Chapter 17: One Crazy Night

49 1 0
                                    


Hyrum's POV

Na-iilang na talaga ako dito sa bingot na to. Di ba niya alam na babae pa rin siya at lalaki pa rin ako? Parang wala lang kasi sa kanya. Oo ngayon lang talaga ako nakakita ng babaeng bagong ligo and yes, totoo nga ang sinasabi nilang maganda sa paningin ang babaeng bagong ligo. She's wearing my shirt, hanggang tuhod niya lang ito. It fits her perfectly. Kinukuskos niya ang buhok niya. It's weird but it kind of turns me on.. Di ko naman maipagkaka-ilang sexy talaga siya kaya nga bago kung ano pa ang magawa ko e iniwan ko na siya.

"Pakain ako ah" paalam niya sakin pero di ko siya pinansin. Nang matapos na akong kumain. Iniwan ko na siya at naunang pumunta sa sala. Naramdaman ko namang sumunod lang siya sakin.

"A-ano Alien Spe--"

Ang bilis ng pangyayari. Narinig ko pa ang pagtawag niya sakin na hindi natuloy dahil sa natapilok siya. Dahilan para bumagsak siya sakin. Nasalo ko siya pero hindi kagaya ng iniisip niyo dahil napaka epic lang ng pagka bagsak niya sakin. Alam niyo kung bakit? Ganito lang naman kasi yung hitsura naming dalawa..

Siya nakasubsob yung mukha sa pwetan ko samantalang ako, ayun naghalikan lang naman kami nung malamig na semento. Wala akong masabi e, plakda kung plakda yung gwapo kong mukha. Oh? Akala niyo nadaganan niya ako at nagkatitigan kami? Sana nga ganun na lang, atleast hindi ako masusubsob sa sahig! Don't get me wrong ah pero kung papipiliin ako mas pipiliin ko ang safety ng gwapo kong mukha.

"Grabe! Ang baho ng pwet mo, kabayo!" Buhay pa pala tong babaeng to. At ang kapal ng mukhang sabihing mabaho daw pwet ko! May papagpag-pagpag pa ng ilong niya. Tumayo na ako at hinimas himas ang mukha ko. Ang sakit talaga.

"Bakit sinabi ko bang amuyin mo?! Ikaw yung tatanga tanga diyan! Di ka tumitingin sa dinadaanan mo!" Bulyaw ko sa kanya. Maganda na rin ang ganito na nagsisigawan kami para walang ilangan.

"Tss, maka tanga ka akala mo--" iniwan ko na siya at nagpatuloy sa sala. Manunuod na lang ako.

"Anong pinapanood mo?" Di ko siya pinansin at nagfocus na lang sa panunuod. Tumabi siya sakin at nanood na lang rin. Nang maramdaman kong parang ang tahimik na ata ng katabi ko. Nilingon ko siya at napansing nakatulog na pala siya. Inayos ko na lang ang pagkakahiga niya sa sofa. Bahala siya, di ko siya bubuhatin papunta sa kama, ang bigat kaya ng bingot na to. Kinumutan ko na lang siya at nahiga sa kama ko.

KINABUKASAN..

Grabe, ngayon na lang ata ako nakatulog ng ganito kaayos at kasarap. Hmmm, bakit ang sarap yakapin ng unan na to? Ang lambot lang. Ang sarap sa pakiramdam na may nakayakap din sayo... Te-teka, ako? May nakayakap sakin? Ang sarap sa pakiramdam pero sino nakayakap sakin? Mabilis kong iminulat ang mga mata ko at

"Waaaahhhh!!" Sabay naming sigaw. Mabilis kaming umalis sa pagkakayakap sa isa't isa

"Walang hiya kang, Alien Specie ka! Anong ginawa mo sakin at katabi kita?" Napakalakas na sigaw sakin ng bingot na to. Oo tama kayo, kamalas malasan nga naman at itong bingot na to ang kayakap ko.

"Hoy, tigil tigilan mo ko! Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan! Sa sofa ka nakatulog kagabi. Paano ka nakarating dito?" Sigaw ko rin sa kanya. Bigla naman siyqng natahimik at parang wala sa sariling pinukpok yung ulo niya.

"Aish! Nag sleep-walk nanaman siguro ako. Pasensya na." Paghingi niya ng pasensya sakin na parang napilitan lang.

"Palusot mo! Ang sabihin mo binalak mo kong gapangin kagabi" pang aasar ko sa kanya

"As if naman na gagapangin kita! Kapal mo! nagsisinungaling ka lang ata na sa sofa ako nakatulog e!" Singhal niya sakin. Ang sarap talagang inisin nitong bingot na to. Sa sobrang inis niya di mo na maiintindihan yung mga pinagsasasabi niya, bingot pa naman.

"Bilisan mo na nga diyan! Nang makabalik na tayo sa university" pasigaw niyang sabi sakin habang naglalakad na palabas ng kwarto ko.

----

A/N: Hanggang dito na muna guys :) wait for the next update po thanks..

~~Te®®y

Rise Of The BingotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon