entry of author witty from treeIdyots ^_^
Magdamag kong pinagpantasyahan ang alien specie na yun. Bv lang, nagsitubuan tuloy ng malaking eyebags ang mga mata ko. Ganun pa man dumeretsyo ako sa Writchmond University ng maaga. Kaialangan kong ma-hunting si Dao min su! ang Romeo ni Juliet! ang Mateo Do ni Steffi Chon!
nakipagngitian pa ko sa mga kapwa ko estudyante sa W.U. pero sa halip na ngitian nila ako. Parang pinandirian pa ko. Yung totoo? Nakakahawa ang BINGOT?! mga galunggong! Haliparot! Dikya ang mga to. Whatever! I just ended up grinning because I still think of him. Sana makita ko ulit siya.
Naka-chin up pa ko maglakad at feel na feel ko ang bagong uniform ko ng biglang may naghagis sakin ng balat ng saging! Ay ambot! ACABELEBET! Maya-maya hindi pa nakuntento. Hinatak ang buhok ko patalikod kaya naman napanganga ako. Pagkanganga, pinasukan nila ng papel ang bunganga ko. "BASHTOSH!!!!!"
Pinagtawanan nila kong lahat at pinagbabato ng magkakasuno-sunod na papel. Akala ko ba naman hanggang highschool lang ang immaturity? Wala kong magagawa, pinanganak akog bingot. Paninindigan kong pagiging bingot. As if may choice ako. :(
Binilisan ko nalang maglakad at muling hinanap si Mr. Alien Specie. Maghapon na ko sa Writchmond at nalibot ko na lahat pero di ko parin siya nakikita.
maya-maya nakita ko yung C.R. ng boys. Pumasok ako baka sakali kasing ma-spatan ko siya. swerte! hahahahaha
Unti-unti kong binuksan ang C.R. ng boys at dali-daling pumasok. Nilibot ko ang C.R. pero ni isang Alien Specie wala akong nahagilap. Lalabas na sana ako ng biglang may paparating at papasok sa C.R.
nataranta ako kaya tumakbo ako at kumaripas papunta sa isang toilet. Nagtago ako sa isang banyo. Maya-maya narinig ko na silang pumasok. PATAY! anong irarason ko kapag nalaman nilang may babae sa loob ng banyo.
Hunter: Kicks, nakita mo na ba si bootch?
Kicks: Di pa nga eh, miss ko na si bunso
Hunter: Tsk, badtrip! Kung hindi lang tayo lahat naghihirap hindi sana mawawala si bootch satin.
Kicks: Nabigo natin si Tatay. Pinabayaan natin si Bootch.
Hunter: Wag lang talagang may mangyaring masama kay bootch at mas lalong wag lang talaga siya mawala dahil pag nangyari yun. Kahit Eiffel Tower Gigibain ko mahanap ko lang si bunso.
Kicks: chill, mahahanap din natin si bunso. Teka natatae ako.
Thalia Carlota Mendoza Dimagiba/OTAY: Patay! wag lang talaga wag lang talaga siya lalapit. Halos di na ko mapakali sa kinatatayuan ko kaya naman umakyat ako sa may bowl. Papalapit na siya ng papalapit at binuksan ang pinto. Buti nalang sarado. PWEW! kamuntik ako dun.
Kicks: Kuya! sarado ang pinto. Bakit naman kaya? Barado kaya ang bowl kaya sinara? bwiset natatae na talaga ako. Sisilong nalang ako.
Thalia/Otay: Kinabahan ako lalo at sa sobrang kaba halos madulas ako sa bowl. Buti nalang at napakapit ako....Tumahimik ang lahat at akala ko nakaalis na silang dalawa. Bababa na sana ako ng biglang dumungaw siya sa ilalim. Nadulas ang paa ko at nasipa sa mukha ng kung sino mang nilalang ang tangang dumungaw paibaba. Napasigaw siya at nagalit ang kasama niya kaya naman pinilit buksan ang pinto ng C.R.
Di ko na alam ang gagawin ko kaya gumawa ako ng paraan. Nilabas ko ang lipstick sa bag ko at ginulo-gulo ang buhok ko. Pinunu ko ng lipstick ang mukha ko at bago pa man nila mabuksan ang pinto ay naka-ready nako sa aking ESCAPE PLAN.
BWAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!! Nagulantang silang dalawa at halos maihambalos ang isa sa pader sa sobrang takot. Nagtakbuhan sila palabas sa C.R. at naiwan ako mag-isa.
Pwew! Buti nalang pala at BINGOT AKO ^_^
BINABASA MO ANG
Rise Of The Bingot
Teen FictionLahat ng nilalang sa mundong aking kinagagalawan ay binigyan ng angking KAGANDAHAN, Sabi nila wala daw PANGET, kaya siguro naman kahit BINGOT may KARAPATANG MAGMAGANDA! HASHTAG NGONGO na BINGOT PA. San ka pa? Eepal pa ba? Kung sa Fairy Tale, THE B...