Pacco Perez
Ang gwapo nya sobraaaaa, ang ganda ng mga ngiti at mata nya nakakainlove sya.
"Katie? Sino yung friend mo nayun na kausap mo kanina?" Tanong ko sa classmate kong medyo ka close ko.
"Ahh yun ba? Si Pacco yun, Pacco Perez Classmate ko dati nung elem. Bakit? Type mo noh?" Ngumusi siya sakin at pabiro akong siniko para tuksuin.
Uminit nalang ang pisngi ko dahil sa sinabi nya. Totoo naman kasing type ko talaga sya ang pogi nya kaya! First year highschool na ako, kaya mas marami na akong nakikitang gwapo sa campus kumpara noong nasa Elementary palang ako.
"Bibsss! Here's your drinks," sabay abot sa'kin ng basong may lamang alak.
"Ow, thanks." Agad ko iyong kinuha at maliit na sumimsim.
"Sino yang tinitignan mo diyan ha?" Usiserang tanong niya.
"Nothing." Sagot ko para hindi na siya magtanong pa.
"Sus! Sino ng--" napatigil sya sa pagsasalita nang makita ang lalaking tinitignan ko kanina.
"O.M.G! Is that Pacco Perez? Your first year highschool crush?" Tumawa siya bago ibinalik ang tingin sa'kin, " infairness ah, Fafa rin sya!"
"Katie, samahan mo naman ako."
"Saan?"
"Iihi lang ako." Tumango siya at saka kami nagpaalam sa Teacher namin at sabay na lumabas sa classroom.
"Pwede bang dito tayo dumaan sa kabila para madaanan natin yung crush ko na classmate nila Pacco? Hehe." Turo niya sa kabilang way ng corridor kung saan madaraanan ang room nila Pacco.

YOU ARE READING
TEENS (COMPLETED)
Teen FictionJoshiana Pearl Madrigal, a successful lady and one of the famous Civil Engineer and this is the story of her teenage life. ⭐⭐⭐⭐⭐⭐ Photo not mine (Crdts to the rightful owner) Source: Pinterest.