First love or...not?
"Welcome to Miyu's Cafe." Bati sakin ng crew sa MC, tumango lang ako bilang tugon. Ito 'yung paborito naming Cafe ni Bibss nung College, dahil malapit ito sa St. Caroline's University--school namin nang highschool and college atsaka napakaganda dito.
Dumeretsyo na ako sa counter at omorder bago pumunta sa paborito kong pwesto sa MC, sa may veranda. Mas maganda ang pakiramdam kapag andito dahil nasa 8'th floor ito ng building at nakikita ang overlooking view ng City.
The building where the MC's located have ten floors. Sa first to third floor ay shopping area, sa fourth floor ay salon and fifth floor naman ay Spa. Sa six floor ay cinehan, sa seven'th floor ay ang office ng may ari. Sa eight floor ay ang MC, sa nine'th floor ay ang restobar and then sa ten'th floor ang pool party area na kadalasang inuupahan pag may mga birtday parties or kung ano anong events.
Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni nang may maalala.
'Kamusta na kaya sya?'
Antagal na din simula nung huli naming pagkikita. Napangiti ako ng mapait sa sarili.
"Kamusta ka na? Naaalala mo pa ba ako? ...o Hindi na?"
Malayo ang tinging napapabuntong-hininga dahil sa iniisip.
Sa loob ng iilang taong pamamalagi ko sa iba't-ibang lugar pakiramdam ko'y di parin ako nakakaalis sa kung ano ako noon, 'yung ako bago umalis ng pilipinas. Pakiramdam ko'y naroon parin ako sa mga panahong iyon at kailanma'y hindi na nakaalis 'doon'.
"Masaya nga ba ako sa mga naging desisyon ko?" Mahinang tanong ko sa sarili ko habang sumisimsim ng kape at nakatingin sa tanawin sa labas.
Matapos kong maubos ang mga pagkaing inorder ko ay umalis na ako agad sa MC. Nang makalabas ako ng building ay naisipan kong maglakad-lakad sa paligid. Nakaka-miss. Nakaka-miss ang ganitong pakiramdam, ang paglalakad ko tuwing marami akong iniisip. Naabot ko ang pangarap ko ngunit di ko parin maitatangging 'may kulang'.
Patuloy ako sa paglalakad hanggang sa mapadaan ako sa isang mall at tila ba may naguudyok sa aking pumasok kaya sinunod ko ang pakiramdam ko. Wala rin naman akong gagawin sa condo eh.
Wala ako sa mood mamili ngayon, kaya kahit ako hindi ko alam kung bakit ako nandirito. Para akong piraso ng manipis na papel na nagpapatangay lamang sa hangin, isang bangkang papel na nagpapatianod lang sa agos ng tubig.
"Ops," sa sobrang lalim ng pag-iisip ko'y hindi ko napansin ang isang babaeng umiiyak na tumatakbo papunta sa gawi ko kung kaya't bahagya kaming nagkabungguan.
"P-pasensya na miss, pasensya na talaga sorry," tuloy-tuloy at paulit ulit na sabi nya. "Sorry may hinahabol kasi ako di ako nakatingin ng maayos sa mga nasa paligid ko pasensya na talaga," maluha-luha nyang paliwanag sa akin pero napatingin lang ako sakanya.
"Ayos lang...wag kang tatakbo nang may luha sa mga mata mo dahil hindi mo talaga makikitang mabuti ang dinaraanan mo," maayos na sabi ko sakanya. Inabutan ko siya ng tissue bago ngumiti at tuluyan siyang lampasan.
"MANLOLOKO KA!"
Hindi pa ako nakakalayo nang marinig ang sigaw na 'yun. Napalingon ako para hanapin ang pinanggalingan ng sigaw at napakunot-noo nang makita ang babaeng nakabangga ko kanina. Umiiyak ito sa harap ng isang lalaki't babaeng nakatalikod sa gawi ko. Hindi ako tsismosa pero nanatili akong nakatanaw sakanila. Kung sakali mang may mangyaring di maganda ay gusto kong matulungan ang babaeng nakabangga ko kanina sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
YOU ARE READING
TEENS (COMPLETED)
Teen FictionJoshiana Pearl Madrigal, a successful lady and one of the famous Civil Engineer and this is the story of her teenage life. ⭐⭐⭐⭐⭐⭐ Photo not mine (Crdts to the rightful owner) Source: Pinterest.