siya sa kinaroroonan niya. Missing in action. Uwaaaaaaa!!!!! napahawak ako sa isang gamit ko at nasubo ko ng wala sa oras... HUMAYYyyyyyy!!!!! Si Alien Specie!!!! Nagsisigawan na naman ang mga nilalang sa tiyan ko. Nanghina ang mga buto at naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Sh*t namumula ako!!!! uwaaa gusto kong tumambling!!!! Naghalupasay ako sa pagkakaupo habang subo parin ang kung anu mang bagay ang nasa bunganga ko. Hindi ako makasigaw sa kilig dahil baka may makarinig sakin. Tatayo na sana ulit ako ng biglang naramdaman ko ang pagsakit ng bewang ko. Napayuko ako at pag-angat ng ulo ko ay may tumambad sa harap kong lalaki. Tinitigan niya ko at natawa ng kaunti.

Miss, bakit may panty kang subo sa bunganga?

Napahawak ako sa bibig ko at dali-daling tinanggal ang panty sa bibig ko. Nagsimula siyang humagalpak ng tawa. Namula ako sa kahihiyan. Paking Teyp!  nakakahiya. Napatunganga nalang ako sa kanya dahil ang tagal niyang tumawa. Masyado atang na-carried away ang tokwa.

Maya-maya ay tumigil siya at tinitigan ako....tumawa ulit siya at sa ngayon mas malakas... Hinayupak na to namumula nako sa kahihiyan dito. Napatakip nalang ako sa bunganga dahil baka mamaya natatawa lang siya sa bingot ko.

Tumigil siya ng napansin niyang takip takip ko na ang bibig ko.

Inilahad niya ang kamay niya na parang gusto akong tulungan. Tumingin ako sa mukha niya at nag-HOLD MY HAND LOOK lang siya, may pasa pa siya sa may kanang bahagi ng mukha niya. Hindi ko nalang pinansin at inabot ko nalang ang kamay niya. Pagkaangat ko, Nagpakilala siya sakin....

I'm kicks

napanganga ako, naalala ko yung nasipa kong dumungaw sa c.r. Sh*t

Otay:

Ah...eh...ahm....ah....

Kicks:

Oh, dont worry I know you. You're ghost sa C.R. ng boys kahapon. (hinawakan niya ang pasa niya)

I'm fine, you just owe me one.

(He grinned and looked at me)

Otay:

sorry

Kicks:

Nah, lets talk about it some other time. Let me help you with your things first.

Nagsimula na siyang magpulot ng mga gamit ko kaya naman nagpulot narin ako.

Binuhat nita pataas ng hagdan ang maleta ko at hinatid ako sa lobby ng W.U. Ladies' Camp. Bawal kasi pumasok ang mga lalaki kaya hanggang dun lang siya sa lobby.

Tatalikod na sana ako ng bigla siyang nagsalita.

Kicks:

you punch me in the face and now I helped you w/ your things. I guess you owe me twice. Kicks girl.

pinat niya ang ulo ko at umalis.

hay,,,,, wala na bang imamalas ang araw na to?

Rise Of The BingotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon